Pagkadating namin sa condo ay binuksan na agad ni Avery ang TV at cinonnect sa Netflix.
"Anong series?" tanong n'ya habang may kung anong pinipindot sa remote para maayos ang TV.
"Bahala ka," sagot ko at tinanggal ang faux leather crop top jacket na suot at inilagay sa sofa. Liningon ko si Avery na busy sa pagpipindot sa harapan ng TV. "Magpapalit lang ako."
"Pahiram na rin ng pantulog mo, dito na lang ako matutulog," sabi n'ya nang hindi ako nililingon.
""Di ba may iniwan kang pantulog dito? 'Yon na lang ang gamitin mo."
"Oo nga pala, sige 'yon na lang."
Nag-inat ako pagkapasok sa kwarto at tinignan ang sarili sa salamin. May kaunting itim sa ilalim ng mata ko.
"Stress?" I asked myself. Umiling ako, siguro ay laging kulang ang tulog ko.
Nagpalit ako ng pajama at shirt. Kinuha ko na rin sa cabinet ang damit ni Avery bago lumabas.
"Here," abot ko at umupo sa tabi n'ya, nasa harap namin ang TV.
"Thank you!" she smiled. "By the way, binuksan ko na ang aircon dito sa sala, init e."
Tumango ako. "No problem."
Hinahayaan ko naman si Avery na gumalaw ng mga gamit dito sa condo hangga't walang nababasag. Kidding, madalas si Avery dito sa condo ko sa Makati dahil bet n'ya raw ang city lights.
Pumunta saglit si Avery sa banyo para magpalit, ako naman ay tinignan ang TV. Kumunot ang noo ko nang makitang andaming nasa list ko. Kung ano-ano na naman ang pinaglalagay nito ni Avery. May series, movies, anime at iba pa.
"Pili ka d'yan, mga bet kong series na hindi ko pa napapanood dahil busy. Maganda daw yung Stranger Things or Haunting of Bly Manor o kaya naman Kingdom. May anime rin d'yan, The Case of Vanitas kaso on-going pero may iba pa naman d'yan."
Nilingon ko s'ya habang tinutupi ang damit n'ya. "Ikaw na ang pumili, wala akong kaalam-alam d'yan." Inabot ko sa kan'ya ang remote.
She sighed. "Movies or series?"
"Movie."
"Hmm..." nagi-scroll s'ya sa list. "Howl's Moving Castle or Spirited Away?"
Kumunot ang noo ko. "I don't know that. Kahit ano."
"Read the description."
Ipinakita n'ya sa akin ang description at parehong interesting. "Howl's Moving Castle muna then Spirited Away, okay?"
"Japanese or English Dub?"
"Huh? Anong pinagkaiba?"
Umirap s'ya. "Nevermind. Japanese dub na lang."
Kumuha muna ako ng pwede naming makain habang nanonood sa kusina. Pagkabalik ko ay 'tsaka n'ya pa lamang in-start ang palabas.
Alas-3 na kami natapos manood at halos sumakit ang likod ko dahil do'n.
"Mag-uumaga na, tibay natin ah," tawa n'ya.
"Mga batak sa puyatan," tawa ko rin.
Totoo naman ang sinabi ko dahil bilang isang doktor, minsan na lang ako makatulog at minsan ay umaabot pa ng madaling araw ang schedule ko. Si Avery naman ay nagkakapagpuyat dahil scriptwriter sa Entertainment namin at writer din.
5 years ago, kahit na nasa ibang bansa ay inirekomenda ko si Avery kay Mommy. Sinabi kong magaling s'yang writer, hindi agad pumayag si Mommy dahil hindi s'ya agad tumatanggap porket kakilala, kailangan ay talagang deserve nito ang posisyon na maibibigay sa kaniya sa Entertainment. Sinabi ko kay Avery na ipakita sa kan'ya ang ilan nitong sikat na istorya. Namangha naman si Mommy dahil hindi n'ya alam na si Avery pala ang sikat na author na pinag-uusapan ng madla sa kasalukuyan.
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...