"Oh my God!" singhal ko.
Kaagad kong ibinaba ang tawag at bumaling kay Parker na nasa harapan ko. Kinailangan ko pa s'yang tingalain dahil sa tangkad n'ya.
"Why are you here?"
"You don't want me here?" he pouted.
"No... No! I-I mean..." Nalito ako kung anong sasabihin ko.
"I called Ate Shanine and ofcourse you're parents, I volunteered to fetch you since I want to see you. Pero parang ayaw mo?"
Ngumiwi ako. Gano'n ba ang pagkaintindi n'ya sa inasta ko? Damn.
"Hindi naman sa gano'n..." I bit my lower lip. "Sorry kung gano'n ang pagkaintindi mo. Syempre gusto rin naman kitang makita but I was expecting my sister to fetch me, not you. Hindi mo naman kasi sinabi sa akin."
He smiled. Lumapit s'ya sa akin at naamoy ko na naman ang Versace n'yang pabango. Akala ko ay yayakapin n'ya lang ako pero ang maleta ko lang pala ang kukuhain niya. Ngumuso ako.
"You look handsome..."
"Hmm..." ngumisi s'ya. "Lagi naman. Hindi ba?"
Ngumiwi ako sa kahanginan n'ya. Imbes na magsalita ay lumapit na lang ako sa kaniya at wala sabi-sabing niyakap s'ya. Hanggang balikat n'ya lang ako kaya hanggang dibdib n'ya lang ang abot ng mukha ko.
He hugged me back. "You miss me that much, huh?"
Hindi ako sumagot at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa kaniya. Wala akong pake kung nasa airport kami at maraming tao ang tumitingin sa amin.
I'm not a clingy person bur I can be one if it's Parker.
"Mauubos ang pabango ko," he joked.
Ngumuso ako at umalis sa pagkayakap
sa kaniya. "What now?" Tumaas ang kilay ko."Let's eat?"
I nodded. Naglakad kami habang dala-dala n'ya ang maleta ko. Umirap ako nang makitang maraming babae ang tumitingin kay Parker at pinagbubulungan s'ya. Alam ko namang hindi sila makakalapit kay Parker pero hindi ko mapigilang mainis.
Hindi ba nila na may kasama s'ya!?
I sighed. Seriously Shaneen? Ang sabi ko sa sarili ko ay hindi na magseselos pero... Okay lang naman 'yon 'di ba? It's normal.
"Saan mo gustong kumain?" tanong ni Parker.
Nilingon ko s'ya. "I don't know. Ikaw, saan ba ang gusto mo?"
"I'm the one who's asking you that question."
"Hmm..." saglit akong nag-isip. "I'm hungry so let's go to Barrio Fiesta!" I smiled.
My favorite Filipino restaurant!
"Okay. Get in," turo n'ya sa sasakyan na nasa harapan n'ya.
Kumunot ang noo ko. He's minor, he can't drive. "Ikaw ang magda-drive?" Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kotse at sa kaniya. "You're just 17."
He chuckled. "You think I'm that good to obey the law?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa naging sagot niya. "What... What do you mean?" kunot noo kong tanong.
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Ficção Adolescente(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...