"ATE, NANDITO si K-Kuya Atong..." kinakabahang untag ni Peter at nanigas ang likuran ni Penelope. Saglit siyang natuliro hanggang sa dali-dali siyang tumayo saka lumabas. Kasalukuyan kasi siyang nagtitingin ng trabaho sa internet. Napagusapan nilang mag-anak na gusto niyang magtrabaho at pumayag naman sila.
Halos isang linggo na silang hindi nagkikita ni Atong at aaminin niya, nalulungkot siya. Lagi niya itong naalala at naiisip. Nagaalala din siya sa gagawin nito. Nakausap na kaya nito ang matanda? Ano kaya ang nangyari? Natatakot pa rin kasi siya hanggang ngayon dahil alam niyang kayang saktan si Atong ng matanda. Sana lang ay huwag ng umabot sa ganoon ang lahat.
Napabuntong hininga siya sa naalala at minabuting lumabas na ng bahay. Wala kasing tao sa sala kaya minabuting tingnan niya ang labas.
At napasinghap siya ng makita si Atong na kausap ang mga magulang niya. Agad bumilis ang tibok ng puso niya ng mapatingin ito sa kanya. Wala na ang galit at kalamigan sa mukha nito. Tanging hiya at lungkot na lang ang nandoon. Bagay na tumutunaw sa puso niya.
"A-Atong..." anas niya ng makalapit. Halos hindi na siya humihinga. Damang-dama niya ang nakakalunod nitong prensensya.Pakiramdam niya ay tumindi pa iyon dahil mas lalo siyang hindi makahuma ngayon. Hindi niya sukat akalaing sa loob ng isang linggong hindi nila pagkikita, ganoon katindi ang epekto nito sa kanya.
Malungkot itong ngumiti sa kanya at huminga ng malalim. "I came here to say sorry about what happened. Nakausap ko na siya at nagkaliwanagan na kami." imporma nito saka natawa ng bahaw. "At alam kong alam mo kung ano ang dapat nating asahan sa kanya kaya... ako na ang humihingi ng paumanhin sa lahat-lahat. Maiintindihan ko rin kung hindi ninyo siya mapapatawad. What he did was unforgivable. Sana, dumating 'yung oras na makalimutan ninyo ang tungkol dito at huwag na kayong matakot pa," nagpapakumbabang saad ni Atong sa sa kanilang lahat.
Halatadong hindi kumportable ang mga magulang niya dahil sa presensya ni Atong. Alam niyang dahil nagka-trauma ang mga ito sa nangyari. Pero dahil sa sinabing iyon ni Atong, naramdaman niyang kumalma ng bahagya ang mga ito.
"Papaano ang tatay mo?" nagaalangang saad ng ama niya.
Kahit papaano, gumaan ng kaunti ang pakiramdam niya dahil hindi niya kinakitaan ng galit ang mga ito kay Atong. Kung tutuusin, never siyang nakarinig sa mga ito ng against sa lalaki. Natutuwa siyang naiintindihan nila ang sitwasyon: na hindi iyon kasalanan ni Atong kundi ang ama nito.
"He's sick. Ipinasa ko na rin sa pinsan ko ang grupo kaya wala na ho kayong ikakatakot. Maayos at malinis ang lahat. Ang tatay ko naman ay hindi na rin makakakilos pa kagaya ng dati kaya asahan ninyong matatahimik na kayo," ani Atong saka sinabi ang lahat. Doon niya naintindihan kung bakit inabot ito ng isang linggo bago nito nasabi iyon. inayos na muna nito ang lahat bago nagpakita.
Doon na tuluyang nakahinga ng maluwag ang pamilya niya at naiyak. Nagpasalamat ang mga ito kay Atong at napatango naman ang lalaki. "Alam kong kulang ang sorry sa lahat ng nagawa niya. Kung may magagawa lang ako, gagawin ko hanggang sa makabawi ako sa inyo..."
Napatango ang ama niya. "Alam naman naming mabuti kang tao, Atong. Kahit ganito ang nangyari, dapat ka pa rin naming pasalamatan dahil nawala na ang takot namin sa tatay mo. Ginawan mo pa rin ito ng paraan para matapos. Sapat na sa amin iyon,"
Napayuko si Atong. Halatado ang matinding hiya dahil sa ginawa ng ama. Natunaw ang puso niya dahil doon. Gusto niya itong yakapin pero pinigilan niya ang sarili.
"Salamat ho," nahihiyang anas nito saka siya malungkot na tinitigan. "You'll be okay now, Pen,"
Napaiyak na siya at niyakap ito. Sobrang thankful siya dahil sa kabila ng mga nangyari, naayos pa rin ang lahat. Sapat na rin sa kanyang nakalaya sila mula sa tatay nito lalong-lalo na ito. Nakaalis na ito sa kapalaran bilang lider ng yakuza. Wala ng burden sa balikat nito at masaya na siya para dito.
"Take care, okay?" anas nito saka masuyong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinalikan ng matagal ang noo niya.
Pumatak ang luha niya. Ramdam niyang ayaw siya nitong pakawalan pero gagawin nito para tuluyan silang makausad pareho. Alam niyang kahit na nakalaya na sila nito sa matanda, nandoon pa rin ang ilang doubts at hesitations. Siya rin ay hindi pa rin niya masasabing naka-move on na sa mga nangyari. Pareho nilang kailangan ng oras para maging emotionally ready kung gusto nilang magmahal ulit.
"Atong..." luhaang anas niya.
"Good bye, Pen," anas nito saka siya tuluyang binintawan.
Natutop na lang niya ang bibig para huwag maiyak ng malakas nang tuluyan ng sumakay sa itim na SUV si Atong kasundo si Riu. Agad siyang niyakap ng ina at pinatahan. Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang umiiyak hanggang sa tumigil.
At nang wala na siyang mailuha, binalot naman siya ng matinding kalungkutan. Salamat na lang dahil nasa paligid niya ang pamilya. May mga taong nagpapagaan pa rin ng damdamin niya. Kahit papaano ay nakatulong iyon para umayos ang pakiramdam niya.
At sana ay magtuloy-tuloy na iyon para na rin makausad na siya nang tuluyan...
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...