"MAGMERYENDA KA muna." pigil hiningang imporma ni Penelope kay Atong. Hindi niya mapigilang kabahan dahil pormal na pormal ito sa ginagawa. Pakiramdam niya ay naiinis tuloy ito sa ginawa niya ng nagdaang gabi.
Ni hindi siya nito ginising kanina. Pagmulat niya ng mga mata, ilang guwardya na lang ang kasama niya bahay nito. Pinasunod na lang siya sa Hades' Lair. Dali-dali siyang naligo kahit parang binibiyak ang ulo niya dahil sa hangover.
Kinakabahan tuloy siya. Baka mamaya, may mga nasabi siyang hindi nito nagustuhan at idinadaan siya nito sa cold war. Ni hindi siya tinitingnan pagdating niya. Pati na rin ang mga kasama nila sa opisina na sina Beth, Gerald, Anariz at Chelsea, natetensyon sa nakikitang kalamigan ni Atong. Kinakabahan din siya kay Ira dahil nakikita niyang panay ang iling nito at buntong hininga.
Napabuntong hininga na lang siya ng hindi siya pansinin ni Atong. Nagtaka din siya kung bakit wala si Aya pero si Anariz na ang nagpaliwanag sa kanya na umalis din ng gabi ang babae. Napapaisip tuloy siya kung siya ba ang dahilan o ano. Baka mamaya, iyon din pala ang ikinaiinis ni Atong. Gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil anu-ano tuloy ang naiisip niya. Panay lang ito sa tipa hanggang sa maramdaman ang kamay ni Anariz na humawak sa balikat niya.
"Tara. Sa labas muna tayo." aya nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim saka tumalima. Mabuti rin sigurong lumabas na muna siya. Hindi na rin kasi siya makahinga. Nagpunta sila ni Anariz sa likuran ng Hades' Lair. Dahil wala pang break time, sila lang ang nandoon.
"Okay ka lang?" malungkot na tanong nito.
"Honestly, no..." anas niya at malungkot na napayuko. Ang bigat-bigat na ng dibdib niya. Hindi na rin talaga niya kayang itago ang lahat. Tuluyan na siyang nag-breakdown. Hindi na niya namamalayang sinasabi na niya ang lahat kay Anariz hanggang sa napasinghap siya. Luhaan siya ng napatingin dito. "Oh, my God... please don't say this to him. A-Ayokong lumala pa ito. A-Ayokong mangyari ulit iyon. A-Alam ko ang kakayahan ng tatay niya. K-Kayang-kaya niyang saktan si Atong p-pati ang pamilya ko..."
Napahagulgol siya sa mga palad ng muling maalala ang pinagdaanan ng pamilya niya sa kamay ng mga tauhan ng matanda. God... it was horrible. Maalala lang ang mga iyon ay kinikilabutan na siya.
"Shh..." tahan na. Naawang anas ni Anariz saka ito pumasok. Paglabas nito ay may dala na itong mineral water. Agad niyang ininom iyon para makalma.
"Hindi namin alam na ganyan pala kalala ang nangyari sa inyo. Diyos ko... I am so sorry to hear that. Kung may magagawa lang kami, tutulong kami. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong mangyari, susuportahan ka namin," malungkot nitong saad saka napahinga ng malalim. "Anong plano mo ngayon? Titiisin mo na lang lahat ang ginagawa niya sa'yo?"
Malungkot siyang napatango. "I deserve it. Nagpadala ako sa takot ko noon kaya alam kong dapat lang din sa akin ito..."
Sabay silang napabuntong hininga. Hindi na ito nagtanong pa at hindi na rin siya nagsalita. Kinalma niya ang kalooban. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya dahil nagawa niyang i-share ang sikretong. Ang tagal niyang kinimkim iyon.
Ilang sandali pa ay pumasok na sila at muli niyang inasikaso si Atong na mukhang patapos na. Patingin-tingin ito sa kanya. Pansin niyang lumamig na ng kaunti ang ulo nito. Mukhang pinagsabihan ito ng mga kaibigan dahil tinanguan siya ng mga ito.
"Kailangan mo ng uminom ng gamot," aniya saka inihanda ang mga gamot nito. Tumigil naman ito sa ginagawa at hinarap siya.
Ramdam niya ang titig nito at nakaramdam na naman siya ng kaba. Sa huli, napailing siya sa sarili. Hanggang ngayon, nalilito pa rin siya sa titig nito.
Matapos nitong mainom ang lahat ng gamot ay tinapos na nito ang ginagawa. Nagusap ang tatlong magkakaibigan dahil sa lost na na-trace ni Atong.
"Forty thousand five hundred sixty three pesos ang na-trace kong discrepancy sa mga reports against receipts, inventory at cash on hand. Hindi ko ito nate-trace dahil sa mga ipinapasa nilang force balance report. Dapat, kay Mattet pa lang ay malalaman na niyang hindi balance si Shirley at nangungupit dahil na rin siya ang nakakita at nakaalam ng mga reports. Therefore, I conclude that she's involved here too," pormal na saad ni Atong saka ipinakita ang mga dokumento.
Napatango sina Gerald at Ira saka ipinatawag sina Shirley at Mattet. Hiningan nila ng paliwanag ang dalawa hanggang sa hindi nila magawa. Sa huli, umamin silang magkasabwat at napailing ang tatlong magkakaibigan.
"Paghahatian ninyong bayaran ito. Kung hindi ninyo magagawa, mapipilitan kaming kasuhan kayo ng Qualified Theft." ani Atong.
Naiyak ang dalawang babae. "M-Magbabayad ho kami, sir. Sorry po sa lahat ng ginawa namin..." takot na saad ni Shirley.
Agad namang tumango si Mattet at luhaan ding nakiusap. "Sorry po talaga. Nagawa ko lang ho iyon dahil nagpapaaral ako ng kapatid..." pagmamakaawa nito.
Napailing ang magkakaibigan. Sa huli, nag-settle sila sa agreement na magbabayad ang dalawa sa loob ng isang buwan. Pinapirmahan ni Atong ang dalawa ng agreement kaya walang kawala ang mga ito.
"Maghanap na rin tayo ng ipapalit sa kanila," suhestyon ni Gerald pagkalabas ng dalawang empleyado.
"I agree. Hindi natin puwedeng pagkatiwalaan ang dalawa," ayon naman ni Ira.
Napatango si Atong. "Exactly. Iyon din sana ang isa-suggest ko. Pagkatapos nilang bayaran ang mga kinuha nila, let's terminate them. May grounds naman tayo. Hindi lang nating magagawa iyon ngayon para makabayad sila."
She was impressed how this three talks. She felt proud for Atong. Sa kabila ng lahat, kahit pala nuknukan ito ng kasungitan, nakakapagisip pa rin ito ng tama.
Tumalon ang puso niya ng mapatingin ito sa kanya. Agad siyang nagiwas ng tingin. Damang-dama niya ang pisnging naginit. Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa pagre-react ng ganoon.
"Let's celebrate then." anunsyo ni Gerald.
Agad nagsitanguan ang lahat. Si Atong ay tahimik lang at nilapitan niya ito. Nang dumating ang masaganang tanghalian na pinahanda ng magkakaibigan ay agad niya itong inasikaso.
Hindi man ito kumikibo, hinahayaan siyang subuan nito dahil hindi pa rin nito kaya. Naging ganoon ang siste hanggang sa matapos sila sa tanghalian. Matapos iyon ay nagaya ng umuwi si Atong. Hindi naman sila pinigilan nila Ira kaya tumalima na sila. Paglabas ay agad ng pumarada ang sasakyan at pinagbuksan sila ng pinto ng isa sa mga body guards nito.
"Wala yata si Riu?" hindi napigilang tanong niya. Lagi kasing nakadikit si Riu dito. Kung aalis man, hindi nagtatagal kaya nagtataka siya ngayon kung bakit hindi niya ito nakikita.
Natigilan ito hanggang sa dumilim ang mukha. Saglit siyang kinabahan at nalito uli. Napaisip siya kung may nasabi ba siyang masama hanggang sa umiling ito.
"May inutos ako sa kanya," malamig na sagot nito. Ni hindi siya nilingon.
Napatango siya. Gustuhin man niyang magtanong ay hindi na niya ginawa. Nakakaalangan! Baka mamaya, magalit na naman ito at ma-stress siya. Maiiyak na lang siya sa sobrang sama ng loob at kawalang magawa.
Napabuntong hininga siya.
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...