9. REMINISCING

482 34 0
                                    

Lihim na napahinga ng malalim si Penelope ng maramdamang naupo si Atong sa tabi niya. Gayunman, hindi pa rin niya ito nilingon. Nasa harap pa rin ang atensyon niya at pinanood ang mga taong umiiyak dahil sa pagkamatay ni Bonsai.

            Narinig niyang napahinga ng malalim si Atong. Umasta naman siyang hindi iyon pansin. Nitong huling araw ay pinipilit niyang dumistansya dito. Nararamdaman kasi niya sa sariling bumibigay ang puso niya sa mga concern, sinseridad nito at pagaasikaso. Minsan, naiiyak siya dahil sa natutuklasan sa sarili pero tinatatagan niya. Minsan, naiinis na rin siya dahil sa pagiging lambutin ng puso. Ang tagal niyang binuo ang sarili sa Canada pero sa isang iglap lang, agad siyang bumigay kay Atong.

            “May problema ba?” seryosong bulong nito.

            “Wala,” simpleng sagot niya saka napahinga ng malalim.

            “Naalala mo na naman ba si Bonsai? Please, don’t be sad. I know, she’s happy now. Nandito ka na. Alam mo bang iyon ang gustong-gusto niyang mangyari? Ang umuwi ka ulit dito?” seryosong saad nito.

            Napatingin siya kay Atong at masuyo itong ngumiti. Natunaw tuloy ang puso niya at saglit niyang nakalimutan ang pagiwas dito dahil sa ngiting iyon. Hinintay din niya ang kwento nito. “Kapag katatapos nga lang ninyong magusap, ikukwento niya iyon agad sa amin. Madalas, iniinggit ako,”

            Napamugalat siya. Hindi niya alam iyon! Walang sinasabi si Bonsai sa tuwing nagkakausap sila. Kung paguusapan man nila si Atong, tungkol iyon sa panghihinayang nito na hindi na sila magkakatuluyan. “A-Atong…” namamanghang anas niya.

            Mahina itong natawa saka napailing. “Ang ganda mo na daw ngayon, masaya at successful. Tinatakot din niya ako. Sa ganda mo daw, siguradong pila na ang manliligaw mo,”

            Naginit tuloy ang mukha niya at natawa. Mukha talagang gumawa pa rin ng paraan si Bonsai para baguhin ang isip ni Atong. Napailing-iling tuloy siya sa kaibigan. Alam naman niyang imposibleng mangyari iyon. Si Atong? Maiinggit? Nah. Imposible. Walang dahilan para mainggit ito dahil alam naman niyang hindi siya nito gusto. “Si Bonsai talaga…”

            “But she’s wrong. For me, you are not just beautiful. You are… divine.” masuyong puri nito at nasa mga mata ang paghanga.

            Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi na naman mapakali ang puso niya. Hindi rin siya makapagisip ng diretso. Kinikilig siya! Hindi tuloy siya makapagsalita. Gusto na nga niyang batukan ang sarili. Marami ng pumuri sa kanya at tinatawanan lang niya pero pagdating kay Atong, flattered talaga siya.

            “Sira.” natatawang sagot na lang niya at napailing kahit nagiinit ang pisngi niya.

            “But she’s right too. Tingin ko, marami kang manliligaw sa Canada. You can’t deny that. Dito nga sa burol, maraming lalaking napapatingin sa’yo. Hindi mo lang napapansin dahil na kay Bonsai lang ang atensyon mo,” seryosong saad nito.

            Napamaang siya! Mukhang inoobserbahan nito ang lahat sa paligid nila. Siya naman ay hindi pansin iyon dahil wala naman doon ang atensyon niya. Natawa tuloy siya. “You know what? Kumain na lang tayo. I’m starving. Baka mamaya kung ano pa ang maalala mo. Mapapahiya lang ako,” biro niya.

            “Just answer me.”

            Napabuga siya ng hangin. Dahil nakikita na naman niyang hindi siya nito titigilan, minabuti niyang sagutin na ito. “Mayroon din pero wala akong ine-entertain, okay?” nahihiyang sagot niya.

            “But why?” napapamaang na tanong nito. Mukhang hindi makapaniwala.

            Napakamot tuloy siya ng ulo. “Wala akong oras para doon. Twelve hours ang trabaho ko doon sa loob ng apat na araw. Dalawang araw ang day off ko. Ayokong ubusin sa dates ang natitirang oras ko. Mas magandang magpahinga na lang.” simpleng sagot niya at sana, huwag na itong mangulit. Baka madulas pa siya at masabing isa ito sa dahilan kung bakit ayaw niyang tumanggap ng manliligaw.

            “Can we just eat? Nagugutom na talaga ko.” pagiiba niya at natawa ito ng mahina. Malamang ay ramdam nito na iniiba niya ang usapan at natuwa siya ng pagbigyan nito.

            They headed out. Sa Hades’ Lair na sila nagpunta at agad na itong nag-order ng pagkain. Ilang minuto ang lumipas, pinagsaluhan nila iyon. Nang matapos ay saglit lang silang nagpahinga at doon na naman may naalala si Atong.

            “May naalala ulit ako,” untag ni Atong sa kanya.

            Napaungol siya ng biglang kumabog ang dibdib niya. “Ano na naman ‘yon? Hindi ka na natigil sa throwback mo,” natatawang angal niya pero sa loob-loob, kinakabahan na siya. Baka nakakahiya ang naalala nito, lulubog na siya sa kinauupuan kapag nangyari iyon.

            “Nakwento din ni Bonsai na bumili ka rin ng mug. May heart daw na design iyon at kapag pinagtabi ay magiging buong puso. Where’s that?” seryosong tanong nito. Hindi pinansin ang biro niya.

            Napasinghap siya. Ang talas din ng memorya nito! Ibibigay sana niya iyon noong 18th birthday nito pero hindi niya nagawa dahil nabasag iyon kakamadali niyang ibalot. Mukhang hindi nasabi ni Bonsai ang nangyari sa tasa. Mukhang iniinggit lang si Atong kaya naikwento nito.

            “Wala na. Nabasag iyon kakamadali kong ibalot noon. Teka. Anong oras na ba? Bumalik na tayo sa burol at para sina Gerald naman ang makakain,” dire-diretsong saad niya. Magsasalita pa sana si Atong pero pinilit na niya itong umalis hanggang sa napilitang tumalima na.

            Pagpasok sa sasakyan ay lihim siyang napabuga ng hangin. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon si Atong na makapagtanong pa ng kung anu-ano. Sa tuwing magtatangka ito ay iniiba niya ang usapan.

            She shouldn’t entertain those topics. Magiging daan lang iyon para maging komplikado ang lahat. Sa huli ay napatango siya sa naisip.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon