“Something’s going on,” nakangising saad ni Gerald habang nakatingin sa kamay nila Penelope at Atong. Magkahawak silang pumasok sa Hades’ Lair. At kasalanan iyon ni Atong! Ayaw nitong bitawan ang kamay niya. Pulang-pula tuloy ang mukha niya sa hiya. Hindi pa kasi nila nasasabi ang tungkol sa kanila sa mga kaibigan. Pangiti-ngiti ang mga ito sa kakaibang closeness nila sa loob ng tatlong linggo. Wala din namang nagtatanong. Pero ngayong mayroong obvious na ‘senaryo’, mukhang hindi na sila makakapigil.
“Well… obviously. We’re doing good,” proud na saad ni Atong. Napasinghap siya ng akbayan nito at higitin palapit pa sa katawan.
“This is really nice. Kapag nagtuloy-tuloy ang panunuyo ni Ira kay Chelsea, mukhang magkakaroon tayo ng double wedding,” natutuwang komento ni Anariz saka siya niyakap. Natawa siya pero namasa pa rin ang mga mata. Abot hanggang kaluluwa ang saya niya.
Walang dull moments nang maging okay sila ni Atong. Bawing-bawi ang mga panahong siya ang nanunuyo dito. Hindi lang nito basta tinupad ang hiling niyang flowers, dinagdagan pa nito ng chocolates iyon at letters!
Kilig na kilig tuloy siya. Maging si Charity, nahahawa na rin. Halos mapuno na ang opisina nila ng iba’t ibang klase ng bulaklak! Napangiti siya sa naisip.
“Double wedding? I love that,” nakangiting saad ni Atong.
Napasinghap siya. Bumilis ang tibok ng puso niya. Kasal na ang pinaguusapan nila. Para tuloy siyang nanaginip. Nalito siya. Na-excite ng todo. Gusto rin niyang maiyak. Ang tagal niyang pinangarap iyon at mukhang mangyayari na.
“Atong…” anas niya nang haplusin nito ang pisngi niya.
“Zutto issho ni itai. What I mean is, I want to be with you forever.” masuyo nitong anas saka siya ginawaran ng magaang halik sa labi.
Nag-init ang mukha niya nang magpalakpakan ang lahat ng tao sa Hades’ Lair. Hindi na nila napansing nakapatay na ang tugtog. Ang atensiyon niya ay na kay Atong na lumuhod na sa harapan niya. Natutop niya ang bibig ng maglabas ito ng isang kahita at nakita niya ang platinum engagement ring. Simple lang ang disenyo noon pero eleganteng tingnan.
“Ibibigay ko sana ito sa’yo mamayang gabi pero hindi na ako makapaghintay. Alam kong mabilis pero ayoko ng patagalin pa. Ayoko ng magsayang ng oras kagaya ng ginawa ko noon. Please, spend the rest of your life with me, Pen…” masuyo nitong pakiusap. His eyes were pleading! How can she say no to him?
“Yes!” sagot niya. Bakit pa siya tatanggi? Ah, wala ng rason para tumanggi. Nagkaliwanagan na sila ng damdamin. Sapat na sa kanya iyon at sobrang saya niya.
Napahalakhak siya ng mukhang nakahinga ito ng maluwag. Dali-dali nitong isinuot ang platinum engagement ring saka hinalikan ng ubod tagal ang palad niya. Tunaw na tunaw tuloy ang puso niya.
Pagtayo nito ay agad siyang siniil ng halik. Hindi na nila pansin ang mga tao sa paligid. Agad siyang nakalimot at tumugon ng buong init sa halik nito. Halos pangapusan siya ng hininga ng maghiwalay sila.
Umugong muli ang palakpakan, biruan at kantyawan. Natawa tuloy sila ni Atong at niyakap siya nito. “Order what you want. It’s on me,” nakangiting saad ni Atong. Natawa tuloy siya. Sa sobrang saya, nag-blow out!
“Wow. Galante!” natatawang komento ni Ira.
Natawa silang lahat. Ilang sandali pa ay naghanda na ang staff nila Atong para makakain sila ng tanghalian. Umalis naman si Ira para sunduin si Chelsea. Pagdating ng mga ito ay nagsikain na sila. Nagsalo sila sa isang masaganang tanghalian. Ngiting-ngiti siya. Kumpleto sila. Hindi niya mailarawan ang contentment ng oras na iyon.
Nang matapos ay nagkape sila at nagkuwentuhan. Doon naman may dumating na delivery boy at namangha siya ng hanggang doon ay pinadalhan siya ng bulaklak!
“For you,” masuyong saad ni Atong saka iniabot ang isang bungkos ng bulaklak.
Kinikilig na kinuha niya iyon. “Hanggang dito ba naman?” angal niya kunwari.
“Wala pa akong pinadala para sa araw na ito kaya dito ko na lang ibinilin na dalhin. Oh, wait. Here’s another,”
Napanganga siya ng makita si Riu na may dala-dalang paper bag ng isang mamahaling brand ng polo shirt. Binati siya nito saka iniabot ang paper bag kay Atong. Umalis din ito agad dahil may mga aasikasuhin pa daw. Naginit ang mga mata niya ng buksan ni Atong ang plastic at nakita niyang yellow couples shirt iyon.
“There. May couple shirt na tayo.” nakangising saad nito saka ibinigay ang isa sa kanya.
Natawa siya bagaman naluluha. “Hindi mo talaga tinitigilan ang couple shirt, ha,”
“Oh yes. Hindi ako nakatulog dito,”
Napahalakhak tuloy silang lahat. Sa huli, siya na ang humalik dito. Muli, kinantyawan sila pero wala na siyang paki. Tinagalan niyang halikan si Atong para makabawi sa sunud-sunod nitong sorpresa sa kanya.
“I love you,” anas niya saka napangiti sa pagitan ng mga labi nila.
“I know and thank you,” anas nito saka siya siniil ng halik.
Muli, tumugon siya. Natawa sila ng mapaungol ang mga kasama nila sa mesa. PDA na daw sila. Sa ngalan ng mga naiinggit na couples sa harap nila, tumigil na sila ni Atong. Itinuloy iyon ng mapagisa sila sa opisina ng Hades’ Lair.
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...