His father became vindictive, sumumpa na babawiin ang lahat ng ari-arian sa mga yakuza. Nang mamatay ang lolo nila dahil hindi natagalan ang kalagayan, ang ama niya ang gumawa ng paraan para maitayo ang grupo. Kasama ang mga malalayong kamag-anak, sama-sama nilang hinarap ang mga yakuza. Ito ang naging leader nila. Hindi naman tumanggi ang mga kaanak nila dahil na rin nai-train ito ng lolo nila. Marami din itong alam tungkol sa pakikipaglaban kaya nagtiwala sila sa kanya.
Bitbit ang determinasyon, lakas ng loob at tibay ng sikmura, nagawang bawiin ng ama niya ang lahat ng ari-arian. Bilang ganti na rin, inangkin din nito ang ari-arian ng mga yakuza at nilumpo din ang mga leader doon. Dahil doon ay nakilala at kinatakutan ang ama niya.
Ang nangyaring iyon ang nagtulak sa tatay niya para maging ganoon kasama. Naitanim iyon sa isip nito: na mas magandang katakutan at maging mautak kaysa sila ang matakot at mautakan. Nakita nito kung papaano nautakan at naunahan ang tatay nito at sumumpang hinding-hindi na mauulit iyon.
Dahil sa ugaling iyon ay lumaki ang grupo at ari-arian ng mga Yagami. At gusto nito, siya ang magmana ng lahat ng iyon. Iyon ang madalas nitong sabihin sa tuwing nagkikita sila. Sa ayaw man niya o hindi, siya ang susunod na leader—bagay na inaayawan niya.
At ikinaiinis iyon ng ama niya. Ayaw bitiwan ng ama niya ang grupo kahit pa marami namang puwedeng pumalit sa kanya kagaya ng pinsang si Hiro na tulad niya ay half-Japanese, half-Filipino rin. Active member pa ito sa grupo. Tingin niya ay fit naman itong maging successor. Pero iginigiit ng kanyang ama na siya ang dapat pumalit sa puwesto nito. Isang Yagami lang daw ang puwedeng mamuno sa Yagami clan.
“God… I-I couldn’t believe this… Bonsai…” umiiyak na anas ni Penelope at natutop ang buong mukha. Lalong lumakas ang iyak nito. Bumigat lalo ang dibdib niya. Huminga siya ng malalim at minabuting patahanin ito.
Napasinghap ito ng hawakan niya ito sa balikat at luhaang napatitig sa kanya. Malungkot niya itong nginitian. Umasa siya na kahit sa ganoon paraan man lang, mapagaan niya ang pakiramdam nito. Napabuntong hininga siya. “Penelope, maupo ka na muna.”
Napamaang ito. Mukhang hindi pa siya nakilala. Palibhasa, ngayon lang sila nito ulit nagkaharap. Ang huling paghaharap nila ay noong college pa sila. Valentine’s Day iyon, ang huling beses na binasted niya ito. Tuwing naalala niya iyon, hanggang ngayon ay nagagalit pa rin siya sa kanyang sarili.
Mayroong banta sa buhay niya noon dahil na rin sa kagagawan ng ama. Isang multimillionaire ang naisahan nito. Gumanti ito at natunton siya sa Pilipinas. Lingid sa mga kaibigan, hindi lang minsan siyang muntikang ma-kidnap. Nang malaman iyon ng ama niya ay agad itong nagpadala ng mga makakasama niya. Dahil doon ay itinaboy niya si Penelope. Sinabihan niya ito ng masasakit na salita para lumayo.
Magmula noon ay hindi na ito lumapit. Sa tuwing mayroong mga activities o bakasyon silang magkakaibigan, hindi na ito sumasama. Kundi naman maiiwasan, umaalis ito agad. Ganoon ang nangyari hanggang sa nabalitaan niyang nagpunta na ito sa Canada at doon nagtrabaho bilang nurse.
Siya naman ay lihim na kinimkim ang lahat. Tiniis niyang huwag itong lapitan at suyuin dahil na rin iniiwasan niya itong madamay. Ang banta sa buhay niya ay natapos din ng ‘patahimikin’ ng ama niya ang multimillionaire na nanggugulo sa kanila. Nabigla pa rin siya sa paraan nitong ‘kill or be killed’. Hindi niya iyon masikmura.
Idinaan niya ang lahat ng frustrations sa pagaaral. Matapos ang board exam at makapasa, nagtrabaho siya sa isang auditing firm sa Makati. Naging tahimik naman ang buhay niya sa loob ng apat na taon hanggang sa ipatawag siya ng ama. Gusto siya nitong i-train para pamahalaan ang negosyo. Sapat na raw ang apat na taong experience niya sa ibang auditing firm para mai-apply ang natutunan sa negosyo nila.
Pero tinanggihan niya iyon—bagay na ikinagalit nito ng husto. Nauwi sa matinding pagtatalo ang pagtanggi niya. Minura siya nito mula ulo hanggang paa. Masakit pakinggan na pinalaki lang siya nito para may tagapagmana at hindi bilang anak. Dahil doon ay umalis siyang masama ang loob dito.
Pagbalik niya ng Pilipinas ay nagkita-kita silang magkakaibigan at nagtayo ng negosyo: Ang Hades’ Lair. It was a bar and restaurant operating twenty four hours, seven days a week. Siya ang accountant. Bagay na bagay ang pangalan ng bar sa kanilang magkakaibigan dahil na rin kapwa na-involve sila sa iba’t ibang underground activities lalong-lalo na sa kanya.
“A-Atong?” panghuhula ni Penelope saka pinunasan ang luha. Kinalma nito ang sarili saka siya hinarap.
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...