50. FACING THE MONSTER

444 26 10
                                    

"HOW'S EVERYTHING? Naihatid mo ba siya hanggang sa Baguio?" malamig na tanong ni Atong kay Riu. Kasalukuyan silang nasa Yagami Towers. Doon na niya ito hinintay. Tinapos na niya ang lahat ng pendings doon para oras na maipasa niya ang grupo sa iba, wala na siyang maiiwanan trabaho at magiging problema. Maipapasa niya iyon ng malinis at maayos.

Nagdesisyon na siyang tapusin ang lahat. But before that, he wanted to talk to his father. Sobra na ito. Hindi niya kinaya ang kasamaan nito. Pati siya ay kaya nitong saktan! Hindi siya makapaniwala sa lahat ng natuklasan.

He planned everything. Magmula sa condo unit ni Penelope, natuklasan ni Riu ang lahat. Base sa mga naunang kuha ng CCTV, nahagip ng camera si Dai hanggang sa naputol ang kuha. Kinompronta ito ni Riu at nagkaroon ng labanan hanggang sa napaamin nila.

Sa ngayon, hawak nila ang kanang kamay ng ama niya. Kumanta ito at iyon ang ginamit ni Riu na impormasyon bilang katunayan na ang tatay nga niya ang nag-set up ng lahat. Ang CCTV sa ospital kung saan naka-confine dati ang mga magulang ni Penelope ay hawak din nito at nakuha iyon ni Riu sa bahay nito.

Napanood niya iyon at nawasak ang puso niya ng mapanood ang lahat. Nahagip din ng video ang dalawang van kung saan isinakay si Penelope. Paglabas nito ay kasunod na ang mga magulang at kapatid na pinagbubugbog samantalang wala na siyang malay noon.

Mas gugustuhin pa nitong patayin siya kung hindi lang siya pakikinabangan. Ang pait-pait sa puso niyang malaman na mas mahalaga ang grupo nito kaysa sa anak nito. Doon din niya naunawaan kung bakit hindi ito kumontra noong sabihin niya ang pagpapakasal kay Penelope. May pinaplano pala itong masama!

Wala pang nakakaalam ng plano niya dahil ayaw niyang mabulilyaso. Pagkatapos na lang ng mga nalaman niya, iyon lang naman talaga ang dapat niyang gawin. Kundi lang siya hahabulin ng mga kagrupo, iiwanan niya ang mga iyon ng ganoon na lang. Pero dahil alam niyang hindi ganoon kadali ang pagalis, kinailangan niyang i-turn over iyon ng maayos sa mga kasamahan.

"Yes. Nakauwi na si Penelope sa kanila." malamig na sagot nito.

Napatango siya at muling napatitig sa labas ng bintana. Inalala niyang muli ang lahat at bumigat ulit ang pakiramdam niya.

Sising-sisi siya sa ginawang pananakit kay Penelope. Wala na siyang mukhang maihaharap pa. Nang malaman niya ang lahat, pakiramdam niya ay ang sama-sama niyang tao. Ni hindi na nga niya ito nagawang protektahan mula sa ama, tinakot pa niya ito, ginipit at ginantihan. Ilang buwan na iyon ang inisip niya: ang gantihan ito na kung tutuusin ay hindi niya dapat ginawa dahil natakot ito.

Pakiramdam niya ay siya ang naging mahina sa kanilang dalawa. Nagpadala siya sa galit at sama ng loob. Hinayaan niyang iyon ang bumago sa kanya. Naging masama siya dahil sa pinagdaanan niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya nababagay kay Penelope. Namantsahan na siya ng husto dahil na rin hindi lang siya basta naging miyembro ng yakuza kundi naging leader pa. Hindi siya nababagay sa isang napakabuting babae gaya ni Penelope.

Dahil doon ay bumigat ang pakiramdam niya. Nabuntong hininga siya at malungkot na napatitig ulit sa kawalan.

Napaigtad na lang siya ng maramdaman ang mahinang pagtapik ni Riu sa balikat niya. Hindi niya ito nilingon pero tumayo ito sa tabi niya at tiningnan din ang buong Tokyo.

"Ano'ng plano mo ngayon?" malamig na tanong nito.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Kakausapin ko si dad. Kailangan naming magharap. Hindi ko mapapalampas itong ginawa niya," aniya saka sinabi ang lahat.

Natapango ito. "I understand. Gusto mo bang dalhin ang mga tao mo? Kakausapin ko na sila. Sabihin mo lang,"

Tumango siya. Hindi lang basta isang ama si Ike Yagami kundi dating lider. Siguradong hindi simpleng paguusap ang mangyayari sa kanila oras na sabihin niya ang lahat.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon