“Susunduin namin si Ira. Dito na lang kayo ni Anariz, ha.” untag ni Atong kay Penelope. Napahinga siya ng malalim at tumango. Nagiwas siya ng tingin ng muli siyang titigan ni Atong. Parang binabasa nito pati laman ng isip niya. Palibhasa, nitong huli ay umiiwas na naman siya dahil napapansin niyang laging nauuwi sa ‘bringing back the memories’ ang mga kwentuhan nila.
Naalala tuloy niya ang dating nararamdaman para sa binata. Hirap na hirap na siyang kumbinsihin ang sariling mali iyon. Mabuti na lang ay malapit ng ring ilibing si Bonsai. Bukas na. Siguro naman, matapos iyon ay tuluyan na silang magkakanya-kanya.
“Penelope,” tawag nito kaya napilitan siyang titigan ito. Sana ay huwag na siya nitong tanungin tungkol sa mga naalala nitong items na hindi niya naibigay! God! Dumudugo na ang utak niyang magpalusot.
“Bakit?” pigil hiningang tanong niya.
“Take care, okay?” seryosong sagot nito.
Napatango siya. Napahinga ito ng malalim saka tuluyan ng umalis. Minabuti niyang itinuon ang oras sa burol at sinamahan si Anariz na asikasuhin din ang ibang bisita. Makalipas ang ilang oras, doon naman dumating sina Ira. Bukod kina Atong, kasama din nito ang pamilya at nurse na umaasiste dito. Agad niya itong nilapitan.
Naka-wheelchair ito. Maraming bandages sa katawan. Mukhang hindi pa ito magaling pero pinipilit na maging okay. Mukhang pinapirma ng waiver ang ama nito para payagang makalabas ng ospital. Hindi na siya magtataka kung papaano ito nakalabas. Kilala din ang ama nitong dating gambling lord ng San Jose at maraming koneksyon na maaaring tumulong dito.
“Ira…” anas niya ng umiyak na ito sa tapat ng ataul ng asawa. Naiyak na rin siya dahil sa sakit at pait ng pagkawala ng kaibigan.
Doon siya niyakap ni Atong mula sa likuran. She instantly smelled his manly but lovely scent. It was soothing and calming. His warmth made her warm too. Dahil doon ay saglit niyang nakalimutan ang tungkol sa kanila at pagluluksa ang hinarap.
“Atong…” luhaang anas niya.
“Shh…” anas nito at hinarap siya. Kinabig siya at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. Doon na siya naiyak ng malakas. Lalo siya nitong niyakap ng mahigpit. Naramdaman na rin niya ang panginginig nito. Kinokontrol din ang sarili at nagiging matatag para sa kanya.
“Tahan na. Namamaga na ang mga mata mo,” masuyo nitong anas saka pinunasan ang mga luha niya. Kita rin niya ang matinding kalungkutan nito. Namumula na rin ang mga mata, tanda na naiiyak na rin pero kinokontrol ang sarili.
Kinalma pa rin siya nito hanggang sa wala na siyang mailuha. Iniupo siya nito sa bakanteng upuan at kinuhanan ng tubig. Sina Ira naman ay tinabihan ng mga kaanak nito at nila Gerald. Lumipas ang last night ni Bonsai sa ganoon hanggang sa sumapit ang libing. Dumating din ang mga magulang niya at kapatid para makilibing.
Nang matapos ay sa bahay nila Ira sila dumiretso. Isang simpleng salo-salo ang pinagsaluhan nila. Hindi na sila nagawang harapin ni Ira dahil ibinalik ito sa hospital. Nagkaroon kasi ito ng complains sa pananakit ng katawan.
Pagdating ng alas kuwatro ng hapon ay isa-isa ng nagpaalam ang bisita. Pati ang mga magulang niya at kapatid ay nagpaalam na rin.
“Hindi ka na ba dadaan sa San Jose?” tanong ng ina niya na si Rufina Gengania.
“Dadaan pa ho. Kukuhanin ko lang ang mga gamit ko sa hotel.” sagot niya. Balak din niyang mamili bago umuwi sa San Jose. Hindi kasi siya nakabili ng pasalubong dahil sa kakamadali niyang makauwi. Kahit papaano ay gusto rin niyang mabilhan ng bagong gamit ang pamilya at balak niyang bukas iyon gawin.
Napatango ang ina niya. “Mauuna na kami sa San Jose, anak. Masama ang pakiramdam ng tatay mo dahil sa biyahe.”
Tumango siya at binigyan ng pera ang mga ito. Sandali pa silang nagusap hanggang sa nagpaalamanan na. Kinamayan pa ni Atong ang mga kaanak niya bago tuluyang lumabas.
“Let’s go? Ihahatid na kita sa hotel,” ani Atong ng matapos siyang kumain.
“Okay,” aniya saka malungkot na ngumiti.
Natigilan sila ng tumunog ang cellphone nito. Nag-excuse ito at sinagot iyon. Pagbalik nito at napakamot ito sa sentido. “It was Beth. May kailangan akong pirmahang cheque. Okay lang ba kung dadaan muna tayo sa Hades’?”
“Sure,” aniya. Nagpaalam na sila sa kaanak nila Ira bago umalis. Wala naman siyang nakikitang masama. Mukhang saglit lang naman sila dahil pipirma lang naman ito. Maigi nga ring dumaan siya doon para makapaglibang lang. Alam niyang malulungkot lang siya sa hotel.
Ilang sandali pa ay nilisan na nila ni Atong ang lugar.
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...