Chapter 24

43 4 0
                                    

"Bulaga!" pang-gulat sa amin ni Attamiel at Wane.

Sandaling nagulat si Avery ngunit nang maka-recover ay bigla na lang sinabunutuan ang dalawa.

"You two! Tapos na ang halloween at nang gu-gulat pa kayo! Late ba ang mga kalendaryo n'yo, ha?"

"A... Aray!" angil ng dalawa.

Tinigilan ni Avery ang pagsabunot sa kanilang dalawa at bumuntong hininga na lang. Napailing na lang kami ni Gabriel na nasa tabi ko dahil sa kanilang tatlo.

"Bakit? Anong masama sa costume namin na white lady?" tanong ni Attamiel sabay turo sa kurtina na hindi ko alam kung saan galing na sinuot nilang pareho ni Wane.

Umirap muli si Avery. "Ang papanget n'yo!"

"Ghost lang kami pero 'di kami ghoster katulad ng crush mo!" tawa ni Attamiel.

Hahablutin na sana ni Avery ang buhok ni Attamiel nang mabilis itong lumayo sa amin.

"That asshole. Nakaka-bwiset," Avery sighed.

Tinapik ni Wane ang balikat n'ya. "Okay lang 'yan. 'Wag mong dibdibin kasi wala ka naman no'n."

Mabilis na tumakbo si Wane bago pa ito masabunutan ni Avery. Tumawa lang kami ni Gabriel at nanatiling tahimik. Pumasok na kami sa classroom at hinintay na mag-umpisa ang klase.

Pumasok si Attamiel at Wane kasabay ng teacher namin habang dala-dala ang gamit nito. Naningkit ang mata ko. Matulungin lang ba sila ngayon o iniiwasan nila ang sabunot ni Avery?

Lumingon ako kay Avery na inirapan lang ang dalawa. Nasanay na rin siguro s'ya sa pang-aasar nila.

"Shaneen, una na ako, ah? 'Di ako makasabay sa 'yo sa lunch dahil pupunta ako sa practice nina Primo ngayong break time. Alam ko namang ayos lang 'yon sa 'yo dahil number 1 supporter ka ng PriVery slash AvRimo," ngiti ni Avery.

"Oo na... Oo na. Alam ko namang patay na patay ka kay Primo."

"Oy hindi, ah. S'ya 'yon!"

Ngumiti ako. "Sige. Tatanungin ko na lang si Parker kung hindi s'ya busy at sabay na lang kaming kumain."

"Luh. Pa-inggit ka. Sana all talaga may boyfriend na pogi na tapos gwapo pa."

Umiling lang ako habang natatawang tinulak-tulak si Avery papunta sa daan kung saan ang music club na club ng lovie dove n'ya.

Nang makapasok na si Avery sa music club ay kaagad na rin akong umalis patungo sa canteen. Habang naglalakad ay nagtitipa rin ako ng sasabihin kay Parker para tanungin s'ya.

Ako:

Morning :)

Ako:

Bumaba ka ng building?

Nang makapasok ako sa canteen ay kaagad na hinanap ng mata ko kung nasaan si Parker o kahit ang mga kaibigan man lang n'ya. Pero nabigo lang ako.

Umupo ako sa pang-dalawahang lamesa at hinintay ang reply n'ya. Bumuntong hininga ako nang makalipas ang ilang minuto pero hindi man lang n'ya naseen ang text ko sa kaniya.

Hindi pa rin ba s'ya okay? Halos isang linggo na rin kaming hindi nag-uusap dahil sa nangyari roon sa restaurant. Pansin ko ang pagkabalisa n'ya habang nagda-drive s'ya pauwi.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya pero nanatili lang s'yang nakatingin sa daan.

He swallowed and sighed. "Yeah..." maikli n'yang sagot.

Tumango ako kahit hindi kumbinsido sa sagot n'ya. Alam kong hindi s'ya okay dahil sa sinabi ni Emili sa kaniya. I don't want to invade his privacy so I stay quiet.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon