"You did not know? Since last year, Sha. Gusto na kita."
My lips parted. Bahagyang uminit ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin. "A-Ah s-sige. Ikaw na lang ang b-bumili ng para sa a-akin. Mauna na ako sa u-upuan natin."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at nagmamadali akong bumalik sa pwesto namin. Paano niyang naatim na bigla na lang sabihin 'yon? He's impossible. Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Gosh, Parker!
Buong akala ko'y wala na siyang gusto sa akin dahil hindi na siya nagpapadala ng sulat simula noon. Pero gusto niya pa rin pala ako. And now, he's courting me. Damn it.
"Oh, nasaan si Kuya Parker?" natatawang tanong ni Kuya Hugo. Mapang-asar niya pang binanggit ang 'Kuya', siguro'y nang-aasar.
"Uh, naroon pa, bumibili," tipid kong sagot at umupo sa tabi ni Avery.
"Oh? Akala ko ay ililibre ka n'ya? Bakit wala kang dalang pagkain?"
Gusto kong tampalin ang noo ko dahil nagtatanong pa itong Kuya ng kaibigan ko.
"N-Nauna na po ako. S-Siya na r-raw ang bibili kaya nauna na po ako."
"Po? 'Wag ka nang mag-po sa amin. Just call us Hugo and Caryll, erase the po and opo, kuya and ate, since Parker is courting you," pag-singit ni Ate— Caryll.
I nodded. "Sige po."
"Cut the po, Sha," puna niya.
"Y-Yes."
Panay ang pag-iingay ni Hugo at Wane tungkol sa ML. Mas lalong umingay nang dumating si Parker. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa pag-amin niya kanina.
"Ayan na ang lover boy. Shet bakit ang daming pagkain na nilibre mo kay Shaneen? Tapos sa akin ay tubig lang. Frienship over na tayong hayup ka!" drama ni Hugo.
"Shut up Hugo. Arte mo," irap ni Parker.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para mapigilan ang pag ngiti.
"Pa-impress ka lang kasi nandito si Shaneen. Sha, 'wag mo nang sagutin 'yan si Parker. Alam mo ba may M.U. 'yan na grade 7, oo pedophile talaga 'yan si Park— Ouch!"
"Ang daldal mo, Raphael," suway ni Caryll at ibinaba ang pinalo niyang plastic bottle kay Hugo.
"Kuya naman!" suway ni Avery.
Bumaling sa akin si Caryll. "Don't mind him, Shaneen. It's not true. Walang M.U. si Parker na 1st year. He's lying."
I simply nodded, tinatago pa rin ang munting tawa.
Nang matapos ang break time namin ay kaagad din kaming bumalik sa bawat klase namin. Masyadong mabilis ang naging araw at hindi ko namalayan na may tutor na naman ako.
"Memorize it. Read it 10 times. Say it 10 times. Write it 2 times."
"What, Parker? Seriously? Bakit ganon naman? Nagsasayang lang tayo ng oras e!" reklamo ko.
"Calm down, Sha. Mas madali mong makakabisado kapag yun ang gagawin mo. Memorize it."
Wala akong nagawa kung hindi ang sundin ang utos ng lalaking katabi ko. Tinuturuan niya lang naman ako ng pinapakabisado sa aming tula sa Filipino. Ako na sana ang gagawa mag-isa nun kaso hindi ako magaling magkabisado kaya nagpatulong na ako sa kaniya.
You know him, parang wala ata siyang hindi alam na bagay.
"Ayan na! Na-memorize ko na. Happy? Happy?"
"Ofcourse, I am," he smiled.
Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ang gwapo niya? Ugh!
"Wala na akong assignment."
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...