Chapter 16

54 7 2
                                    


Nagising ako dahil sa pagkulo ng tiyan ko. Bahagya kong minulat ang mga mata ko para tignan sa bintana ng kwarto kung may araw na ba, wala pa.

Tamad kong kinuha ang phone ko sa side table at tinignan ang oras. Alas-singko pa lang ng madaling araw. Ito ang unang araw na nandito ulit ako pagkatapos ng mahabang panahon.

Yes, 2 years and a half is too long for me. Lalo na at mahal na mahal ko ang lugar na 'to.

It took me almost 30 minutes taking a bath bago ako lumabas ng kwarto at nagsimulang hanapin ang itinabing pagkain sa'kin na sinabi ni Tita Jeanette kagabi.

May nakita akong note sa ref kaya lumapit ako roon.

Sha, may pagkain sa loob ng ref. Ipa-init mo na lang. Enjoy your meal!

- Tita Jeanette

Nang buksan ko ang ref ay naroon ang mga tupperwear na naglalaman ng iba't ibang pagkain. May mga note pa sa ibabaw ng mga tupperwear na nagsasabing para sa akin lang daw 'yon. I smiled.

Hinanda ko na ang mga kubyertos at plato para sa pagkain ko. May kanin na rin naman kaya ang tanging pagpapa-init na lang ng ulam ang inatupag ko. May mga katulong na lumalapit sa'kin para tulungan ako pero ako na ang tumatanggi, because I can handle my self.

Habang naghihintay na uminit ang pagkain ay bigla na lang nag-vibrate ang phone ko.

Parker:

Good morning, Sha.

I smiled again. He never failed to make me smile. Kaagad akong nagreply.

Ako:

Good morning.

Wala pang isang minuto ay nag-text na naman s'ya.

Parker:

Done eating breakfast?

Ako:

Nope. Ka-kain pa lang. Ikaw?

Parker:

Yep. Currently drinking coffee.

Ako:

Coffee lang? Why?

Parker:

I'm reading. Jwu.

Ako:

Just woke up, huh? Baka hindi ka natulog kakabasa? What are you reading by the way?

Parker:

About Med. How are you?

Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang pag ngiti. Huminga ako ng malalim bago isara ang microwave.

Ako:

I'm fine. Share mo naman yung binabasa mo!

Parker:

I'll buy you.

My jaw dropped. Seriously?

Ako:

Weh? True ba?

Parker:

Yep.

Ako:

Lol. I'm just kidding. Brb, kain lang ako. Btw, eat your breakfast. 'Wag lang kape, kape na ang dugo mo. Jk

Parker:

Yes, Ma'am! Bye. Enjoy eating.

I closed my phone and face the table. Tahimik lang ako habang kumakain nang makarinig ako ng boses mula sa labas ng bahay.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon