Chapter 4

88 8 7
                                    

Sorry for the late update. :)

-

"Ass bro! Anlaki. Heaven na heaven," ani Attamiel habang nakatingin sa isang ka-batch namin na naka-P.E. at nagi-stretching.

Binato na naman ulit siya ni Avery nang marinig ang sinabi nito. "Ass ass ko mukha mo e! Wala ka talagang hiya sa katawan, Attamiel! Mamaya may maka-rinig sa 'yo! Uhh," Avery rolled her eyes.

We chuckled.

"Huwag kang mag-alala, Avery, gagawin ko lang namang fling e."

Sinamaan siya ng tingin ni Avery.

"Ako na lang doon sa isang kaibigan, ganda non oh, ang puti pa," puri ni Wane.

"Ako naman sa isa, mukhang mahinhin," dagdag ni Gabriel.

"Manahimik kayo! Ang sa-sakit sa tenga ng mga sinasabi niyo. Napaka-playboy niyo! Sana talaga may makatapat kayo na tipong luluhod kayo sa babae."

"Fling fling lang ako," si Attamiel.

"Samahan ko maki-fling si Attam," dagdag ni Gabriel.

"Palitan ko na kaya si Leah?"

Binato ko sila ng balat ng candy na kinakain ko.

"Mga hindi kayo talaga maging seryoso. Pagtatawanan namin kayo ni Avery kapag nagmamakaawa na kayo sa babae."

"Hala! May sinend si Ma'am na panibagong assignment sa GC. Grabe, hindi ko na nga ma-proseso sa utak ko yung mga lesson tapos may assignment ulit!" reklamo ni Avery habang naka-tingin sa phone nito.

"Awit. Hindi kami makakatulong diyan, mga obob lang kami."

"Mga obob amp! Sumunod lang naman ang section niyo sa section namin, hindi kayo mga obob, mga hangal! Dina-down niyo pa sarili niyo e."

Hinawakan naman ni Gabriel ang dibdib niya na para bang nasasaktan. "Ouch! Ang sakit mo naman magsalita, Avery. Hindi nga kami obob, pero tinawag mo kaming hangal!"

"Did I?"

"Yes, you did!"

"Whatever."

Bumalik kami sa classroom nang matapos ang break time. Habang nagle-lesson sa isang subject na hindi ko ma-gets ang lesson dahil lumilipad ang utak ko sa mga gagawin kong assignment mamaya or project. May ilan kaming project na ang deadline ay bukas na.

Nakakatulugan ko ang assignments ko minsan dahil kulang na rin sa tulog at pagod. Kaya wala akong ginawa kung hindi ituloy ang assignment kinabukasan hanggang sa magpatong-patong 'yon at madagdagan pa ng marami. Hindi naman ako nagre-reklamo dahil parte siya ng pag-aaral. Kailangan ko na lang talagang masanay, dahil for sure, mas malala sa college.

Minsan pumapasok sa isip ko na sana nag-home school na lang ako pero pumapasok din sa isip ko na kailangan ko ngang masanay sa pagod at puyat.

Nasa kalagitnaan ako ng pagka-tulala nang biglang dumaan sa classroom si Parker. Naka-salamin siya na bilog at hawak ang isang notebook, mukha siyang nerd na hindi. Iisipin ko pa lang na sobrang talino niya dahil siya ang rank 1 sa batch nila tapos may salamin pa siya. Hindi siya parang nerd, gwapo s'ya kapag naka-salamin.

Nakita kong kumatok siya sa pintuan namin. Tumigil naman sa pagdi-discuss ang teacher namin dahil sa katok. Pinihit ni Parker ang door knob at binuksan ang pinto. Kaagad namayani ang bulung-bulungan sa klase. Sikat si Parker dahil bukod sa basketball player, gwapo at matalino siya, siya rin daw ang 'best' na naging President ng Science at Math Club sa buong campus.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon