41. PAYMENT #1

364 25 1
                                    

“Kailang3an namin ng approval mo para kami ang makipagusap sa kumpanyang ito, Mr. Yagami.” seryosong saad ni Hiro Iwao kay Atong. Agad nagsalin ng tsa si Penelope ng maupo ito sa harap ni Atong. Dinig niya ang sinabi ni Riu kay Atong kanina na papadating daw ito.

            Napabuntong hininga siya at itinuon ang atensyon sa ginagawa. Sa loob ng isang linggo ay ganoon siya. Masakit man pakinggan, ginawa siyang katulong ni Atong. Nakabawas lang sa stress niya na malamang wala roon ang tatay ni Atong. Nasa UK pala ito. Ang sabi ni Riu ay doon na daw mamalagi ang matanda.

Kung nasaan si Atong ay nandoon siya. Siya ang tagahanda ng lahat ng kakailanganin nito. Si Riu naman ang tagaayos at naghahanda ng kailangan nito pagdating sa grupo. Sa loob ng ilang linggong iyon ay lihim niya itong na-obserbahan at nasasaktan siya sa kalupitang nakikita dito. Wala itong awa. Hindi lang minsan niya nakitang mayroong matandang hapon na susugod doon at maglulumuhod para ibalik ang kumpanya dito. Hindi nito hinaharap ang mga iyon at pinauubaya na lang sa mga tauhan. Hindi man niya nakikita kung ano ang ginagawa ng grupo, alam niyang binubugbog ng mga iyon ang mga kawawang negosyanteng nagmamakawang nagpupunta doon.

            “Ano’ng plano mo sa Debris? Kilalang realestate ‘yon dito. Sayang kundi nila tayo hahayaang makapasok,” untag ni Hiro habang pumipirma si Atong.

            “Simple. Ipapasunog ko ang isang warehouse nila,” balewalang sagot ni Atong saka ibinalik ang folder dito.

            Nagulat si Penelope sa narinig. Ganoon na ito kasama ngayon? Para siyang sinuntok sa sikmura. Pumait ang panlasa niya. Na-guilty siya ng husto dahil pakiramdam niya ay kasalanan niya kung bakit ito nagkakaganoon ngayon.

            Hindi na niya napansing umalis si Hiro. Lulong siya sa isipin. Hindi niya matanggap na gagawin iyon ni Atong. Napaigtad na lang siya ng tawagin siya ng malakas in Atong.

            “What? Nasa outer space na naman ang isip mo. Let’s go,” iritadong sita nito. Wala nang halong pagsuyo kung kausapin siya.

            Araw-araw, ganoon ito. Araw-araw, ipinararamdam sa kanya kung ano ang kinahinatnan ng paghihiwalay nila. Araw-araw, naiiyak siya pero nagtitiis pa rin siya. Alam niyang ganti nito iyon na dapat niyang tanggapin hanggang sa mapatawad siya nito. Dahil sa kabila ng lahat ng iyon ay gusto pa rin niya itong makasama.

            Tahimik siyang tumalima at sumunod lang dito. Pagdating sa SUV ay tahimik lang sila nitong magkatabi. Pansin niyang hinihimas nito ang kanang braso at ine-exercise nito. Mukhang nangalay dahil sa mga dokumentong pinirmahan.

Napabuntong hininga siya at minabuting tingnan ang kamay nito. Napaigtad ito at napalunok siya. “T-Titingnan ko lang. Baka kailangan nating pahiran ng ointment kung namamaga ang muscles mo,”

Umiwas ito saka napabuga ng hangin. “Ito ang nagkaroon ng damage noon sa pambubugbog sa akin. May mga oras talagang nananakit ito lalo na kapag ganitong malamig.” supladong paliwanag nito.

“G-Ganoon ba? Let me see. Baka nga nagkakaroon ng pamamaga dahil sa lamig,” aniya kahit pa ang sakit-sakit na ng dibdib niya. Naalala na naman kasi niya ang lahat at nakakaramdam na naman siya ng takot at pait.

Hinayaan na lang siya nito at sinuri niya ang braso nito. Napalunok siya ng makita ang tahi nito sa may siko na umabot sa gitnang braso nito. Kita niyang nagsisialsahan ang mga ugat nito at mukhang kailangan nitong ipakita iyon sa ortho nito para mabigyan ito ng tamang ointment at pain reliever. Isinuhestyon niya iyon dito at agad naman silang nagpunta sa ortho.

Pagdating nila ay gusto niyang maghanap ng ibang doktor! Papaano ba naman, ang ganda pala ng doktora nito. Matangkad, sexy pa at obviously, mukhang may gusto kay Atong. Half-Japanese, half-Filipina ito at marunong din magtagalog. Hawig nito si Angel Locsin. Propesyonal man nitong sinuri si Atong, kapansin-pansin pa rin ang kakaibang sulyap at ngiti nito sa binata.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon