23. PISSED

431 27 0
                                    

The best revenge is to show that you don’t care… you don’t give a damn and you don’t give a shit… paulit-ulit na sermon ni Penelope sa sarili. Sa loob ng buong maghapon na birthday ni Irvin ay iyon ang ginagawa niya. Hindi niya pinapansin si Atong. Namamangha nga siya dahil para talaga itong nagpapapansin.

            Sunod ito ng sunod para inisin siya. Lalaruin nito kunwari si Irvin pero pariringgan lang siya. Napapailing siya. Nakakaubos din ito ng lakas. Kaya nga ilang beses din niyang pinaalalahanan ang sarili dahil ilang beses na niya itong muntikang patulan. Sa huli, nakakapagpigil siya. Iyon nga lang ay mahirap talaga.

            “Nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap,” ani Atong.

            Naitirik ni Penelope ang mga mata. Para din itong aso. Ang talas ng pangamoy. Nagkulong kasi sila ni Irvin sa silid nito. Pinalitan niya ito ng damit at nahiga sila muna sa kama para makapagpahinga saglit. Nasundan pa sila nito. Effort na effort talaga para inisin siya.

            “Nagpapahinga kami. Sa labas ka na muna,” taboy niya rito. Ni hindi niya ito hinarap. Nakatagilid pa rin siya kay Irvin na nakatagilid din paharap sa kanya habang nilalaro ang maliit na robot na regalo ng isang ninong nito.

            Nahigit niya ang hininga ng maramdamang nahiga sa likuran niya si Atong. Nabingi na siya sa lakas ng kabog ng puso. Nang idikit nito ang dibdib sa likuran niya, nagwala ng tuluyan ang puso niya.

            “A-Ano ba? Ang sikip na nga, sumiksik ka pa. Umalis ka na nga,” kinakabahang angal niya saka bahagya itong siniko para umalis. Nai-stress siya sa pagkakalapit nila!

            Kumabog ang puso niya ng lambingin nito. Yumakap ito sa baywang niya at siniksik ang mukha sa batok niya! Nanayo na ang lahat ng balahibo niya sa katawan! Nalito siya sa dagsa ng emosyong lumukob sa kanya. Bigla ring nilipad ang determinasyong huwag pansinin si Atong. Wala siyang ibang ginawa kundi ang pakiramdaman ito habang binabalot ng kakaibang init…

            “Are you sure you want me to go?” anas nito saka hinaplos ang braso niya.

            Bigla siyang napamulagat. Doon siya parang nabuhusan ng tubig! Hindi lang mukha ang naginit ng ma-realized niya kung ano ang nangyari sa kanya kundi naginit rin ang ulo niya. Dito niya naibunton ang inis sa sarili dahil agad siyang bumigay!

            Inis na siniko niya ito. Napaungol ito at natutop ang sikmura! Dahil doon ay nahulog ito sa sahig at napayukyok sa sakit. Saglit siyang nagalala sa nakita. Mukhang napalakas ang paniniko niya pero naisip niya, matanda na ito. Hindi nito ikamamatay iyon!

            Bumangon siya at binuhat si Irvin. “Sa susunod, hindi lang 'yan ang aabutin mo!” nanggagalaiting asik niya saka nagmartsa palabas.

            Pagkasara ng pinto ay napabuga siya ng hangin. Bumaba siya sa kusina at nakihalubilo para hindi makaporma si Atong. Siguradong gaganti ito. At maisip pa lang na iinisin na naman siya nito ng bonggang-bongga ay napapagod na siya.

Ilang sandali pa ay sumunod na rin si Atong at gusto niyang matawa ng mapansing naghahanap ito ng tyempo. Hindi niya ito pinagbigyan. Nakihalubilo lang siya at hindi ito nakaporma. Nang malingat ito, umuwi na siya. Sa huli, napailing-iling na lamang siya sa kanilang dalawa. Well, kasalanan naman nito kung bakit tinataguan niya ito ng ganoon ngayon at nangako siya sa sarili na kung sasamain silang magkita ulit ay mas huhusayan pa niya ang pagiwas.

Napahinga na lamang siya ng malalim sa naisip.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon