EPILOGUE (FINAL)

720 38 10
                                    

"Opening natin ngayon. Dapat, kumanta ang mga anak ng Hades'!" kantyaw ng bokalista ng bandang Toasted Candies na si Jill. Isang sikat na all-girl alternative pop band ang mga ito at sila ang inimbitahan nila Atong bilang special guest para buksan ang ikatlong branch ng Hades' Lair sa Eastwood.

Natawa si Penelope ng sabay-sabay na napakamot ng ulo sina Gerald, Ira at Atong. Panay ang angal din ng tatlo pero tuluyang umugong ang buong Hades' Lair dahil gustong nilang marinig kumanta ang mga ito.

Isang taon na ang nakakalipas magmula ng ipasa ni Atong grupo kay Hiro. Sa ngayon ay maayos naman nitong napapatakbo iyon. Iyon nga lang ay hindi na sila tumuntong din sa Japan. Ibinenta na rin ni Atong ilang ari-arian nila doon at tuluyan ng nanirahan sa Pilipinas. Wala naman silang naging problema sa pagalis nito sa grupo dahil tinulungan ito ni Hiro para sa Joseki nito. Bilang pinuno ay nagawa nitong alisin ang pangalan niya.

Isang simpleng church wedding ang idinaos nila sa Baguio. Dumating ang mga piling bisita at malalapit na kaanak at kaibigan. Naging tahimik iyon pero masaya sila at kuntento. Ang ama naman ni Atong ay wala na rin nagawa sa grupo dahil lumala ang sakit nito. Si Dai ay nabalitaan nilang napatay ng ibang yakuza dahil na rin sa personal nitong atraso.

Matapos ang kasal nila ay tuluyang namatay ang tatay ni Atong. Nakakalungkot lang na hanggang mamatay ito ay hindi nito pinagsisihan ang lahat. Naisip niyang siguro ay may mga taong kagaya nito. Hindi na nakakaramdam ng guilt o remorse. Binulag ng kapangyarihan at yaman.

Sa ngayon ay masasabi niyang hindi pa rin nila ito napapatawad ni Atong pero alam niyang darating din ang araw ay magagawa nila. Hindi lang iyon posible ngayon dahil sa tindi ng damage na ginawa nito sa kanila.

Muli, nagsimula sila ni Atong. Ang dati niyang Pen's Marketing ay binuksan muli nila at nag-resigna na siya sa ospital na pinapasukan. Sa ngayon ay iyon ang pinagkakaabalahan niya. Ang kapatid niya ay nakapasok na sa maganda at malaking architectural firm sa Ortigas. Tumulong si Atong para makahanap ito ng magandang trabaho. Kakilala nito ang mayari kaya naging madali para kay Peter ang makapasok.

Si Charity pa rin ang nakasama niya sa Pen's Marketing. Matapos niyang maikwento ang lahat, doon nito naunawaan at pumayag muling nagtrabaho sa kanya. Humingi rin ng paumanhin si Atong dito na tinanggap din nito sa huli. Sa ngayon ay kasama na niya ito at maganda naman ang kita nila.

Sina Shirley at Mattet naman ay tuluyan ng na-terminate. Matapos makabayad sa loob ng isang buwan, sinibak ang dalawa sa trabaho. Nagiiyak man sila, hindi pa rin nakatulong iyon para muli silang pagkatiwalaan. Sa huli, umalis ang dalawa at hindi na nagpakita.

Si Aya naman ay tinapat na rin ni Atong. Nasabi ni Atong sa kanya na bago ito nag-propose ay pinuntahan din nito si Aya sa Japan. Sinuri nito ang braso at inalis ang sling ng makitang wala ng problema.

Nag-sorry si Atong sa nangyari at inamin na mahal pa rin siya. Hindi naman na iyon ginawang big deal ni Aya dahil mayroon itong sariling problema: kaya ito biglaang pinauwi ng tatay nito noon ay dahil ipinagkasundo ito sa anak ng kaibigan nitong nagmamayari ng ospital. Sa huli ay nakahinga sila ng maluwag. Pinagdasal na lang nila na maging maayos ang buhay nito.

Tuluyan ng nawala ang banta sa kanilang buhay at naging maganda na ang disposisyon nila. Sa ngayon, nakakaya na nilang sagutin ang kantyaw at biro ng mga kaibigan ni Atong. Nakwento kasi ng mga ito na tulong-tulong ang mga ito noong mag-propose si Atong. Kabadong-kabado daw ito noong kumakanta. Lalo daw kinabahan noong nagkadasilang-silang pero tinuloy pa rin nito sa ngalan ng pagpo-propose.

