Chapter 26

37 2 0
                                    

"Wow! Grabe! 1 month ka talaga mag-iisip?"

"Oo. Bakit? Hindi ba pwede?"

"Pwede naman. Si Attamiel, sa UP. Si Gabo, sa ADMU. Habang si Wane ay sa PUP. Hiwa-hiwalay na tayo," bahagyang lumungkot ang tono ng boses n'ya. "Salamat na lang sa 4 years," dugtong n'ya.

"Arte mo," tawa ko. "Pwede naman tayo mag-FaceTime 'di ba? Or magbakasyon ulit ng sama-sama?"

"Pero 'wag mo ko kalimutan ha? Baka mamaya may new friends ka ta's snob ka na. Bawal gano'n sa tropa natin."

"Oo na."

Nag-usap pa kami ni Avery ng tungkol sa kung saan namin ice-celebrate ang graduation namin nang dumating ang tatlo.

"Hey what's up sisters!" bati ni Attamiel.

Inakbayan ako ni Gab. Umakbay din si Attamiel kay Avery pero kaagad na nalukot ang mukha ni Avery at tinanggal nito ang braso ni Attamiel sa balikat n'ya. Tumawa lang kami dahil sa dalawa.

"Saan ka mag-aaral Sha?" baling ni Attamiel sa akin.

"Hindi ko pa alam."

"UP ka na lang! Nakapasa ka naman do'n 'di ba? Para may tanungan ako kapag mahirap ang lesson."

"Hindi... Sa PUP si Shaneen, 'di ba Sha?"

Umalis si Gabo sa pagkaka-akbay sa akin at hinarap n'ya ako. "Ateneo please..."

Natatawang umiling ako sa kanilang tatlo. "Para walang away, sa FEU na lang ako."

They frowned. Tumawa lang ako sa kanila at ngumiti. "Kaya n'yo 'yan. Grumaduate nga kayo, e. 'Pag ayaw n'yo magsunog nv kilay, tanggalin n'yo na lang."

"Awts gege," komento ni Wane.

Maya-maya lang ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Bumalik ako kung nasaan ang mga magulang ko. Pagkarating ko ay kausap na nila si Parker.

"Oh..: Nariyan na pala si Shaneen," sita ni Mommy nang makita ako.

Ngumiti ako kay Parker nang lumingon s'ya sa akin. Kaagad s'yang lumapit at niyakap ako, kahit pa nakatingin sa amin sina Mom at Dad. Namula ang mga pisnge ko dahil sa hiya, isama mo pa nasa eskwelahan pa kami, kaya nagtago ako sa dibdib n'ya.

"Ay naku! Sige at mauuna kami sa sasakyan. Hihintayin na lang namin kayong dalawa at mag-usap muna kayo," ani Mommy at umalis na kasabay ni Daddy.

Kumalas ako sa yakap pagkaalis nila at hinarap si Parker. "Congrats love..."

I smiled. "Thank you. Kanina ka pa puro congrats," tawa ko.

"I am willing to congratulate you every second because I really am proud Sha. I was your tutor when you were in Grade 8 well... until now," he chuckled. "You graduated as your batch valedictorian. Why can't I be proud of you?"

I looked down and bit my lower lip. Oo, ilang beses ko nang naririnig na proud sila sa akin dahil ako ang valedictorian. But I keep asking my self... "Did I really make it?" not until my family, friends and Parker greeted me.

Parang sobrang worth it lahat ng ginawa ko dahil sinabi nila na sobrang proud sila sa akin. Syempre, sila ang una kong paniniwalaan. Sila yung mga taong nandyan sa akin noong naghirap akong mag-aral, sa kanila ko lang din matatanggap yung proudness. Specially to my parents who are always there for me. I'm grateful because I have them.

I was teary eyes. "Talaga?" tumawa pa ako ng bahagya para hindi n'ya mapansin ang nangingilid na luha ko ngunit nabigo nang mapansin 'yon ni Parker at punasan iyon gamit ang gilid ng palad n'ya.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon