It's obvious that I'm lazy because the previous chapters are unedited. Maraming typo. Lol, my fault. Hahaha sorry :(
-
Nagising ako sa isang puting kwarto. Hindi ko alam kung nasaan ako pero may dextrose na nakasabit sa gilid ko. Mga mga bulaklak din sa gilid ko at kung ano-anong mga prutas. Isa lang ang pumasok sa isip ko, nasa ospital ako!
"Hala! Tita Maggie, gising na po si Shaneen," rinig kong boses ni Avery.
Napansin ko na may pumasok sa loob ng kwarto. It's Mommy, Daddy, Avery, and Ate Shani. Wala si Kuya, nasa ibang bansa na naman.
"Oh my goodness, darling. Call the doctor!" histerikal na sigaw ni Mommy.
I don't what happened after I collapsed. Basta ang huling kong natandaan ay nasa school pa ako at kasama ko ang mga kaibigan ko. Pumasok ang doctor at chineck ako. Habang ako ay prino-proseso pa rin ang nangyari.
"She's fine, Mrs. Meritt. She needs to take a rest. Pwede niyo na siyang i-admit bukas. Huwag lang kalimutan ang ilang paalala ko at ang mga gamot na iinumin niya," sabi ng doctor.
Tumango si Mommy habang hawak ang braso ni Daddy. "Yes. Thank you Doc."
Tumango ang Doctor kay Mom at Dad bago ito lumabas. Hindi nakalagpas sa akin ang pangalan niya sa gilid ng uniform niya, Dr. C. Capitle. He's Parker's Father! Hindi rin nakalagpas sa akin ang pagka-hawig nila.
"Shaneen, ano ba ang nangyari? Avery called me at bigla ka na lang daw nawalan ng malay. I said, matulog ka sa tamang oras. Huwag mong isipin ang mga assignments mo. Dapat ay ipinagliliban mo 'yon! Your health is our priority, not your study!"
"M-Mom... I'm s-sorry. I just... I just want to attend on Avery's birthday. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari." Umupo ako mula sa pagkaka-higa at isinandal ang ulo ko sa headrest.
"Shaneen!" tawag naman sa akin ni Avery. "You don't need to attend my birthday. Kung iniisip mo ay ang overnight, pwede namang ipag-paliban natin. Hindi ganito na pahihirapan mo ang sarili mo."
I bit my lower lip. "I'm sorry..."
"Magpahinga ka muna, Shaneen. Si Avery muna ang magba-bantay sa 'yo."
"Y-Yes, Mom. I'm sorry..." Halos maluha na ako habang sinasabi 'yon.
Kaagad namang lumabot ang ekspresyon ni Mommy at niyakap ako. Naramdaman kong hinaplos niya ng marahan ang buhok ko.
"It's fine darling. Wala kang kasalanan. Just rest."
Pagkatapos nun ay lumabas na sila at ang naiwan na lang ay si Avery. Nilingon ko siya, bahagya siyang nakayuko at pinupunasan niya ang kaniyang mukha. Nanlaki ang mata ko nang humarap siya sa akin habang puno ang mga pisngi niya ng mga luha.
"Nakakainis ka Shaneen! You don't need to do that! Dahil lang ba sa birthday ko kaya ka nag-aaral hanggang madaling araw? Yes! Pangarap ko— pangarap natin na mag-overnight sa bahay kapag birthday ko. Pero hindi mo naman kailangang tapusin lahat ng gawain e! Ano ngayon?! Narito ka sa ospital!"
I pouted. "I'm sorry, Avery..."
"Apology accepted but not forgiven! Nagtatampo ako sa 'yo! For 2 days, wala ka! Tulog ka! Lagi na lang sila Attamiel, Gabo, at Wane ang kausap ko! Nakakainis ka Shaneen."
Umayos ako ng upo. Inilahad ko ang kamay ko kay Avery para lumapit siya sa akin, kaagad niya namang naintindihan ang ibig kong sabihin kaya lumapit siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...