“HINDI TALAGA ako makapaniwala na ang laki-laki ng pinagbago ni Chelsea. Pero kahit malaki ang pinagbago niya, naalala ko pa rin siya. You know? There was something in her that reminds me of her as a little kid. Kahit pa nagiba siya ng pangalan. Gaya ng sabi ko noon, kilala ko ang built at tindig niya kaya natawag ko siya noon ng ganoon,” komento ni Penelope matapos nilang maglahad ng opinyon tungkol sa babae. Napagusapan nila ang nangyari at nalaman nilang ito ang dahilan kung bakit binangga ang sasakyan nila Ira.
Dating boyfriend ni Chelsea na si Brando ang nakabangga at ginantihan nito si Ira. Umurong daw kasi sa kasal si Chelsea at si Ira ang dahilan—dahil mahal pa rin daw nito si Ira. Sa huli, ito ang pinagbalingan ng ganti. Hindi naman niya masisisi si Ira kung bakit sukdulan ang naging galit nito.
Kasalukuyan silang nasa Hades’ Lair. Tapos na ang trabaho niya at inaya siyang tumambay doon ni Anariz. Nauna nga lang itong umalis dahil umuwi na ito sa San Sebastian. Ang kasama niya ngayon sa opisina ay sina Gerald, Atong at Ira—na tahimik lang na nakikinig sa kanila. Kahit papaano ay gusto rin nilang pagaangin ang pakiramdam nito at naglalahad ng opinion para makapagisip ito. Pansin niyang sa kabila ng nakuha nitong hustisya, parang hindi pa rin ito masaya.
“Papaano mo naman nasigurong si Chelsea iyon? Kami nga, hindi siya nakilala. It’s been what? Twelve years? Ang tagal na noon para maalala pa natin siya. Hindi rin natin siya naging kaklase. Hindi rin siya nag-stand out sa buong school kaya hindi namin talaga siya kilala,” kontra ni Atong.
Umismid siya. “Natatandaan ko siya dahil hindi lang naman namin siya minsan nakita ni Bonsai na nagiiwan ng love letter sa table ni Ira. Maraming beses.” pagmamalaki niya kay Atong.
Natahimik ang lahat sa idineklara niya at bigla siyang kinabahan ng mapatingin si Ira sa kanya.
“Letter? What letter? Wala akong natanggap na sulat mula sa kanya,” takang tanong ni Ira.
Nagtaka tuloy siya at napaarko ang kilay. “Okay, okay. Nakita namin ni Bonsai na naglagay siya ng letter noong first year tayo sa desk mo. At dahil isa akong dakilang usisera, kinuha ko iyon at binasa namin ni Bonsai. Honestly, we were touch to her message. She said that she loved you whoever you are and what you’ve been. For her, you are her only superman, her delinquent prince charming. Hindi mo natatandaan iyon?” naguguluhang tanong niya at napabuga ng hangin. “Papaanong nangyari iyon? Pinabalik ko kay Bonsai ang sulat na iyon bago ka dumating. Kahit naman usisera kami, hindi naman kami kontrabida sa buhay mo.” Paliwanag niya.
Biglang kumabog ang dibdib niya ng matulala si Ira hanggang sa namutla. Kinutuban din siya dahil sa nakikitang ekspresyon nito. Mukhang wala talaga itong ideya at lihim siyang napamura. Mayroong nabubuong idea sa isip niya at kinabahan siya.
“Ira!” halos sabay-sabay nilang tawag ng magmadaling umalis ito. Hahabulin sana ito ni Gerald pero pinigilan ito ni Atong.
“What?” takang asik ni Gerald.
“Hayaan mong matuklasan ni Ira ang ibang detalye sa sarili niya.” seryosong sagot ni Atong. Natigilan naman si Gerald hanggang sa tumango.
“Right. I hope this time, he’ll be okay,” anito.
“Oo nga. Sana naman, maging okay na talaga sila,” ayon niya.
Sabay-sabay silang napabuntong hininga at naghintay ng balita. Ilang sandali pa, nagpaalam na rin si Gerald para pumunta sa Hades’ Lair Malate. Naiwanan tuloy silang dalawa ni Atong at nailang siya ng titigan nito.
“What?” hindi mapigilang tanong niya. Umiikot tuloy ang sikmura niya sa titig nito.
Pinanliitan siya nito ng mata. “Something’s going on, right?” nanatyang tanong nito.
Napabuga siya ng hangin at sinabi ang nasa isip. “Mukhang wala kasing ideya si Ira sa nangyari. Naiisip ko lang, papaano nangyari iyon?” aniya saka napaisip hanggang sa napailing. “Kundi nalaman ni Ira na si Chelsea iyon, ibig sabihin… si Bonsai ang napagkamalan niya dahil siya lang naman ang nagbalik ng sulat. Maybe he saw her, right?”
Natigilan si Atong. Napalunok siya ng mukhang napaisip ito hanggang sa napailing. “Honestly, I don’t have any idea. Hindi naman kasi makwento si Ira tungkol sa ganyan.”
Napabuntong hininga siya hanggang sa napaisip. Iyon pa rin ang laman ng isip niya hanggang sa napaigtad ng maramdamang inakbayan siya ni Atong. Nangilabot tuloy siya sa pagkakalapit nila at napatingala siya rito.
“Don’t think too much. Malalaman din naman natin ang totoo,” ani Atong saka pinisil ang balikat niya. Alam niyang pinagagaang lang nito ang pakiramdam niya at walang malisya iyon pero kinikilabutan siya! Nakukuryente siya sa dagsa ng epekto nito sa sistema niya.
Pumiksi siya rito at kinalma ang sarili. “Oo na. Hindi mo naman ako kailangang akbayan.”
Natawa ito saka napailing. “Why so sensitive?”
Naitirik niya ang mga mata. Alam niyang hinaharot na naman siya nito. Lalo na sila lang ang nandoon. Mas malakas mangharot ito kapag ganoon. Ganoon naman ito sa tuwing may pagkakataon. Siya naman, naaapektuhan at idinadaan na lang niya sa pagsusuplada.
“Come here. Sige na. Naiilang ka pa. We did more than that, remember?”
“Atong!” nabibiglang suway niya. Lalong namula ang mukha niya at naginit ang pakiramdam. Palibhasa, naalala niya agad ang mga nangyari sa hotel. Nag-flash sa memorya niya ang mga halik nito, haplos at pagtatalik nila. Lihim siyang napaungol. Buwisit talaga itong si Atong! Anu-anong pinapaalala at siya naman, nadadala! Na naman!
“You remember, right?” anas nito. Nagkaroon ng init ang mga mata.
“No!” impit na tili niya saka dali-dali itong iniwanan. Narinig na lamang niya ang malakas na tawa nito bago niya isinara ang pinto. Pagkasara noon ay napabuga siya ng hangin. Taas baba ang dibdib dahil sa pagwawala ng puso hanggang sa napailing.
Minabuti na lang niyang umalis at bumalik sa Pen’s Marketing. Tama. Iyon dapat ang atupagin niya: ang negosyo niya. Hindi niya dapat pinapatulan ang mga biro ni Atong dahil mababaliw lang siya.
Napailing ulit siya sa naisip.
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...