Chapter 3

96 10 1
                                    


"Ang bully mo, Shaneen! Mas maganda nga ako roon. Atsaka mas maputi rin ako!" pagmamaktol ni Avery nang mag-uwian.

Naglalakad kami ngayon papunta sa locker. Dala-dala namin ang ilang libro na ginamit namin kanina. May mga teacher na ang nagsisimulang mag-lesson pero puro introduction pa lang naman, hindi pa naman gaano kabigat ang mga lesson.

"Tignan mo locker mo, Sha, baka mas marami ang letters ngayon!"

Ngumisi lang ako kay Avery. Nang buksan ko ang locker ko ay napatulala ako dahil sa mas maraming letters sa loob! Hindi na sa mga kapatid ko 'yon, dahil nang tignan ko kung para kanino ay para sa akin na!

Nagtata-talon si Avery dahil may babasahin na naman daw siya. Ako naman ay pinupulot ang ilang mga letters na nahulog. May napansin pa akong nga chocolate sa loob. Kinuha ko ang bar ng chocolate at nakita kong galing 'yon sa Kuya ni Avery, dahil full name ang naroon. Hugo Raphael Austari.

"Avery, sa 'yo na lang," bigay ko.

Tinignan niyo 'yon ng mabuti pagka-kuha niya. Akala ko ay wala siyang magiging reaksyon pero natawa ako sa sinabi niya, "What the fudge? Bakit ang epal ni Kuya? Bakit ang kontrabida niya sa ship ko? Ano 'to? Gusto ka rin ni Kuya? Argh! Kay Ate Caryll na lang dapat siya."

Nakangiti akong umiling. Pinulot ko pa ang ibang letters nang mapansin ko ang kakaibang papel, galing 'yon kay Parker! Nakita ko 'yon kaninang umaga na sinusulatan niya. Kaagad ko 'yong binasa.

It's okay to be late, than never :)

-P

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang meaning non. I sighed. Ipinasok ko na lang 'yon ulit sa locker, bukas ko na lang 'to i-uuwi. Masyadong stressful ngayon dahil may assignment agad kami. Hindi naman sa nagre-reklamo ako pero pwedeng tumalon na lang ako sa pagiging doctor?

Pero alam ko namang hindi mangyayari 'yon, lahat ng bagay pinaghihirapan.

Kinabukasan ay halos mapatalon kami ni Avery nang sumalubong sa amin si Parker. Napairap ako ng palihim, mabuti at hindi natapon ang coffee jelly ko!

"Shaneen," tawag ni Parker. Nilingon ko siya pero hindi ako sumagot. "Read this, after your diagnostic exam. Pag-isipan mong mabuti. Sa bahay niyo na basahin, ayokong mabasa 'yan ni Avery."

Pinalo siya ni Avery. "Hoy! Napaka-sama mong lalaki ka! Best friend ako ni Shaneen, 'no! Admirer ka lang niya."

I pouted. It's another letter from him. Tinanggap ko 'yon pero hindi ko binuksan, sabi niya nga ay after ng diagnostic exam namin ko daw buksan. E sa friday pa matatapos ang exam namin dahil 2 days 'yon. But still, sinunod ko ang sinabi niya.

Kaya dali-dali akong umuwi sa bahay after ng exam namin. Sumalubong sa akin si Mom at Dad na nag-a-ayos ng mga bagahe nila. Oo nga pala, may taping sila sa Baguio. Hanggang Linggo ata sila roon.

"Shaneen, uuwi na ang Kuya Shaleen mo bukas dito. Kayo lang ni Ate Shani mo ang nandito, 'wag ka munang lalabas ng bahay ngayong weekend, ha?" bilin ni Mom.

"Yes po."

Marami pang binilin sa akin si Mom at tahimik lang ako habang sinasaulo ang sinabi niya. Hindi rin nag-tagal ay umalis na sila. Nag-palit muna ako ng damit bago ako sumampa sa kama at basahin ang binigay sa akin ni Parker na letter.

To: Shaneen

You want to be a doctor, right? Avery told me. Sinabi niya rin sa akin na gusto mo pang matuto tungkol sa pagdo-doctor. Kung gusto mo, turuan kita? I want to be a doctor too. Let's catch our dream together :)

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon