Chapter 1

159 16 4
                                    


Kumunot ang noo ko sa nabasa. Tinupi ko ulit ang papel at nilagay sa loob ng locker. Binasa ko pa ang iba at puro mga fans ni Ate at Kuya ang nagbibigay non, pero ang kay "Peter Parker" lang ang naiiba.

Inayos ko ang gamit ko at nilagay sa iisang parte ng locker ang mga sulat. Wala akong balak itapon 'yon dahil hindi naman 'yon sa akin, maliban sa isang letter na galing kay Peter Parker. 

Katulad nang naririnig ko kanina ay ganoon pa rin pagkapasok ko sa klase. Kaya nga lang, mas malalapit ang boses nila. Bakit ba kasi ako pumasok na agad? E alam ko namang sa first week ay wala pang teacher na nagtuturo.

"Shaneen, right? Hello!"

Tinabihan ako ng isang babae. Syempre ay kaklase ko siya. Ang buhok niya ay lagpas balikat at medyo curly. Maputi rin siya pero hindi sobrang puti na katulad ko. May eye glass siya na suot, pero hindi naman 'yon nakabawas sa ganda niya. Yeah, she's beautiful. Napansin ko rin na masyado siyang masiyahin at laging nakangiti.

"I'm Avery."

I slightly smiled, "Hi..." nag-wave pa ako ng kaunti. Wala namang masama na kausapin siya, atsaka mukha namang hindi siya super fan ng pamilya ko.

"Baka sabihin mo feeling close ako kasi mga artista at model ang pamilya niyo. Uy hindi ah! Gusto ko lang makipagfriends. Ayaw ata ng ibang kaklase natin sa akin e," tinuro niya ang buong klase habang nagsasalita.


I pouted. "Ako na lang ang kaibigan mo."

"Talaga?!"

"Oo naman."

"Thank you Sha!"

"Sha?"

"Oo. Nickname ko sa 'yo. Sha short for Shaneen, ayaw mo ba?"

"Hindi naman—"

"Anong gusto mong nickname? Inday? Bebang? Bentong— ay Bentang? Kuring? Ano? Pili ka dali. Baka ayaw mo kasi ng Sha."

I bit my lower lip. Gusto kong matawa dahil masyado siyang jolly at nakakatawa ang mga sinasabi. I think, I need a friend like her. Kasi medyo tahimik akong tao. Sana lang ay hindi siya ma-bored sa pagiging tahimik ko.

"No... no. I'm fine with Sha."

"Hindi, mas bagay ang Inday sa 'yo!"

I laughed. "Oh sige, bahala ka kung anong gusto mo." Hindi ko na siya pipigilan pa since she's my first friend here.

Gaya ng inaasahan ko ay wala masyadong teacher ang pumasok sa classroom. Nang mag-break time ay niyaya ako ni Avery na pumunta sa canteen. Marami ang estudyante rito, public school kasi 'to pero mayayaman ang mga naririto. Parang yung mga mayayaman na lowkey lang, yung mga ayaw sa private school.

"My treat! Since may friend na akong model! Grabe ang ganda mo Shaneen," ani Avery.

"Huwag na, ako na lang ang manlilibre."

"Ay naku, hindi! Ako ang manlilibre ngayon, tapos ikaw bukas. Para quits tayo, ano, game?"


Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon