“Anak, alam mo bang nagta-trabaho pala si Charity sa Global Industries?” tukoy ng ina ni Penelope sa malayong pinsan niya na nag-birthday at pinuntahan ng mga magulang niya noong kaarawan ni Irvin. Hinarap niya ito at naging interesado siya. Alam niya ang Global Industries. Bilang expose sa mga medical supplies, alam niyang kumpanya iyon na gumagawa na soluset, syringe at kung anu-anong gamit ospital.
“Talaga ho? Ano hong trabaho niya doon?” tanong niya saka pinatay ang laptop. Naghahanap kasi siya ng magandang location, company ng mga medical supplies at kung anu-anong impormasyong makakatulong sa kanya sa pagtatayo ng distribution business na gusto niya. Sa loob ng dalawang linggo ay iyon ang inatupag niya para makalimutan ang gigil kay Atong.
Hindi pa rin kasi ito tumitigil. Tawag ng tawag. Text din ng text. Kahit panay pangungumusta lang ang ginagawa nito, minabuti niyang huwag itong pansinin. Alam niyang mauuwi lang iyon sa pangiinis nito.
“Five years na siyang Medical representative doon. Ano kaya kung kausapin mo siya? Baka matulungan ka niya.” suhestyon ng ina ni Penelope. Napaisip siya. Hindi sila malapit ni Charity pero sa pagkakatanda niya, magkasing edad sila. Sa tingin niya, kung nakapasok ito sa isang magandang kumpanya at nagtagal, ibig lang sabihin ay kabisado na nito ang ins and outs ng kumpanya.
“Mukhang maganda nga iyon, ‘Nay. Pupuntahan ko si Charity mamaya. Magtatanong ako sa kanya,” aniya.
Mukhang natuwa ang matanda at nakuntento. Matapos magagahan ay pinuntahan na niya si Charity. Agad naman siyang hinarap at pinaliwanagan. Mas lalo siyang na-impress dahil marami na rin itong kilalang kumpanya na puwedeng kuhanan ng mga medical supplies bukod sa Global Industries.
Dahil doon ay nakabuo sila ng plano. Magre-resign ito sa Global at tutulungan siya sa distributing business na itatayo niya. Lalo siyang na-excite! Dahil doon ay naisipan niyang tumingin-tingin na rin ng puwesto. Naisip niyang mas magandang sa Manila na lang siya mag-base dahil mas maraming nagkalakat na ospital doon at clinics. Saka na muna siya lalabas ng Manila kapag kaya na niyang i-handle iyon.
Lumuwas din siya pagkatapos ng tanghalian. Naglibot-libot siya hanggang sa inabot ng hapunan. Minabuti niyang dumaan sa Hades’ Lair Malate since malapit na siya doon. Hindi na siya nailang dahil sa pagkakaalam niya ay sina Gerald at Anariz ang tumatao doon.
“Hi!’ nakangiting bati niya sa magasawa ng masalubong niya sa entrance ng Hades’. Mukhang paalis ang mga ito. “May lakad kayo?”
Tumango si Anariz. “Oo. Pupunta kami sa kabila. Sumama ka na. Tingnan natin si Ira. Kumustahin natin. Balita namin, nahuli na ang nakabangga sa kanila,” paliwanag nito.
Agad na siyang pumayag. Sumakay na rin siya sa itim na sports car ni Gerald at pumunta sila sa Hades’ Lair Katipunan. Nadatnan nilang umiinom sina Ira at Atong. Mukhang mainit ang ulo ni Ira.
“That woman lied to me… she was such a liar…” lasing na asik ni Ira. Pahawi-hawi pa ito ng kamay.
“Pare, tama na ‘yan…” awat dito ni Atong saka napatingin sa kanya.
Tumalon ang puso niya at agad nagiwas ng tingin. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Tingin lang! Nalito na naman siya. Napailing siya at minabuting umiwas. “A-Ano bang nangyari?” pigil hiningang tanong niya.
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...