"Ewan ko sa 'yo, Ave. Magsama nga kayo ni Attamiel, pareho kayong walang kwenta kausap, alam n'yo 'yon?" Irap ko."Hoy! Grabe s'ya, oh!"
Biro ko lang naman 'yon sa kaniya at alam kong hindi niya seseryosohin. Madalas na kaming mag-asaran magkakaibigan kaya hindi na 'yon bago sa amin. Atsaka knowing Avery, mas maloko pa siya sa akin.
"Wala ka naman nang magagawa, pumayag na. Edi go with the agos ka na lang. Pagtiisan mo na."
Bumuntong hininga ako. "Pero kasi Avery..."
"Gan'to na lang... Kung ayaw mo talaga pero wala naman tayong magagawa. I-try mo na lang magpa-turo sa kaniya kahit ngayong school year lang, tapos next school year, sabihin mo na ayos na, na kaya ko na yung sarili mo. For now, ikaw na bahala kay Parker. Haha!"
Inirapan ko si Avery pero sang-ayon din naman ako sa plano niya. Madalas ay sa kaniya kami humihinga ng advice dahil malawak ang imagination niya, syempre soon-to-be-writer siya.
Dumating ang teacher namin at nagsimula na ang lessons. Luckily, medyo ayos na rin naman ang araw ko. Hindi ko na ini-stress ang sarili ko dahil ayoko nang maulit pa ang nangyari sa akin noong nakaraan. Ang hassle lang kasi kahit naikwento sa akin ni Avery ang lesson noong friday ay iba pa rin ang turo kapag ang teacher, kaya medyo nag-habol ako ngayon pero tinuruan din naman ako ni Avery.
"Musta ka na, Shaneen?" tanong ni Wane, may hawak na gitara. May hawak din na gitara si Gabriel, at tanging si Attamiel lang ang walang dalang gitara.
"Ayos naman na," sagot ko. "Ba't kayo may mga gitara? May gig ba tayo ngayon?" I joked.
"May naaalala ako sa gitara, bakit ganon?" tanong ni Avery. Well, sino ba namang walang makakaalala sa gitara kung ang crush mo ay si Primo Theoz Ravene na sikat sa campus dahil sa galing kumanta at mag-gitara! Plus, ang gwapo pa.
"Pakulo ni Primo," sagot ni Wane.
"Wooh! Avery, kay Primo raw na pakana. Baka liligawan ka na," pang-aasar ko sa katabi ko. Bahagya ko pang kinurot ang tagiliran niya para lalo siyang maasar.
"Hindi 'yan kay Avery. Kay Isabeli 'yan, yung girlfriend niya," nakangising sabi ni Attamiel.
Binato siya ni Avery nang plastic bottle na hawak nito na may laman pa. Mabuti na lang at nasalo 'yon ni Attamiel kaya hindi tumama sa mukha niya.
"Napaka-supportive mong lalake ka! Grabe, sa sobrang supportive mo muntikan na kitang tanggalin sa friend list ko!"
"Hoy 'wag! Wala akong pagtatanungan ng mga advice tungkol sa lovelife," depensa ni Attamiel. Dumikit ito kay Gabo. "Pero bakit ganoon? Yung mga walang lovelife at hindi pinapansin ng mga crush nila ay sila pa yung magaling mag-advice?"
"Attamiel!" sigaw ni Avery.
Humagalpak naman ng tawa si Attamiel. "Sorry na Avery! Nagtatanong lang naman ako."
"Ewan ko sa 'yo!" Inirapan siya ni Avery.
Dahil uwian na at naisipan naming mag-timezone muna dahil wala kaming gaanong assignments dahil teachers day! Half day lang naman kami ngayon. Dumiresto na agad kami sa mall at hindi ko na kailangang mag-disguise dahil nagpa-gupit ako ng buhok. Wala namang nakakakilala sa akin kapag short hair ako kaya pwede na 'yan.
"Sino manlilibre ng milk tea?" tanong ni Wane.
Lahat kami ay napalingon kay Attamiel. "Lul! Anong libre libre? Mga mayayaman kayo. 'Wag kayo sa akin!"
"Hoy! Nakapaglibre na kami lahat-lahat, ikaw na lang hindi," sabat ko.
"Hala! For the first time, nagsalita si Shaneen! Himala na ba 'to?" kunwari'y gulat na sabi ni Attam.
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...