"Go grade 10! Go grade 10! Go! Grade 10 lang malakas!" Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Avery.
Kasalukuyang naglalaban ang Grade 10 at Grade 12 sa basketball at dahil varsity si Parker at Hugo, kasali sila. Kasali rin 'to sa foundation day ng paaralan namin.
Sa totoo lang, wala akong kaalam-alam sa basketball. Basta okay na ako kapag nanonood. At dahil kasali si Parker at si Hugo, kailangan naming manood ni Avery at suportahan ang buong team nila.
Nasa bench kami kung saan ang team nina Parker. Last quarter na at sobrang lapit ng score ng Grade 12 sa Grade 10, 3 points ang lamang ng Grade 10. Last 30 seconds na lang at bahagya akong kinabahan dahil baka maabutan pa ang score nila.
"Mag cross finger ka. Tignan mo at mananalo sila Kuya. Dali! Cross finger ka!"
"What? Cross finger?"
"Oo! Ginagawa ko 'yon kapag gusto kong manalo sila Kuya sa laro. Promise effective 'yan! Proven and tested by Avery," ngumisi s'ya.
Kahit wala namang scientific basis ang sinasabi ng kaibigan ko, ginawa ko na lang ang gusto n'ya.
Halos hindi matanggal ang tingin ko sa bola, kung saan ito mapupunta at kung kaninong team ang madagdagan ng points. Sa huling 10 segundo, mas lalong lumala ang kaba ko. Tie sila, kailangang lumamang ang Grade 10.
I bit my lower lip. Nasa kalaban ang bola.
Halos dumagundong ang buong court nang maagaw 'yon ni Parker at mabilis na ishinoot sa ring!
"Yes!"
"Grade 10 lang malakas!"
"Parker! Pakasal na tayo!"
"Galing mo Parker!"
"Congratulations Grade 10!"
Halo-halong sigaw ang maririnig sa buong court. Nakisabay pa ang kaibigan ko sa pagsigaw kaya bahagya akong lumayo sa kaniya. Masakit sa tenga.
Ngumiti ako ng makitang papalapit sa akin si Parker. Kaagad kong kinuha ang towel n'ya at ang tumbler na may tubig. Ibinigay ko sa kaniya ang tumbler bago ang towel.
Ngumuso s'ya pagkatapos uminom ng tubig. "Ikaw na lang ang magpunas sa akin," he smirked.
"Huh?"
"Regalo mo sa akin."
"Birthday mo ba?"
Sumimangot s'ya. "Hindi pero nanalo kami. Dali, ikaw na lang magpunas ng pawis ko."
I laughed. "May kamay ka naman, ah! Ang pabebe mo!"
Nanliit ang mata n'yang nakatingin sa akin. Hindi pa rin nawawala ang pag-nguso n'ya.
"Okay. Ako na lang."
Aktong kukunin n'ya na ang towel nang ilayo ko ito habang natatawa. "Joke lang. Ito naman. Oo na. Ako na po ang magpupunas sa 'yo baby boy ko..." biro ko.
Kumunot ang noo n'ya. "What did you say?"
"Do I need to say it again?"
"No. The 3 words only. Say it again..."
"Baby boy ko?"
Saglit pa akong nag-isip kung tama ba ang sinabi ko pero 'yon naman ang last 3 words na sinabi ko.
"Call me using that words," aniya sabay iwas ng tingin.
I laughed. "Hindi bagay. Mas matanda ka sa 'kin."
"Just..." he sighed and bit his lower lip. "Just... call me—"
I cutted him off. "Ang pabebe mo. No... you are pa-baby kahit 'di ka naman baby," I smiled. "Pero sige, ngayon lang, ah? Bukas hindi na. Gift ko na lang 'yan sa 'yo baby boy ko..."
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Ficção Adolescente(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...