Pinunasan ko ang pawis na tumutulo mula sa noo ko. Hingal na hingal ako habang nakatingin sa sariling repleksyon sa malaking salamin. I'm wearing a white croptop and jogging pants. Kinuha ko ang phone ko at pinictureran ang sarili sa salamin.Naka-ilang shot ako bago napag-isipan na 'yon ang i-IG story. Naglagay lang ako ng caption na 'exam day, exercise day' at nilagay na sa IG story. Pagkatapos nun ay ibinaba ko na ang phone ko at pinunasan ang sarili.
Exam day na namin pero hindi ako nagre-review dahil hindi ko gawain 'yong nagre-review kapag araw na mismo ng exam. Mamaya kasi mag-overload ang mga information sa utak ko at hindi ako makapag-concentrate. Alam ko naman na nakapagreview ako ng maayos kahapon kaya hindi ko na inintindi.
Tinignan ko ang orasan at alas-6 pa lang ng umaga. Tuwing exam ay nakasanayan ko nang gumising ng maaga at mag-exercise. Para lang ma-freshen up ang utak ko at katawan. Para sa exam ay komportable ako.
Nang makapagpahinga na ako ay naglinis na ako ng katawan at inayos ang gamit na gagamitin para sa exam.
"It's too early, darling. May halos isang oras pa bago ang exam n'yo, aalis ka na?" tanong ni Mommy pagkababa ko.
I smiled. " 'Di ka na nasanay sa akin, Mom. I'm always early."
"Oh... Okay. Maayos na ba ang lahat ng gamit mo? Lapis mo? Ballpen mo? Scratch papers? Snacks? Water?"
Tumawa ako dahil masyadong paranoid si Mommy. Lagi siyang ganiyan kapag exam namin, siguro gusto niya lang talaga handa ako para sa exam. Hindi ko rin naman nakakalimutan lahat ng payo niya na kumain ng gum para hindi makatulog at nakafocus lang sa exam, tapos lagpasan muna ang mahihirap na questions para hindi sayang sa oras, at iba pa.
"Mom, ayos na po lahat," sabi ko habang umuupo sa lamesa at handa nang kumain.
"Magdala ka ng chocolate."
I smiled. "Mom, hindi ko alam kung ano ang a-attend-nan ko. Kung quarterly exam pa ba or entrance exam na sa isang university," I laughed.
Mom smiled. "Bakit? Ayaw mo ba na nag-aalala ako sa'yo? Ayaw mo na ba ako Shaneen?" aniya habang kunwari'y may pinapahid na luha sa pisngi.
Oh God. My Mom is really an actress!
Umiling ako. "Kain na po tayo. Baka ma-late na ako e."
Halos 20 minutes ata ang ginugol ko sa pag-kain dahil nasarapan ako sa luto ni Mommy. Tuwing may exam lang naman sobrang sarap ng luto ni Mommy. Mabuti na lang at hindi traffic kaya hindi rin naman ako na-late.
Naka-one seat apart na ang mga upuan namin dahil inayos naman na namin ito nung Friday. Naabutan ko si Avery na nakaupo sa katabi kong upuan.
"Good morning, Avery!" I greeted.
"Good morning, Sha!" she greeted happily.
"Ganda ng gising mo ngayon ah? Bakit? Napansin ka na ba ni Primo?" I teased.
Pabiro niya akong tinignan ng masama. "Baliw. Porket may Parker ka na, binu-bully mo na ako."
I pouted. "Wala akong Parker."
"Anyways, wala lang. Kasi naintindihan ko lang lessons natin kahapon. Nagreview kaya ako! Lalo na sa English. Sana tumaas na grades ko," nangiti niyang sabi.
"Good. Good."
Nang dumating na ang adviser namin ay nagsibalikan kami sa kaniya-kaniya naming upuan. Inilabas ko ang lapis na gagamitin at nakinig sa utos ng teacher namin. Nang pinamigay na ang unang test paper na sasagutan ay binigyan kami ng isang oras para doon. Hanggang alas-8 kami ng gabi rito dahil tatapusin namin lahat ng test sa isang araw.
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...