39. WHERE ARE YOU?

325 22 2
                                    

“J?SHI WA, soreha jikandesu…” imporma ni Riu kay Atong na ang ibig sabihin ay oras na. Napahinga siya ng malalim saka tinapos ang trabaho sa mesa. Tumayo na siya at agad nitong iniabot sa kanya ang itim na coat. Buwan ng Disyembre at panahon ng winter sa Japan. Siguradong kasing lamig ng panahon ang puso niya ngayon.

            Pitong buwan na ang nakakalipas mula nang ‘takbuhan’ siya ni Penelope. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya sumusuko. Lalo na ngayong siya na ang leader ng grupo, mas lumaki ang koneksyon niya kaya nagawa niyang ipahanap ito ng walang tigil. Habang tumatagal, lalong tumitigas ang puso niya. Hindi siya masisisi dahil ang sakit na pinagdaanan niya ang siyang bumago sa kanya.

            Nang hindi niya mahanap si Penelope ay doon naman siya kinausap ng ama sa kalagayan nito. Kailangan na nitong ipasa iyon sa kanya para makapagpa-chemo na ito. Doon niya naintindihan kung bakit bumagsak ang katawan nito. Dahil sa galit siya sa mundo at pakiramdam niya ay wala na ring halaga kung tatanggi siya, tinanggap na rin niya ang paghawak sa grupo. Iyon ang inasikaso niya sa loob ng ilang buwan.

            Pabalik-balik siya sa Japan at Pilipinas para gawin ang obligasyon sa Hades’ Lair. Ilang beses din siyang kinulit ng mga kaibigan tungkol sa nangyari pero hindi siya nagdetalye. Honestly, ayaw niyang pagusapan iyon. Ayaw niyang balikan ang lahat. Lalo siyang nagagalit siya sa tuwing naalala iyon.

Sa ngayon, nasa UK ang ama niya para sa medication at para makapagpahinga. Nandoon din kasi ang kaibigang espesyalista nito. Maigi na rin na malayo ito dahil oras na malaman ng mga kalaban nito ang kalagayan, sasamantalahin nila.

Sa ngayon, hinihintay na lang nilang matapos ang chemo sessions nito para malaman kung tuluyan ng namatay ang lahat ng cancer cells nito sa katawan. Siya na rin ang humawak sa auditing firm at naging pinuno. Siya na ngayon ang iginagalang, kinakatakutan. Lihim siyang natawa ng bahaw. Ngayon, mayroon na silang rason para katakutan siya.

            At least being their ruler gave him the right to change some rules. Isa na roon na inalis niya si Dai sa grupo at si Riu ang ginawa niyang kanang kamay.  Lahat ng loyal sa tatay niya, inalis niya at pinasama dito. Sa ngayon, bago ang lahat ng tauhan at sa kanya iyon.

Hindi niya ginaya ang ama na isang mali, pinapapatay agad ang taong may atraso dito. Siya ay idinadaan sa pagi-invest o pagbili ng share sa isang kumpanya para magkaroon siya ng access at pagkakataong makapasok. Pagkatapos ay isa-isa niyang bibilhin ang shares ng ilang shareholder hanggang sa siya na ang magkaroon ng pinakamalaking parte at tuluyang manguna.

            Sa kabilang banda, tuluyang nakulong ang mga nambugbog sa kanila. Ipinaubaya na niya ang tungkol sa kasong iyon sa ama dahil mas eksperto ito. Si Gani Yamamoto naman ay pinapatay ng tatay niya. Ginawa raw nito iyon para tuluyan nang mawala ang banta sa buhay niya bago pa siya maupong leader ng grupo.

            Lumabas na siya. Agad nagsiyukugan ang mga tauhan niya. Lahat ng madaanan niya, nakayukod. Bale-wala naman iyon sa kanya. Pagkababa nila ay agad na siyang sumakay sa itim na SUV saka nagtungo sa airport. Lumulan siya sa private plane papuntang Pilipinas.

            “J?shi wa, koko ni anata no y?jin e no okurimonodesu,” untag ni Riu habang umiinom siya ng brandy sa tabi ng bintana. Tumango siya ng ilapag nito ang may kalakihang regalo.

            Napahinga siya ng malalim habang nakatitig doon. Parang kailan lang, siya sana ang ikakasal. Asang-asa. Punung-puno ng pangarap pero hayun siya, isa na lang bisita sa kasal ng ni Ira.

            Tumanggi siyang maging best man. Si Gerald tuloy ang best man nito. Alam niyang nagtatampo ito pero naisip niya, maiintindihan din siya ng mga ito. Ni ayaw nga niyang pumasok sa simbahan. Ayaw niyang manood ng kasal. Makakadagdag lang iyon sa bigat na dinadala niya sa dibdib.

            Dahil doon ay sa reception na siya didiretso. After that, pupunta naman siya sa Hades’ para mag-audit. Pagkatapos noon ay aalis ulit siya at pupunta ng Singapore. Kakausapin niya ang isang business tycoon dahil interesado siyang maging shareholder sa negosyo nito.

            Paglapag ng eroplano ay dumiretso na sila sa San Jose. Sa bahay nila Ira ang reception. Pagdating doon ay nagsisikain na ang bisita. Kasama niya si Riu.

            “Congratulations,” malamig na bati niya saka kinamayan si Ira. Agad naman itong ngumiti. Larawan ito ng lalaking masaya at kuntento. Sunod niyang kinayaman si Chelsea na mukhang masaya.

            “Mabuti naman nakapunta ka. Akala ko hindi ka pa darating,” ani Ira saka siya sinamahan sa mesa nila Gerald. Agad din siyang kinamayan ng magasawa at naupo siya. Agad naman siyang inestima ng mga kaibigan.

            “How are you?” untag sa kanya ni Gerald. “Madalang ka ng nagagawi sa Hades’. Sobrang busy mo na,”

            Hindi siya umimik. Hindi na siya nakipagkuwentuhan. Alam niyang mauuwi lang iyon sa mga inspirational advices. Nakakainis lang. Kung sabihan at pangaralan, para siyang kawawa.

            Hindi na sila nagsalita. Mukhang nakaramdam na wala siyang balak makipagkwentuhan. Matapos kumain, nagpaalam na siya. Nagpunta na siya sa Hades’ Lair. Ang Katipunan ang una niyang pinuntahan. Inabot din siya ng dalawang oras dahil natambakan siya ng resibo at dami ng expenses. Matapos ay nagtungo siya sa Malate. Bago siya bumaba ng sasakyan ay nakatanggap ng tawag si Riu. Biglang kumabog ang dibdib niya ng marinig na mukhang tungkol ang tawag sa babaeng pinahahanap niya.

            Nang matapos ay napalingon ito sa kanya. Pigil hiningang hinintay niya ang sasabihin nito.

            “Nakita na nila si Miss Gengania. Nagtatrabaho siya sa Zachary Medical Hospital bilang nurse. Sa Quezon Province ‘yon. Gusto mo na bang puntahan?”

            Nanikip ang dibdib niya. Natensyon din pati ang buong katawan niya. Halos sumabog na ang dibdib niya sa halo-halong emosyon! Natutuwa siya dahil sa wakas! Magkikita na sila pero sa kabilang banda, nanggigigil din siya. Gustong-gusto niyang iparamdam dito kung paano masaktan!

“Of course.” nagtitimping anas niya saka sumakay ulit sa SUV. Agad namang tumalima si Riu maging ang mga kasamahan niya.

Tumabi si Riu sa kanya at panay ang pindot nito sa cellphone. Ilang sandali pa ay may ipinakita ito sa kanya. “Email 'yan ng kaibigan ko tungkol sa mga nakuha niyang impormasyon kay Miss Gengania. Iyan ang estado niya ngayon,”

Agad niyang binasa at nagtiim ang bagang niya. Naisip niyang mabait pa rin pala ang Diyos sa kanya. Binigyan siya nito ng pagkakataong magkrus uli ang mga landas nila ni Penelope. And he will use that information very, very wisely.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon