Chapter 27

35 2 0
                                    

"Huy sana all kay Parker. Ang possessive n'ya. How I wish na sana mayroon din akong boyfriend na gano'n," ani Ate habang pauwi na kami.

Hindi namin kasama si Parker dahil sinundo s'ya ng kotse nila.

Hindi na rin kami nagtagal sa event dahil baka mag-away pa si Parker at Josu. Hindi ko alam kung kilala ba ni Parker si Josu at kung makaakto kanina ay akala mong maaagaw ako ni Josu sa kaniya.

"Ate..."

"What? Hindi ko naman aagawin sa 'yo si Parker. Sinasabi ko lang na sana ay may gano'n akong boyfriend na possessive tapos i-igting ang mga panga! Ugh. Sa mga story ko lang nababasa ang mga gano'n."

"Then read a million of stories."

"I'm—"

"Can you please keep quiet, the two of you? You are giving me headache. Ikaw Shanine, abalahin mo na lang ang sarili mo sa Instagram post mo kung ilang likes na. 'Wag ka nang makipag-away sa kapatid mo."

"We're not fighting, Kuya! We're just talking, okay? Ang OA nito!"

"Shanine..."

Lumingon si Kuya mula sa driver seat, nakatingin s'ya ng masama kay Ate.

"Okay. Joke lang! Humarap ka na at baka bumangga pa tayo. Alam kong maganda ako pero doon kana humarap sa daan."

Hindi na nakipagtalo pa si Kuya at pinagpatuloy na lang ang pagda-drive.

"Palibhasa iniwan ka..." dagdag pa ni Ate.

"What did you say?" si Kuya na masama ang tingin kay Ate na nakatingin sa side mirror.

"Joke. Wala! Drive kana Kuya para makauwi na tayo."

"Ano bang gusto mong strand, Sha?" tanong ni Kuya habang nakapila kami sa registration para sa senior high.

"Health allied nga Kuya! Makulit ka."

"I'm sorry baby. Sinisigurado ko lang naman."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Habang nasa pila ay hindi maiiwasang mapansin ko na pinagbubulungan at pinagtitinginan kami.

"'Di ba si Shaleen 'yon?"

"Ay oo nga 'no! Grabe, ang gwapo n'ya talaga sa personal."

"Kapatid n'ya 'yon 'di ba? Si Shaneen?"

"Oo ata."

"E 'di dito na mag-a-aral si Shaneen?"

"Siguro. Nakapila sila sa registration, e."

Hindi ko ini-expect na may lalapit sa amin at, "Kuya Shaleen, pwede po bang pa-picture? Hihi."

Umawang ang labi ni Kuya. "Sure!" aniya habang may pagtawa pa.

Humarap sa akin ng babae at inilahad ang phone n'ya. "Pwede pong pa-picture-ran kami?"

Ay ganon?

"Sorry Miss pero hindi na lang ako magpapa-picture kung uutusan mo ang kapatid mo."

Ngumisi ako. Itinaas ko pa ang noo ko at itinaas ang kilay. Oo! Kapatid ako ni Shaleen 'no ta's uutusan mo lang ako?

"A-Ay... Sorry po. Sige selfie na lang po..."

Pagkatapos mag-picture ay umalis din kaagad ang babae dahil sa pagkapahiya.

"Come here baby..."

"Why?" tanong ko kay Kuya habang lumalapit sa kaniya. "Nga pala, ano nakain mo at gano'n na lang ang sinabi mo sa fan mo?"

"Huh?"

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon