15. I'M SORRY

521 31 2
                                    

“Atong…” anas niya. Bigla siyang nanghihina. Mukhang nasaktan niya ito ng husto at nadudurog tuloy ang puso niya. Kinalma niya ang sariling naiiyak na sa sitwasyon. “Hindi na kagaya ng dati ang lahat. Hindi na ako kagaya noon. May mga kani-kaniya na tayong priorities.” mapait niyang paliwanag.

“At hindi ako kasama doon,” mapait na sagot nito.

Napaiyak na siya dahil nahihirapan na rin siya. Ang bigat-bigat sa dibdib na makita itong ganoon. “Yes… May mga plano na akong hindi ka na kasama. Okay na ako, eh. Nakikita mo naman ako ngayon, hindi ba? Naka-survive ako ng wala ka. Please… huwag na nating sirain pa ang kung anumang mayroon ako ngayon dahil alam naman nating pareho na… magkaiba ang mundo natin…” mapait na saad niya. Sa kanya na nanggaling iyon dahil alam naman niya na doon din naman sila nito pupunta.

Sooner or later, hindi rin ito tatagal. Gaya ng sabi nito noon, hindi sila nito bagay. Iba ang buhay nito. Hindi naman lingid sa kanya kung bakit nito nasabi iyon. Atong was the only son of a powerful yakuza in Japan. Madadamay lang siya sa gulo at hindi biro ang mga kalabang sindikato ng pamilya nito. Oo at handa naman siyang harapin iyon pero ipinamukha nito noon sa kanya na iyon ang differences nila. Kung nagbago man iyon ngayon, sigurado pa rin siya na darating ang araw na babalik iyon dahil isa iyong lamat sa kanila…

“I’m sorry, Atong.” naiiyak na anas niya.

“Okay. I… I understand…” anas nito saka tumayo na. Pumatak ang luha niya ng maglakad ito papuntang pinto. Dama niya ang bigat na dinadala nito. Gustuhin man niyang pagaangin iyon, hindi niya magawa. Mayroon din siyang sariling bigat na dinadala na kailangan din niyang pagalingin.

“Hihintayin kita sa ibaba. Ihahatid kita sa San Jose.” malamig nitong saad.

Nagkandailing siya. Kailangan na nilang maghiwalay doon dahil kung sasama pa ito, baka magbago pa ang isip niya at matuksong makipagayos dito.

“Atong—”

“Sa baba lang ako,” malamig nitong paalam hanggang sa binuksan na nito ang pinto at lumabas.

Natutop na lang niya ang buong ulo nang mapagisa. Alam niyang hindi na niya mababago pa ang desisyon ni Atong kaya minabuti niyang sundin na lang ito. Napahinga na lang siya ng malalim bago inayos ang mga gamit.

Pagbaba ay nag-check out na siya. Tahimik lang siya nitong tinulungan sa mga gamit hanggang sa tuluyan na nilang nilisan ang lugar. Tensyonado siya buong biyahe. Ramdam niya ang pagtitimpi ni Atong hanggang sa makarating sila sa San Jose. Itinuro na lamang niya ang bahay dito at napabuntong hininga na lamang siya pumarada ang sasakyan sa tapat nila.

            “Thanks,” malamig na anas niya at lumabas na ng sasakyan. Napahinga siya ng malalim ng hindi na ito nagsalita pa at hinayaan na lang siya. Nang umalis ito, napatingin na lang siya sa papalayong sasakyan. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot.

            Napabuntong hininga na lamang siya at inisip na iyon ang tama: ang talikuran ito bago pa nito gawin iyon sa kanya…

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon