“THESE ARE the reports, sir,” malamig na saad ni Dai saka inilapag ang pulang folder sa tapat ni Ike Yagami. Humithit muna siya ng maraming beses sa tabako saka malamig na tinapunan ng tingin ang folder na naglalaman ng mga impormasyong pinakuha niya rito.
“Get out.” malamig niyang utos. Agad naman itong yumukod at tuluyan na siyang naiwanang nagiisa sa opisina. Kasalukuyan siyang nasa Yagami Towers sa Tokyo. Hindi pa rin siya umuuwi kahit alas diyes na ng gabi. Kaalis lang ng anak niya kasama ang babaeng kinalolokohan nito. Nandoon lang siya at nagiisip ng panibagong style kung papaano mapapapayag si Nagato para hawakan ang kumpanya.
Hindi pa rin siya papayag sa gusto nito. Sinabi lang niya iyon para hindi na siya nito kalabanin. Napakatigas ni Nagato. Handa siyang kalabanin. At alam niyang hindi ito madadaan sa sindakan kaya minabuti niyang magisip ng ibang paraan.
He’d been sick. Malala na ang prostate cancer niya. Stage four na iyon. Kailangan na niyang mag-undergo ng chemo. But still, he tried to act stronger and tougher. Kailangan niyang gawin iyon para hindi sila pagsamantalahan ng mga kalaban sa sinidikato. Dugo at pawis ang pinuhunan niya roon. Marami siyang itinumbang tao para mapalago ang kumpanyang iyon at hindi niya gugustuhing mawala iyon sa kanila.
Pero papaano? Baliw na baliw si Nagato kay Penelope. Kanino niya iiwan ang organisasyon kung magpapa-chemo na siya? Hindi puwedeng sa iba. Marami ang nagkakainteres doon at wala siyang tiwala sa mga miyembro nila. Baka ibenta lang iyon o ano. Napakasuwerte naman ng gagawa noon. Pagkatapos niyang magpaka-ubod ng sama, ibebenta lang ng ganoon iyon sa iba? No way!
Mariin niyang naikuyom ang kamao. Nanggigigil talaga siya. Nagsisisi rin kung bakit hindi niya hinanda si Nagato. Dapat, bata pa lang ito ay tinuruan na niyang pumatay at maging masama. Nagsisisi siya dahil iba ang nagpalaki dito. Wala din kasi siyang oras noon kaya naging ganoon ito.
Napasandal siya at humitihit sa tabako hanggang sa may naisipang paraan kung papaano makukuha si Nagato. Sa gagawin niya, siguradong ito mismo ang babalik sa kanya...
Agad niyang tinawagan sa intercom si Dai. Pagpasok doon ay binigyan niya ito ng instruction. Panay naman ang tango nito. Tiwala naman siya kay Dai. Maasahan ito. Napatunayan na niya ang loyalty nito sa loob ng matagal na panahong inupahan ito ni Atong. Consistent ito sa pinapadalang report sa kanya tungkol sa babaeng kinalolokohan ni Atong.
Malas lang ni Atong dahil planado ang lahat. Napasubaybayan niya ito magmula bata kaya alam niya ang activities nito hanggang sa maghanap ng uupahan para magmatyag kay Penelope. Doon niya pinadala si Dai at pinagkatiwalaan naman ito ni Atong.
“Go. Now,” taboy niya rito at napasandal sa swivel chair. Nang mapagisa, napangisi siya.
There. Linggo lang ang bibilangin, siguradong babalik si Atong. Nagkatunog ang ngisi niya hanggang sa nauwi iyon sa malakas na halakhak. Sa huli, siguradong siya pa rin ang panalo. Wala siyang pakialam kung magmukha na siyang demonyo. Ang mahalaga: mapatunayan niya kay Atong na tama siya…
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...