Chapter 30

70 3 8
                                    

Inilapag ko ang tote bag na dala sa lamesa at nilingon si Avery habang umuupo.

"Aga mo naman po Doctora," biro n'ya sabay ngiti. "Anong meron Doc? Hindi naman rush hour?"

Ngumiwi lang ako at kinuha ang laptop sa tote bag at binuksan 'yon.

"Grabe naman po Doc! I called you here because I want to talk to you pero nang makarating ka Doc ay upo agad at hindi mo man lang ako binati at sabay bukas ng laptop? Snobber kana Doc?"

"Stop calling me with my title, I'm not wearing my suit."

Sumandal ako sa upuan at isinarado ang laptop. Wala naman talaga akong gagawin sa laptop, dinala ko lang 'yon dahil balak kong umuwi na sa condo pero tumawag si Avery at gusto n'ya raw na mag-meet kami.

"Ay, kapag naka-suit ka lang ba pwedeng tawaging Doctora?"

I nodded. "You are not my patient."

"Sus! E sa proud ako sa title ng kaibigan ko, e!"

I smiled. "Thank you, Engineer."

Yes, she's an engineer. Una n'yang course ay
M

ass Com pero umalis s'ya at pinili ang Engineer.

She made face.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko para matapos na.

"Nagmamadali ka talaga?" I sighed. "Okay. Ito na nga, tinawag kita dito para doon sa issue. Tignan mo nga! Nakasuot pa ako ng hoodie kasi baka batuhan nila akong itlog na bugok, baho pa naman no'n! Nakakainis naman kasi, bakit ako nadamay sa issue nila?!"

"Oh? Dapat hindi ka na lang lumabas, tinawagan mo na lang sana ako."

"Ay ayoko. Hindi naman ako scared, mga 1% lang gano'n pero gusto lang kitang makausap kasi nabalitaan ko kay Owhen na may bagong doktor kayong kasama?" she smirked.

"Oo."

"Sino? Lalake ba? Reto mo naman ako!"

Tumaas ang dalawa kong kilay. "Kelan ka pa nagkaroon ng interes sa mga doktor? 'Di ba gusto mo nga sa engineer na umiigting ang panga kaya ka nag-engineering din?"

"Luh. Hindi ah!" depensa n'ya. "Magaling ako sa math kaya nag-engineer din ako 'no! Engineer na umiigting ang panga ka d'yan pero kung papalarin na makahanap, why not?"

Umiling lang ako. "Then, 'wag ka na sa doktor, sa engineer na lang."

She looked at me, nanliliit ang mga mata.

"Why?"

"Bakit ayaw mo pakilala sa 'kin kung sino bagong doktor n'yong kasama? Bet mo 'no? Name drop naman d'yan! Ako na maghanap ng mga social media n'ya para sa 'yo."

I smirked. Kung alam mo lang sana...

"No need. Wala akong time para d'yan."

"Walang time?! Ineng, magti-30 years ka na. Kailan mo balak mag-asawa, kapag senior ka na? Gusto ko na ng inaanak."

My eyes widened. "The fuck?" gulat kong sabi.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon