Chapter 8

59 6 4
                                    

Sorry sa late update. Busy lang. Baka weekend na ulit ang update pero marami na ang update sa weekend :) Enjoy reading!

-

Few days have passed. Naging maayos naman ang lahat ng mga lessons pero may ilan pa rin ang kailangan kong aralin. Ito na rin ang araw kung saan tuturuan ako ni Kuya Parker. Hindi alam ang ire-react na pagka-gising ko sa umaga ay ang magulang ni Parker ang bubungad sa akin.

"Maggie, your daughter is so beautiful."

Mom chuckled. "Naku Phia! Ofcourse, mana sa nanay."

Mabuti na lang at hindi kasama si Kuya Parker, hindi pa kaya ako nakakapag-ayos at gulo-gulo pa ang buhok ko.

"I'm sorry Phia and Cole. Late nagising si Shaneen dahil weekend. Hayaan niyo at aayusan ko na siya para makapunta na siya sa bahay n'yo."

"It's okay Maggie. Baka nga kami pa ang nakaabala at ang aga naming pumunta. Hindi bale, 10 A.M. pa naman ang meeting namin."

"Sige, Phia... Cole. Ayusan ko muna si Shaneen, kayo muna ni Caspere ang mag-usap."

Tumango si Tita Phia kay Mommy atsaka ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik. Nagmamadali akong bumalik sa kwarto ko at naglinis ng katawan. Ngayon ko lang naalala, mga doctor sila! Mga maaga ang gising. Baka naistorbo ko pa sila. Ugh!

"Monixa, dalian mo na. It's already 8:09 A.M, nakakahiya naman at sila pa ang sumundo sa 'yo! Naku Shaneen Monixa!" pangaral ni Mommy habang nagpo-polbo ako sa harapan ng salamin.

"Yes, Mom. I'm sorry, medyo late lang ang gising ko," sabi ko habang naglalagay ng hikaw sa tenga ko. "Bakit ba pa kasi ako tuturuan ni Kuya Parker?" bulong ko.

"What did you say Shaneen Monixa!?"

Kaagad akong naalerto nang sigawan ako ni Mommy. Sana ay hindi niya narinig ang binulong ko. "W-What Mom? Wala akong sinasabi."

"Nevermind. Tara na at baka naghihintay na sila nang matagal. Come here. Aayusin ko ang buhok mo. You need to be présentable."

Umupo ako sa upuan sa harap ng salamin at sinimulan na ni Mommy na suklayin ang buhok ko.

"Mom, I don't think Parker needs to teach me for so long. One month will do. Parang nakakaabala naman ako kung isang school year akong magpapaturo sa kaniya tapos wala pang kapalit."

"Darling..." Tinignan ako ni Mommy mula sa salamin. "He said yes. Grab the opportunity. Malay mo naman ay may maging improvement ka. Atsaka para mas marami ang malaman mo tungkol sa pagdo-doctor."

"May malalaman po talaga ako Mom sa pagdo-doctor dahil aaralin ko 'yon. Sa college pa nga lang."

"O, sa college pa. 4 years pa ang hihintayin mo para roon. Atleast, kay Parker, matututunan mo na agad. Ilang beses pa ba nating pag-uusapan 'to Shaneen? I thought you said yes?"

"Yes Mom, but..."

"No buts darling. Tara na at anong oras na."

"Yes Mom."

Tinignan ko nang huling beses ang sarili ko sa salamin. My hair is in messy ponytail. Masyadong mahaba ang buhok ko, tingin ko'y hanggang bewan ko 'yon kapag nakalugay. Pero ngayon ay nasa ibaba lang ito ng balikat ko. Hindi nakalagpas sa akin ang paghalo ng black at brown na kulay sa buhok ko.

Noong una ay nagtaka ako kung bakit may kulay brown ang buhok ko dahil si Mom, Dad, Kuya, at Ate ay kulay itim ang buhok. Samantalang ako ay may brown. Nakuha ko raw iyon sa lola ni Dad na Americana. Mabuti nga at bumagay ang kulay ng buhok ko.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon