"Shaneen, hindi ba magkikita kayo ni Parker?"Nagulat ako sa tanong ni Mommy. So, nagtanong nga si Parker? At pumayag naman ang magulang ko!
Ilang araw na simula na noong nag-usap kami ni Parker tungkol dito, wala naman siyang binabanggit sa'kin these past few days. Tapos hindi ko alam na nakapagtanong na pala siya at pumayag na ang magulang ko.
They betrayed me. I mean, hindi man lang ako tinatanong! Malalaman ko na lang na pumayag na pala si Mom. Gosh! It's December 30!
"Uh, yes po," I answered shyly.
"It's already 11 P.M. and you're still not prepared?"
I pouted. Seryoso ba kasi talaga? So, that means that I'll celebrate the New Year with him. I mean, it's fine but...
"Okay, Mom. Ihahatid n'yo po ba ako?"
"Hindi na, susunduin ka raw ni Parker. Sabay na raw kayo."
I nodded. Ang mga kapatid kong nakaharap sa phone nila kanina ay ngayo'y binigyan ako ng isang makahulugang tingin. Dumapo ang tingin ko kay Daddy, it seems like it's fine to him. Siguro ay sinabihan na siya ni Mommy about dito?
I sighed before entering my room. Ilang minuto akong nagde-debate kung ano ang susuotin ko. Sa huli, ang pinili ko ay isang bohemian trendy.
Inihanda ko na ang damit ko bago pumasok sa banyo para maglinis ng katawan at magbihis. Pagkatapos kong magbihis ay tinignan ko ang sarili sa salamin.
Ngumiti ako ng mapansin na tumatangkad ako. I think, 5'5? I don't know. Atleast, hindi na ako 5'3.
Pinasadahan ko lang ng polbo ang mukha ko at ayos na. Nang lumabas ako ng kwarto ay nahihiya akong bumaling kila Mom at Dad. Mabuti na lang at nasa kaniya-kaniya pa nilang kwarto sina Tita, lalo lang akong mahihiya.
"Hala! Ang ganda mo, Shaneen! Naghanda ka talaga para kay Parker!" masiglang sabi ni Ate.
Yumuko ako, sobrang nahihiya.
This isn't my first time wearing this pero ngayon lang ako naghanda ng ganito para sa lalake... para kay Parker.
"Nasa labas na si Parker, kanina pa. Mag-ingat kayo!" paalala ni Mom.
I smiled and nodded. Humalik ako sa pisnge ni Mom at Dad bago tinangunan ang mga kapatid ko. Bumuntong hininga muna ako bago pinihit ang pintuan. I'm nervous.
Kaagad kong nakita si Parker sa may bench sa labas ng bahay namin. Wearing brown checkered and pants. Nakaupo siya roon at nayuko. Ang mga siko ay nasa tuhod at ang mga kamay ay magka-hawak.
Madilim na ang langit pero dahil sa street lights ay napapanatiling maliwanag ang paligid.
Tumikhim ako nang makalapit. My jaw dropped when I saw him! Mas lalo siyang pumuti at amoy na amoy ko ang pabango niya. Pinagmasdan ko siya ng mabuti, he even... he even get more handsome!
"Sha..." he called.
I smiled. "Hmm?"
"Shall we?"
Pinigilan ko ang ngiti ko nang bigla siyang ngumiti sa'kin. I bit my lower lip.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Diyan lang, malapit lang. Don't worry, ihahatid naman kita rito mamaya."
"Saang malapit?"
"Somewhere."
Umirap ako sa kaniya nang ma-realized na hindi niya naman sasabihin sa'kin talaga kung saan ba kami pupunta. Pero kung saang malapit pa 'yan, sasama pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...