She was indeed happy and contented. Dahil doon, lubos ang pasasalamat niya sa mga kaibigan ni Atong. Kung naiba lang, noong panahong nagsusungit at nagbago si Atong, nilayasan at tinalikuran na ito. Pero pinakita lang ng tatlo na hindi nila ito-tolerate ang maling gawa ng kaibigan at mananatiling nasa tabi lang sila oras na kailanganin sila.

"Oo nga! Kanta na!" kantyaw na rin niya at nagtawanan sina Anariz at Chelsea.

"No!" sabay-sabay na angal ng tatlo. Napahalakhak tuloy sila pero hindi pa rin tumigil. Lalong umugong ang kantyawan sa loob ng bar.

"Okay!" bulalas ni Atong saka napapahiyang umiling. "God... so persistent," angal nito.

Umabrisyente siya rito. "Sige na. Sing for me, please?" lambing niya.

Napabuntong hininga ito at napakamot ng ulo. Napahagikgik siya dahil tumayo na ito at pagbibigyan siya! Ang lakas talaga niya dito. Ngiting-ngiti tuloy siya. "I love you that's why I will do this," anito.

Napangiti siya. Tunaw na tunaw ang puso. Kahit boses ewan, go pa rin! All because he loves her. Aw... she was so touch.

"Gerald! Sige na! Ikaw rin. Hindi mo pa ako kinakantahan magmula ng ikasal tayo," angal ni Anariz.

"Ikaw rin, Ira. Aba, ang suwerte naman nitong si Penelope. Hinamak ni Atong ang lahat para sa kanya samantalang ikaw..." segunda ni Chelsea. Astang nagtatampo talaga dahil humalukipkip pa.

"Okay, okay. Huwag ka ng magtampo. Heto nga. Kakanta na..." ani Ira saka nilambing si Chelsea.

Ganoon din ang ginawa ni Gerald kay Anariz. Hinalikan pa nito ng ubod tagal ang noo bago tinitigan. "Ano bang gusto mong katahin namin?"

Nagkatinginan silang tatlong mga babae hanggang sa napatango. "Sing the song 'The Right Kind of Wrong by Leann Rimes,"

"Pambabae iyon!" angal ni Atong.

"Please... pretty please?" lambing niya. "We love that song. Kung Staring over again ang kanta mo sa akin, iyon naman ang kanta namin sa inyo."

"We have that song in here!" singit ni Jill saka itinuro ang makapal na song book sa harapan nito. Mukhang na-excite talaga sa request nila.

Walang nagawa ang tatlo ng umugong ang palakpakan. Napapakamot sila ng ulong nagtungo sa entablado at nagkani-kaniyang hawak ng mike. Naghiyawan at nagpalakpakan sila ng pumailanlang ang intro ng katang The Right Kind Of Wrong ni Leann Rimes.

"I know all about... yeah about your reputation... and now it's bound to be a heartbreak situation... but I can't help it if I'm helpless... every time that I'm where you are... you walk in and my strength walks out the door... say may name and I can't fight it any more..." kanta ng tatlo. Naluha siya bagaman nakangiti habang pinagmamasdang mukhang nage-enjoy sila.

"Ang suwerte natin dahil minahal tayo ng mga lalaking 'yan," nakangiting saad ni Anariz habang titig na titig sa asawa.

Agad silang napantango ni Chelsea. "Oh, yes. They are good man. They love unconditionally. Yes, we are lucky and we are not stupid to let them go,"

Napangisi siya. "Tama. Tanga lang ang hahayaan silang mawala,"

Nagngitian sila at kilig na pinanood sa entablado ang mga sintunadong asawa. Still, they are proud of them.

"Oh I know... I should go but I need your touch just too damn much... loving you, that isn't really something I should do... I shouldn't wanna spend my time with you... well I should be strong... but baby you're the right kind of wrong!" sabay-sabay na kanta ng tatlo at tuluyang tinapos ang kanta.

Umugong ang palakpakan at bumaba na sa entablado ang mga asawa nila. Nagkani-kaniya naman silang salubong at napasinghap siya ng siilin ng halik ni Atong. Muli, agad siyang nawala sa sarili. Agad siyang tumugon at nangunyapit dito.

"I love you," anas nito sa pagitan ng mga labi nila.

She grinned. "I know. Duh."

Nagkatawanan sila.


***WAKAS***

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon