Umalis si Avery kasama si Primo. Hindi namin alam kung saan sila nagpunta pero tingin ko naman ay sa labas lang sila ng classroom. Siguro ay may pag-uusapan tungkol sa group work? Ngumuso ako. Magkaka-love life na ba ang kaibigan ko?"Si Avery at saka Primo na ba?" bahagyang lumapit si Wane sa amin, para hindi marinig ng iba ang itatanong n'yang.
Binatukan ni Gabliu si Wane gamit ang papel na nasa harapan n'ya. " 'Wag ka ngang chismoso. Mag-search ka na lang d'yan."
"Chimoso my ass!"
Ngumiwi lang kami ni Attamiel sa kanilang dalawa at pinagpatuloy ang paghahanap ng mga magagandang puntahan sa France.
Habang nagse-search ay bigla na lang nag pop up ang chat sa 'kin ni Parker.
Parker:
Hey. Wala kayong teacher?
Ako:
Wala ata? Wala pa si Ma'am, e. Kayo?
Parker:
Wala na kaming klase hanggang mamaya. I'll wait for you downstairs. :)
Ako:
2 hours pa? Pwede namang umuwi ka na lang at mag-review sa susunod na entrance exam n'yo.
Parker:
It's okay. Gagawin din namin ang group work sa library.
Ako:
Ah okay. Goodluck!
Parker:
Study well. :)
Nagpatuloy ako sa pagse-search. Halos sampung minuto ata ang nagtagal bago makabalik sa upuan si Avery. Nakanguso lang s'ya at tahimik.
Inilagay ko ang kamay ko sa baba ko at tinukod sa upuan bago hinarap si Avery. "Anyare? Ba't gan'yan itsura mo?"
Nilingon n'ya ako saglit bago muling bumaling sa phone n'ya. "Ano... Wala naman. Bakit?"
"Aysus! Anyare sa inyo ni Primo?"
"Wala nga," she looked away.
I sighed. What's her problem?
Nang mag-uwian ay nauna na ako sa mga kaibigan ko dahil ayokong paghintayin ng matagal si Parker. Nasa labas lang s'ya ng building namin at nakaupo sa bench, katabi n'ya ang bag n'ya at nakayuko lang s'ya.
Lalapit na sana ako nang tumakbo palapit sa kan'ya si Caryll at may kung anong binigay sa kan'ya. I stepped backward, nagtago ako sa may halaman habang tinitignan silang dalawa. I don't know why but I choose to hide, kaysa lumapit sa kanila.
May ibinigay na chocolate si Caryll kay Parker, ferrero.
"Thanks," pasasalamat ni Parker.
"Where's Shaneen?" bahagyang luminga-linga sa paligid si Caryll kaya yumuko ako ng kaunti.
Kumunot ang noo ni Parker. "Baka nasa klase pa. Why?"
"Nothing," Caryll smiled. "Wala pa naman s'ya. So, pwedeng makitabi sa 'yo?"
I shut my mouth. Bakit parang sumama ata ang pakiramdam ko? Geez. Alam kong hindi dapat ako nagseselos sa kanila dahil alam kong magkaibigan lang sila but...
"Nasaan si Hugo?"
Caryll shrugged. "I don't know. Maybe he went home already."
"Hindi ba sabay kayong umuuwi lagi?"
"Let's not talk about it, Lincole. Wala naman s'ya dito," Caryll rolled her eyes.
Lincole. Second name basis?
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Fiksi Remaja(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...