Chapter 7

63 5 6
                                    


"Oh my gosh! 3 points! Talo na kayo sa amin!" sigaw ko kay Avery at Attamiel na kalaban namin ni Gabo sa paglalaro nang basketball.

"What? No! Hoy Attam, ikaw mag-shoot, mas matangkad ka sa akin! Dapat manalo tayo kila Shaneen at Gabo para libre ni Wane ang dinner natin!" utos ni Avery sa kakampi niya.

"20 seconds na lang! Lamang kami ng 10 points."

Nag-aagawan kami ni Gabo sa pagkuha ng bola para mai-shoot sa ring. Tawa kami ng tawa kapag parehong bola ang nakukuha namin at nag-aagawan kami. Sa huli ay siya ang nagi-give up at kukuha ng bago. Sa huli, kami ni Gabo ang nanalo at kami ang ililibre ni Wane ng dinner plus yung libre ko pa kay Attamiel.

"Yes naman! Double libre ako. Isa kay Wane tapos isa kay Attamiel," inilabas ko ang dila ko para maasar si Avery.

Sa aming magka-kaibigan ay si Avery ang pinaka-matakaw. Pero ngayong hindi siya malilibre ay limitado lang ang makakain niya dahil naubos ang baon namin kanina sa timezone dahil walang humpay kaming naglaro nang basketball. Naubos na ang pera namin ni Avery dahil kami raw ang magpa-load ng card dahil libre ng boys ang dinner.

"What? Attamiel! Bakit ililibre mo si Shaneen? Bakit akong childhood friend mo ay hindi? Ang daya niyo!"

Napakamot ng ulo si Attamiel. "Sha naman, I told you. Magwawala na naman 'tong maliit na 'to sa akin."

"Sorry, Tam,"

"What the fudge with maliit, Attam! Hindi ako maliit." Kinurot ni Avery ang tagiliran ni Attamiel na lumayo naman sa kaniya.

"Huh? Wala ako sinabing maliit ka. May sinabi ako? May sinabi ako?"

"I heard it! I heard it!"

"Wala kaming narinig," sabi ko, pambawi sa pagsabi ko kay Avery na ililibre ako ni Attamiel.

Sa huli ay nilibre rin ni Attamiel si Avery. Ofcourse, he can't refuse his childhood friend, Avery. Sa pagkakaalam ko ay magka-kaklase na sila since kinder. At ngayon ay schoolmate na sila.

Kumain kami sa KFC dahil hindi kami pwede sa mamahaling restaurant dahil hindi aabot ang pera ng mga boys sa pamasahe namin. Biglaan naman kasi ang lakad namin kaya hindi sila nakapagdala ng extra money, kahit ako ay wala.

"Hoy Attamiel, bakit ang hilig mo sa gravy?" Tanong ko. "Nagpa-pogi ka na naman siguro sa cashier na babae kaya ka binigyan ng isang platong gravy? Oh my gosh!"

"Ganoon dapat Sha, diskarte sa buhay. Minsan dapat ginagamit ang ka-gwapuhan, hay nako! Mabuti at may pakinabang ang ka-gwapuhan ko, hindi katulad ni Wyniel at Gabliu!"

"Lul Attamiel Joauqin!"

"K."

Natawa ako sa sagot ni Gabo. Wala talagang pake si Gabo kapag sinasabihan siyang gwapo or kabaligtaran. Wala siyang pake! Maiinis ka lang kapag inasar mo siya kasi wala siyang pake.

Tahimik lang ako habang kumakain nang bigla akong sagiin ni Avery dahilan kung bakit natapon ang ilang kanin na dapat kong isusubo na.

"Ano ba 'yon—"

"Shet! Shet! Shet! Si Parker 'yon 'diba! Kasama niya si Kuya tapos si Ate Caryll! Wait omg, 'diba sila 'yon? Naka-contact lense na ako! Alam kong sila 'yon."

"What? Saan?" Tanong ni Attamiel habang tumitingin sa labas ng KFC.

"Bulag ka, Attam! Nasa counter sila. Ang layo ng tingin mo."

Nakita ko naman kaagad ang tinutukoy ni Avery. Nasa counter ang Kuya ni Avery na si Hugo, kasama niya si Ate Caryll at Parker... or should I call him Kuya Parker? I don't know.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon