“ATONG!—!” nahihintakutang sigaw ni Penelope ng makitang tinadyakan ng hindi kilalang lalaki si Atong sa mukha at nawalan ito ng malay. Halos ikabaliw niya ang sandaling iyon. Napaiyak siya sa sobrang takot at awa sa binata. Wala siyang magawa kundi ang panoorin ito mula sa loob ng van. Panay ang bayo niya sa bintana at tinatawag ito. Nagbabakasakaling sa ganoong paraan ay magising si Atong.
“Shut up or I’ll shoot you,”
Natigilan siya ng maramdamang mayroong tumutok sa batok niya. Nanigas siya ng maramdamang baril iyon at sisigok-sigok siyang lumingon. Nang makita niya kung sino ang nagtutok sa kanya, bigla siyang kinilabutan.
“I-Ikaw? B-Bakit?” hindi makapaniwalang tanong ni Penelope kay Ike Yagami. Prente itong nakaupo sa likod ng driver at balewalang hawak lang ang baril. Halos hindi na siya humihinga. Ni ayaw niyang kumurap.
“A-Ate…” takot na anas ni Peter.
Natigilan siya at agad napatingin sa pinakaloob ng sasakyan at natutop niya ang bibig ng makitang nandoon ang pamilya niya! Nakapiring ang mga ito. Nakatali ang kamay. Nangatog siya sa nakikitang kalagayan ng mga ito.
“’N-Nay… ‘Tay… P-Peter…” alalang anas niya saka nilapitan ang mga ito pero pinigilan siya ng isang tauhan ni Ike. Naiyak siya sa kawalang magawa. Nakakabaliw ang oras na iyon. Pakiramdam niya, hindi man siya gulpihin ay sobrang sakit noon sa kanya.
Napabuga ng hangin ang tatay ni Atong. Mukhang balewala lang ditong wala ng malay dahil sa sobrang pagkakagulpi si Atong sa labas. Hindi niya lubos maisip kung papaano nito nagawa iyon sa sariling anak!
“Hindi lang ito ang kaya kong gawin.” malamig na saad nito saka inilabas ang cellphone. Mayroon itong tinawagan at naiyak na siya ng marinig ang boses ni Charity. Umiiyak ito. Nagmamakaawa at takot na takot. Dahil doon ay lalo siyang nangilabot.
“A-Ang sama mo para gawin ito sa anak mo…” luhaang asik niya kay Ike.
Napangisi ito. “Ah, wala ka pa ring idea. Watch this,” anito saka pumitik. Napatili siya ng agad tumalima ang mga tauhan nito at inilabas ng van ang pamilya niya! Sunod na pinaghahataw ng baseball bat ang tatay at kapatid niya!
Napasigaw siya nang bumagsak ang nanay niya. Mukhang nahimatay na sa sobrang takot. Napasigaw siya sa sobrang pagaalala. Iyak siya ng iyak sa sobrang takot at pilit niyang pumiglas.
“T-Tama na! Ano ba’ng gusto mo…” luhaang awat niya dahil hindi niya na kayang tagalan ang torture na iyon. Doon niya nakita kung gaano ito kalupit. Maitim ang budhi nito. Isa itong demonyo!
“Parang awa n’yo na… tama na!” luhaang bulalas niya ng bumagsak na duguan ang tatay at kapatid niya sa semento. Si Atong naman ay sampung hakbang ang layo sa kanya. Nakahandusay din ito. Nakakasira ng ulo ang oras na iyon.
Pinilit niyang kumawala sa lalaking nakahawak sa kanya hanggang sa nagawa niya. Agad niyang sinuri ang nanay niya. Sa nanginginig na kamay, pinulsuhan niya ito at nakahinga siya ng maluwag ng maramdamng mayroon itong pulso. Sunod naman ang pamilya niya at nakahinga din siya ng maluwag ng malamang okay naman sila kahit bugbog sarado.
Pagdating kay Atong ay napahagulgol siya sa kaawa-awa nitong kalagayan. Maga na ang mukha nito. Marami na ring gasgas at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan. Pati kanang braso nito, kita niyang maga na iyon. Mukhang dislocated na dahil sa umbok ng joints nito.
Napasinghap siya ng marinig ang ikinasa ni Ike ang baril at itinutok iyon kay Atong. Napaiyak siya sa sobrang takot at niyakap si Atong. Nanginginig siyang itinakip ang katawan dito. “H-Huwag please…” pagmamakaawa niya at niyakap pa ng mahigit ang binata.
“A-Ate…” luhaang anas ni Peter at napalingon siya rito. Nanlaki ang mga mata niya ng pinilit nitong inabot ang isang baseball bat na nakalapag malapit dito at tumayo ito para ipagtanggol siya.
“Huwag—!” luhaang sigaw niya ng hawatin ito ng dos por dos sa binti. Napaiyak siya ng makitang nabali ang buto ni Peter sa tuhod. Tumagos iyon sa balat nito dahil sa buong puwersang pagkakahataw dito.
Napasigaw sa sobrang sakit si Peter at napadapa sa semento. Siya naman ay tuluyan ng nanghina at napahagulgol sa mga palad.
Napaungol siya ng sabunutan ni Ike saka itiningala. Lalo siyang nangilabot ng makita ang maiitim nitong mga mata. Blanko iyon. Walang emosyon. Walang pakialam kahit patayin pa sila ng harapan nito.
“T-Tama na ho…” pagmamamakaawa niya at pumatak ang mga luha niya. Halos hindi na magbukas ang mata niya sa sobrang pagiyak. Napailing-iling siya. Nginig na nginig. Mukhang siya na ang susunod na sasaktan! “Please… huwag ho…” pakiusap at impit na napaiyak ng higpitan pa nito ang hawak sa buhok niya.
“Ano bang gusto mo? G-Gusto mong umalis kami? S-Sige… aalis kami b-basta pakawalan mo kami…” agad niyang sigaw ng umakmang sasampalin siya ni Ike. “L-Lalayo kami… i-iwanan ko si Atong… lahat ng gusto mo, gagawin ko! Please lang… huwag mo na silang saktan… maawa ka…” sisinok-sinok niyang pagmamakaawa.
Napangisi ito. “Madali ka naman palang kausap. Okay then. Lumayo kayo. Stay as far as you can. Ayoko ng makita ni anino ng pamilya mo. Alam mo na kung ano’ng mangyayari oras na magkita pa tayo,” banta nito.
Sunud-sunod ang naging pagtango niya. Takot na takot. Sa kabila noon, masakit din iyon sa kanya. Nadurog ang puso niya dahil kailangan niya itong iwan. “S-Si Atong… h-huwag ho ninyo siyang saktan… please…” luhaang pakiusap niya.
Doon niya napatunayan kung gaano kamahal si Atong. Kahit sobrang sakit na. Kahit ikabaliw na niya, pakakawalan niya ito basta maging ligtas ito. Ngayon niya naiintindihan kung bakit hindi nito magawang makipagmabutihan sa kanya noon: dahil sa kapasidad ng tatay nito. Walang puso ang matanda. Mukhang buhay pa lang ay sinusunog na ang kaluluwa nito sa impyerno.
“Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan,” malamig nitong saad saka sinenyasan ang mga kasama. Agad naman silang nagsisakayan sa van kasama si Atong at umalis. Naiwan ang ama ni Atong. Tinitigan pa siya nito ng matagal. Nangingilabot pa rin siya sa paraan ng titig nito. Doon naman dumating ang itim na Mercedes Benz nito. Bago ito sumakay, nagiwan pa ito ng mensahe.
“Nasa kamay mo lang naman ang kaligtasan nilang lahat.” malamig na saad nito saka tuluyang sumakay sa sasakyan.
Naiwanan siya lumong-lumo, wasak na wasak at takot na takot. Saglit siyang nawala sa sarili. Hindi niya alam ang gagawin hanggang sa may nakakita sa kanilang guwardya at agad silang tinulungan. Dahil hindi pa siya kumakalma, hindi rin siya makausap ng mga ito ng maayos.
Natagpuan na lamang niya ang sariling nasa ospital at nilapatan ng lunas ang pamilya. Nang may mga dumating na pulis, hindi siya nagsalita ng laban sa tatay ni Atong. Natatakot siya. Maalala lang niya ang kalupitan nito, parang babangungutin na siya. Sa huli, sinabi na lang niyang napag-trip-an sila. Iyon nga din ang sinabi ng guwardya. Napanood nito ang CCTV at kaya agad itong nagpunta. Iyon nga lang, hindi maipakita iyon sa mga pulis dahil tumawag ang kasamahan ng guwardya at ipinaalam na nawawala ang video.
Sa huli, natawa siya ng bahaw. Everything was set up. Ganoon kagaling ang ama ni Atong. Nakakatakot. Nakakaiyak din dahil sa ama nito, wala na silang pagasang maging masaya ni Atong…
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...