52. I LOVE HER

393 22 2
                                    

"PARE, OKAY ka lang? Tahimik ka na naman," untag ni Gerald kay Atong saka tinapik ito sa balikat bago naupo sa sarili nitong puwesto. Si Ira naman ay tahimik lang sa table nito at nagtatrabaho pero alam niyang kahit tahimik ito, nakikiramdam naman.

It's been a months since everything ended. Kay Hiro niya ipinasa pamumuno at maganda naman ang naging bunga. Nirespeto naman iyon ng buong grupo at sa ngayon ay si Hiro na ang namumuno sa grupo. Ibinenta na rin niya ang lahat ng ari-arian nila at wala na siyang babalikan pa sa Japan.

Ang ama niya ay walang nagawa sa desisyon niya. Mukhang lalong nakasama sa kalagayan nito ang nangyaring pagtatalo nila. Balita niya ay lalo pa itong humina. Mukhang na-stress pero gayunman, ipinagpasadiyos na niya ang kalagayan nito.

Isang buwan na rin silang hindi nagkikita ni Penelope. Matapos niya itong makausap noon sa Baguio—sinadya niya pa ito para personal na makahingi ng tawad sa pamilya nito at dito—ay hindi na siya bumalik sa Japan. Nag-concentrate na siya sa Hades' Lair. Kinausap din niya ang mga kaibigan. Sa pagkakataong iyon ay naging honest na siya at naintindihan naman nila.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nangyari na tinanggap naman nila sa huli. Sinuportahan siya sa desisyon ng mga itong mag-concentrate sa bar at mula noon ay lagi na siyang pumapasok doon. Doon niya inabala ang sarili dahil kundi niya gagawin iyon, masisira ang ulo niyang kakaisip kay Penelope.

He was missing her terribly. Gustung-gusto niya itong makita at makasama. May mga gabing hindi siya makatulog. Minsan ay natutukso na siyang tawagan ito at kumustahin kahit sandaling lang pero sa huli ay nakakahiyaan niya. Habang tumagal, lalo siyang nahihiya dito. Pakiramdam niya, hindi na siya nababagay dito. Naging lider siya ng yakuza. May mga masasamang bagay na siyang nagawa. Naging alanganin na siya dito.

Idagdag pang pinahirapan niya ito noon. Ano na lang ang mukhang maihaharap pa niya rito pagkatapos na lang ng mga ginawa niya?

"Tahimik dahil iniisip niya si Penelope. Ewan ko ba naman kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya kumikilos. Kailangan pa yatang mayroong lalaking mauna sa kanya bago pa siya matauhan," ani Ira saka napailing. Mukhang hindi makatiis na mag-comment!

Natigilan siya sa narinig hanggang sa napatingin sa mga ito. Bigla siyang kinabahan sa ideyang isinaksak ni Ira sa isip niya hanggang sa kabado siyang natawa. "Wala lang akong maisip na ikwento kaya—"

"Pare, umamin ka na. Gusto mo bang kami pa mismo ang magkwento na tuwing nalalasing ka, hinahanap mo si Penelope? Puro ka na lang Penelope. Mula noon, hanggang ngayon, walang nagbago. Tapos itatago mo pa? Puwede ba, pare? Umamin ka na para maturuan ka ni Gerald ng technique," putol ni Ira sa sasabihin niya. Bigla tuloy naginit ang tainga niya sa pagkapahiya. Ilang beses na sila nitong naginuman at lagi siyang nakakatulog sa kalasingan. Lagi na lang siyang inuuwing lasing ni Riu. Nakakahiya na nga sa personal assintant niya. Dahil doon ay iniiwasan niyang mapainom ng marami. Baka mamaya, pati rin dito ay marami na siyang naibulgar na kwento!

Nagulat si Gerald sa huling sinabi ni Ira. Natawa ito ng makahuma. "Ano'ng ako? Baka ikaw! Sino ba sa atin ang naglinis sa salon para mapatawad?" kantyaw nito kay Ira.

Napangisi si Ira. "At sino naman sa atin ang nagbalik ng negosyo ng babaeng mahal para lang mapatawad din?" pambubuko ni Ira kay Gerald.

"Oo na!" natatawang sagot ni Gerald saka napailing. "Si Atong dapat ang tulungan natin. Puro ka biro," anito kay Ira saka humarap sa kanya. "Nakwento mo naman na ipinasa mo naman sa iba ang grupo. Ipinaglaban mo si Penelope sa tatay mo. We admire you because of that and we are proud of you. Sa tingin ko, wala naman ng problema. What's holding you back then?" tanong ni Gerald.

Napabuntong hininga siya at napaisip. Hindi pa niya nasasabi ang saloobin sa mga kaibigan hanggang sa minabuti niyang maging totoo na.

Saglit na natigilan ang dalawa hanggang sa napahinga ng malalim. Tumayo si Gerald saka naupo sa silya sa harapan niya saka siya marahang tinanguan. "Naiintindihan kita sa nararamdam mo pero papaano? Hanggang doon na lang?" seryoso nitong tanong.

Napaisip siya. Magpapaliwanag sana siya pero si Ira naman ang tumayo. Ganoon din ang ginawa nito. Naupo din sa tapat niya saka siya seryosong tiningnan. "Ako ito lang ang tanong ko. Mahal mo ba si Penelope?"

"Yes," agad niyang sagot. "There's no doubt about my feelings. Alanganin ako sa sarili ko, ang pagkatao ko, ang buhay ko at pangalan. Ibibigay ko ito ng buo sa kanya na ubod ng dungis. Papaano niya ako maipagmamalaki ng ganito ako..." nahihiyang sagot niya.

Hayun. Inamin na talaga niya sa iba ang dilemma. Nakapanliliit at bumigat tuloy ang dibdib niya.

"Pare, lahat tayo dito, madumi. Pero kahit na 'marumi' tayo, may mga babaeng minahal pa rin tayo sa kung ano tayo. Nahanap natin ang mga babaeng iyon. Hindi namin pinakawalan ni Ira sina Anariz at Chelsea. Ikaw? Pakakawalan mo ba si Penelope na noon ka pa minahal?" nanantyang tanong ni Gerald.

"No... I-I don't want to do that..." anas ni Atong. Ang lakas ng kabig ng dibdib niya. Maisip pa lang na pakakawalan na niya ng tuluyan si Penelope ay nagbibigay ng matinding tako na sa kanya.

"Mahal mo naman siya. Iyon lang naman dapat ang mahalaga at isipin mo, Atong. Mahal mo siya at magagawa mong isang tabi ang lahat ng dilemma mo para makasama siya." sagot naman ni Ira na siyang tuluyang pumutol ng lahat ng alinlangan niya.

Biglang nanikip ang dibdib niya. Saglit siyang nalito. Hindi niya alam ang unang gagawin! Gusto niyang makita, makasama, mayakap at mahalikan si Penelope. Lahat-lahat! Pero papaano niya gagawin iyon kung nandoon siya?

"Whoa!" biglang bulalas ni Ira ng tumayo siya. Pati si Geraldm nagulat din! Pero kahit nagulat ang mga ito, wala na siyang pakialam. Agad na siyang umalis sa bar at sumakay sa sasakyan. Nagtaka man si Riu sa maaga niyang paglabas, hindi na ito nagtaka ng sabihin niyang puntahan nila si Penelope sa Baguio. Agad-agad! Bibiyahe siya.

Ngumiti ito. First time! Ngumiti ang poker faced niyang assistant! Mukhang pati ito ay masaya sa gagawin niya. Tahimik ito sa buong panahong pananahimik niya sa Hades' Lair pero ngayong pupuntahan nila si Penelope, mukhang natuwa ito.

"You should buy flowers. Or chocolates," suhestyon nito mayamaya.

Gusto niyang matawa. Sa unang pagkakataon ay nakaringgan niya si Riu ng ganoong suhestyon. Para tuloy itong nakatatandang kapatid na tinuturuang manligaw ang kapatid.

"Okay, okay," kabadong sagot niya dahil kinakabahan pa rin siya sa gagawin.

"I am happy for you," simple nitong bati.

Ngumiti na siya. Damn, he's excited! Saglit siyang nalito sa kung ano ang gagawin. Buong biyaheng hindi siya mapakali. Ang sarap niyang batukan! Hanggang sa natawa na lang siya sa sarili. Hindi pa rin talaga kumukupas ang damdamin niya kay Penelope. Alam niyang hindi na rin mangyayari iyon.

Dahil alam niyang ito lang ang mamahalin niya habang nabubuhay siya...

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon