“Mabuti naman at nakuha na ninyo ang perang padala ko. Pasensya na kung hindi ko man lang kayo nasabihan na nagtrabaho ako dito sa Japan. Isinama kasi ako dito ng isang pasyente. Nagustuhan kasi niya ang trabaho ko kaya ako ang ni-request niya sa ospital. Hindi bale, pagkatapos ng dalawang buwan uuwi din agad ako.” tahasang pagsisinungaling ni Penelope kay Peter. Kausap niya ito ngayon sa cellphone. Naiyak na siya sa kalagayan pero pinilit niyang huwag iyong marinig ng kapatid.
Hindi naman siya binabawalan ni Atong na makipag-communicate sa pamilya. Ang numero uno lang nitong batas ay huwag na huwag siyang lalayo dito. Sa loob ng isang linggo, ganoon ang ginawa niya. Inaasikaso ang gamot nito at sinisiguro ang kalagayan. Monitored din vital signs nito pero in case na dumating ang doktora nito ay alam niya ang sasabihin. Maging ang ilang gawain gaya ng pagbibihis ay tinutulungan niya ito. At ang pinakamahirap sa lahat: ang paliligo nito.
Napahinga siya ng malalim ng maalala ang nangyari noong nakaraang araw lang…
Agad nagiwas ng tingin si Penelope ng alisin ni Atong ang roba nito. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib niya. Tila sinasakal din siya ng sandaling iyon dahil na rin sa umaapaw nitong presensya.
At ang mahirap ay hindi niya maiwasang hindi mapatingin dito kahit anong pigil niya. Napalunok siya ng makita ang buong likuran nito. Kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan nito. Nakadagdag sa karakter nito ang tattoo sa likuran.
“What are you waiting for? Help me here,” utos ni Atong.
Tumalon ang puso niya at kinakabahang tumalima. Tinulungan niya itong maupo sa tub na napupuno ng lukewarm water. Nakapuwesto naman siya sa likuran nito. Nilagyan niya ng towel ang kanto ng tub para doon nito ipatong ang braso at huwag mabasa. Balewala lang dito ang kahubdan samantalang siya, pinagpapawisan! Hindi nito alam na nagkakagulo na ang lahat ng cells niya sa katawan dahil sa katawan nito. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya. Hindi siya makapagisip ng tuwid. Hay. Kailan ba matatapos iyon?
“Sabunin mo ang katawan ko,” anas nito.
Gusto na niyang magreklamo dahil hirap na hirap na ang damdamin niya pero sa huli, tahimik lang siyang tumalima. Mahirap ng umangal kay Atong. Baka kung anu-ano pang masasakit na salita ang sabihin nito. Kaya naghihirap man ang kalooban, tiniis niya. Sinabon niya ang katawan nito at maingat na pinaliguan.
“There. That feels so good…” anas nito ng bimpuhan niya ito. Nagwala tuloy ang puso niya sa ungol nito. Gusto na niya itong suwayin pero sa huli, hindi niya ginawa. Ayaw niyang isipin nitong apektado siya. Nakakahiya!
Dahil doon ay binilisan na lang niya ang ginagawa hanggang sa nagpaalam dito.
“I-Ihahanda ko na ang d-damit mo,” natatarantang saad niya. Hindi na niya nahintay na sumagot ito. Dali-dali na siyang lumabas! Pagdating sa walk in closet nito ay panay ang buga niya ng hangin. Hirap siyang makahuma dahil patuloy pa rin niyang naalala ang katawan nito.
Hanggang sa desperado siyang napaungol at natutop ang ulo. Isang malaking parusa ang dinanas niya sa loob lang ng ilang minuto. Lihim siyang nanalangin na sana’y huwag ng maulit iyon. Sobrang hirap! Halos ikabaliw niya ang sandaling iyon…
Napahinga ng malalim si Penelope sa naalala at iniwasang mapatingin kay Atong. Nasa study room sila ng mansion at binabasa nito ang mga reports ng mga tao. Hindi ito pumasok dahil sa kalagayan ng braso.
Kahit papaano, may awa pa rin ito. Kahapon ay binigyan siya ng pera ni Riu para daw sa allowance niya. Agad naman siyang nakiusap na ipapadala na lang iyon sa Pilipinas. Nagbolutaryo naman si Riu na ito na ang lalabas at pumayag naman siya. Hindi naman kasi siya papayagan ni Atong kung magpapaalam siya.
At hayun nga, nakuha na daw iyon ni Peter. Bumuti na rin daw ang tuhod nito at nakakalakad na ng maayos. Natapos na rin kasi ang session ng theraphy nito. Natutuwa siya dahil kahit papaano ay mukhang nakabangon na ito sa trauma.
“Sige na. Ako na lang ang tatawag niyan,” aniya saka tuluyan ng tinapos ang tawag. Huminga muna siya ng malalim bago nilapitan si Atong. Tumayo lang siya sa likuran nito at pinanood ito sa ginagawa.
Maya-maya ay nag-print ito. Agad kinuha ni Riu ang mga papeles sa printer at inilapit dito. Dahil hindi makapirma, ginamitan na lang ng selyo ni Atong ang mahahalagang papeles saka iyon ibinigay kay Riu. “Give this to Debris Inc.,” bilin ni Atong. Agad namang tumalima si Riu at naiwanan silang dalawa ni Atong sa opisina.
“A-Ano iyon? Itutuloy mo pa rin bang ipasunog ang kumpanya?” hindi mapigilang tanong niya.
Mukhang nainis ito dahil sinimangutan siya. “Kontrata iyon na inililipat na nila ang ilang shares sa Yagami Auditing Firm. Hindi na namin kailangang gawin iyon dahil pumayag sila,” iritadong paliwanag nito.
“P-Pero kundi sila pumayag, gagawin mo pa rin?” pigil hiningang tanong niya.
Tinitigan siya nito. Kinabahan siya sa nakikitang galit sa mga mata nito. “Come on. Say it. What are you really trying to imply, huh?” hamon nito.
Napahinga siya ng malalim. “A-Atong, hindi ikaw ito. H-Hindi ka ganito…”
“Kasama,” nagtitimping agaw nito sa sasabihin niya saka napabuga ng hangin. Napaigtad siya ng galit nitong ibagsak sa mesa ang folder na hawak saka siya tiningnan ng masama. “Wala kang pakialam kahit ilang bodega pa ang ipasunog ko para lang makuha ang mga kumpanyang 'yon! Puwede ba? Huwag kang umastang concern! Hindi bagay sa 'yo!” nanggigil na asik nito saka iniwanan. Napaigtad siya ng bagsakan siya nito ng pinto ay napaiyak na lang sa mga palad.
Wasak na wasak ang puso niya sa pagpapamukha nito. Wala siyang ibang magawa kundi iiyak na lang ang sama ng loob. Ramdam niyang bibigay na siya. Tao lang din siya. Napupuno din. Sana, bago dumating sa puntong iyon ay tigilan na nito iyon.
Muli, napaiyak na lang siya sa palad.
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...