33. FALLING FOR YOU

373 25 1
                                    

“Aalagaan mo ang ate ko ha,”

            Napangiti si Penelope ng marinig ang sabi ni Peter kay Atong. Tatawagin na sana niya ang dalawa sa terrace dahil doon niya iniwanang naguusap ang mga ito pero hindi pa pala sila tapos! Mukhang seryoso pa rin sa ‘endorsement’ ang kapatid niya. Napakagat siya sa ibabang labi at natigil siya sa paglabas. Napatayo lang tuloy siya sa hamba ng pinto at hinintay ang magiging sagot ni Atong.

            “Yes. Hindi na ako mangangako, gagawin ko na lang.” seryosong sagot ni Atong na nakapagpakilig ng husto sa kanya. She was indeed touched. Alam naman niyang ngayon pa lang, ginagawa na ni Atong iyon sa kanya.

            At hanggang ngayon, hindi pa rin ito tumitigil sa pagpapadala ng flowers! Hanggang doon ay nagpapadala pa rin ito. Kilig na kilig tuloy ang nanay niya kaninang umaga. Pagkagising kasi nila, iyon ang bumungad sa kanila. Sa ngayon ay inilagay niya iyon sa flower base at naka-display iyon sa sala.

            Napatuwid siya ng tayo ng maramdaman ang yabag ng dalawa. Doon na siya nagpakita at natigilan sila. “Ang tagal naman ng meeting ninyo. Kain na,” biro niya saka umabrisyete kay Atong.

            “Nagbilin ako kay kuya. Kako huwag kang lolokohin. Hindi lang ikaw ang makakalaban niya kundi kami ni tatay,” proud nitong sagot.

            Natawa tuloy siya. “Hindi niya ako lolokohin. Love kaya niya ako?” lambing niya at kinindatan si Atong.

            Ngumiti naman ito ng masuyo. “Right. Baka nga ako ang lokohin ng ate mo. Alam na niyang baliw na baliw ako sa kanya. Baka samantalahin niya,”

            Napahalakhak siya. Humuhugot na naman itong honey niya. Pati tuloy ang kapatid niya, natawa. Napailing-iling ito sa kanila. “Tara na nga. Gutom lang ‘yan,” biro nito.

            Natawa tuloy sila at tumalima na. Pagdating sa kusina ay nandoon na ang mga magulang niya. Nagsalo sila sa agahan habang nagkukwentuhan tungkol sa plano nila hanggang sa matapos.

            Nagpaalam na ang kapatid niya dahil may pasok pa ito. Ang mga magulang naman niya ay nagpaalam na mamalengke. Naiwanan sila ni Atong sa bahay at natawa siya ng tumaas baba ang kilay nito! Mayroong kislap ng kapilyuhan sa mga mata.

            “At ano ang binabalak mo, Mr. Yagami?” natatawang tanong niya saka inilagay ang walis sa dibdib nito. “Huwag mo akong ngitian ng ganyan. Magwalis ka,”

            Natawa ito at kinuha naman ang walis. Napasinghap siya ng hapitin siya nito sa baywang. Dahil hindi siya handa, agad naglapat ang katawan nila. Napakagat siya sa ibabang labi para supilin ang ngiti.

            “Never, ever do that,” anas nito. Nagkaroon ng matinding init habang nakatitig sa labi niya at nahahawa siya!

            “B-Bakit naman?” pigil hiningang anas niya.

            “Ako lang ang dapat kumagat d’yan,” mainit na anas nito saka siya siniil ng halik. Napaungol siya sa sensasyong hatid ng halik nito at muntikan siyang nakalimot. Mabuti na lang, tumunog ang cellphone nito at napilitang lumayo sa kanya. “Damn. It’s Riu,” anas nito saka bahagyang lumayo at sinagot iyon.

            Base sa pa-what-what ni Atong at buga ng hangin ay alam niyang hindi maganda ang balita ni Riu. Hindi man niya ganap na maintindihan dahil nagsasalita din ng Nihonggo si Atong, dama niyang hindi maganda ang pinaguusapan ng mga ito.

            “K-Kumusta?” pigil hiningang tanong niya ng matapos ang tawag.

            Saglit na hindi nagsalita si Atong. Mukhang nagisip hanggang sa napailing. “Nakausap ni Riu ang isa sa mga tauhan ni dad. Gusto daw niya akong makausap. Isasama kita bukas,”

            Napanganga siya. “A-Anong mayroon?”

            “He wants me to audit Gani Yamamoto—the owner of the biggest shipping line in Japan.” seryoso nitong saad at ipinaliwanag nito kung ano ang gagawin: oras na makita siya ng impormasyon  sa financial status ng kumpanya ay gagamitin nila iyon para pasukin iyon. “Ganoon ang ginagawa niya. Honestly, bago nga kita sundan noon sa Canada, ganito ulit ang pinagawa niya.” anito saka sinabi ang lahat. Nang matapos ay dismayado itong napailing.

            Sa puntong iyon ay lalo niya itong hinangaan. Walang tatalo sa panininidigan nito. Proud siya na kahit magalit ang tatay nito ay hindi pa rin nito gustong manahin ang negosyo ng ama.

            “A-Anong nangyari kay Ino Kurochi noon?” pigil hiningang tanong niya.

            Napabuntong hininga ito. “He died. Inatake siya sa puso dahil sa sobrang galit kaya hindi na rin siya nagawang sirain pa ng tatay ko.”

            “Atong…” anas niya saka ito hinawakan sa balikat. Gusto niyang iparamdam dito na nasa likod lang siya nito. Susuportahan ito sa lahat ng gagawin at desisyon nito.

            “My father… he’s a monster. Masaya na ang tatay ko sa nangyari kay Ino pero hindi pa rin niya ako tinigilan. Pagbalik ko sa Pilipinas galing Canada, tinawagan niya ako. Pinagdiinan na naman niya na mamanahin ko ang posisyo. Dahil nagkabukuhan na rin kami noon, pinatigil ko na rin si Dai sa pagmamanman sa’yo.” amin nito saka napapahiyang napatingin sa kanya. “Inupahan ko kasi si Dai noon para tingnan ang kalagayan mo sa Canada pero nalaman ko na tauhan pala siya ni dad. Sa ngayon, siya ang tumatayong right hand ng tatay ko. I am so sorry for doing that, okay?” sinserong saad nito.

            Sa halip na magalit, napangiti siya. Mas naging matimbang kasi sa kanya ang unawain ito dahil alam niya ang naging kalagayan nito. “Hindi mo ko matiis.”

            Bahagya itong natawa at namula ang tainga. Gusto talaga niya itong halikan! Para itong totoy na nahihiya pa! Sa tindi ng ginawa nito, nahihiya pa. “Yes.” amin nito.

            Nagyakapan sila. Ilang beses itong huminga ng malalim hanggang sa mukhang naging okay na. “Sasama ako. Huwag kang magisip masyado. Gawin mo kung ano ang sa tingin mong tama. Nandito lang ako. Susuportahan kita.”

            Mukhang na-relieve ito. “Thank you. Kiss me,”

            Napangiti siya at tumalima. Tinagalan niya. She kissed him over and over. Dahil doon ay nakalimutan nilang muli ang lahat. Naging mainit ang mga kilos nila hanggang sa natagpuan na niya ang sariling nagiging alipin muli ng damdamin kay Atong.

            Naging saksi ang silid niya sa mainit nilang pagniniig. Wala itong kasawaan. Paulit-ulit nitong ipinaramdam kung gaano ito nasasabik sa kanya. Hindi na niya alam kung gaano sila nagtagal sa maiinit na sandali hanggang sa nakatulog na si Atong sa mga bisig niya. Namasa ang mga mata niya habang pinagmamasdan ito. Right that moment, she fell in love with him even more…

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon