“How do I look?” nakangiting tanong ni Penelope kay Charity. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. She was wearing black halter dress. Hanggang itaas ng tuhod iyon. Stilettos naman ang suot niya sa paa. Simple ang make up niya at umaasa siyang maging maganda pa rin. Nagkatunog na ang ngiti niya ng mag-thumbs up si Charity sa kanya.
Nagbaon siya ng damit para sa date nila ni Atong. Usapan na nila iyon ng nakaraang gabi. Isang linggo na sila nitong okay at nagkaliwanagan. Sa ngayon ay ine-enjoy nila ang moment at panahon na nawala sa kanila dahil sa mga naging problema nila. Tumupad ito sa pangakong babawi ito. Araw-araw, pinasasaya siya nito.
“Mukhang may date ka,” nakangiting komento ni Charity.
“Oh, yes. Ikaw na ang bahala dito, ha.” aniya saka binilinan ito. Maasahan naman ito kaya kampante siyang mauna ng lumabas. Agad naman itong tumango saka ipinagpatuloy ang trabaho.
Doon naman dumating si Atong. Agad siyang ngumiti ng makita ito. “Wow…” anas nito saka siya hinagod ng tingin. Agad natunaw ang puso niya ng makita ang paghanga sa mga mata nito.
“Bagay ba?” aniya saka umastang modelo. First time siya nitong makitang ganoon ang suot at natutuwa siyang mukhang nagustuhan nito.
“Bagay na bagay.” buong paghangang anas nito at naginit ang puso niya. Ang tagal niyang pinangarap na tingnan siya ni Atong ng ganoon. Ngayong nangyayari na, sobrang saya ang dala noon sa puso niya.
“Ikaw rin. Bagay na bagay mo iyang suit mo,” lambing niya saka inayos ang kuwelyo nito. Napakagat siya sa ibabang labi ng makitang titig na titig ito sa kanya. Naginit tuloy ang pisngi niya. Hanggang ngayon, may kakaibang impact pa rin ang mga titig ni Atong sa kanya.
“Saan mo ako dadalhin ngayon?” lambing niya.
“Surprise. Let’s go,” anas nito saka siya inalalayang makalabas at isinakay sa Mustang nito. Kilig na kilig siya sa mala-prinsesang pagtrato nito sa kanya. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya hanggang sa makarating sa isang five star hotel.
Tahimik siya nitong inalalayan papasok sa mamahaling restaurant ng hotel at nagtaka siya kung bakit parang walang ibang tao doon. Agad silang sinalubong ng supervisor at dinala sa isang panig ng mesa na naka-set. Mukhang naipa-reserve na iyon ni Atong.
“Baka naman mahal dito. Walang kumakain, eh,” komento niya ng sila na lang ni Atong at umiinom ng wine.
“Hindi naman. I-I rented the whole place, that’s why,” anito at parang nahiya pang sabihin! Bahagyang namula ang tainga nito saka napatikhim. He was so cute! Ang sarap nitong panggigilan!
“Really? Wow…” hindi makapaniwalang anas niya ng makahuma. He rented it for her! She was really flattered.
Doon sinenyasan ni Atong ang supervisor saka dinala ang pagkain nila. Impressed siya. Masarap ang beef tenderloin at wine na inihanda. Sinamahan pa iyon ng lambingan nila ni Atong. Buong-buo na talaga ang gabi niya.
Gabi na ng magpasya silang umalis. Hinatid siya nito sa condo at inaya niya itong magkape. Muli, nagkwentuhan sila at nagbiruan hanggang sa mauwi na naman sa throwback ang topic!
“Umamin ka na! Fifteen years old pa lang tayo, gusto mo na rin ako. Nagiinarte ka lang!” kantyaw niya rito.
“Yes!” bulalas nito at napabuga ng hangin.
Napahalakhak siya. Kilig na kilig dahil sa nalaman. Gusto niyang gumulong pero nag-behave siya. Mamaya na lang. Kapag magisa na lang niya. Nakakahiya kung ipapakita niya pa iyon dito.
“Ang arte mo noon. Pinahirapan mo ako. Aba, dapat paghirapan mo rin ako ngayon,” aniya saka napaisip ng mga gustong ipagawa dito. Napapitik siya ng may maisip. “Bigyan mo rin ako ng flowers. This time, I want it every day.” demand niya.
“Yes, boss.” agad nitong saad saka sumaludo. Natawa tuloy siya rito hanggang sa natigilan siya ng haplusin nito ang pisngi niya saka sinuksok sa tainga ang ilang hibla ng buhok niyang nalaglag.
“You’re so… beautiful…” anas nito saka siya masuyong tinitigan.
“Atong…” pigil hiningang anas niya. Nalulunod na naman siya sa titig at haplos nito.
“Will this beautiful lady let me kiss her?” masuyong anas nito saka inilandas ang hintuturo sa labi niya. Nanikip ang dibdib niya at nakaramdam siya ng boltahe na kumalat sa buong sistema niya.
“Y-Yes…” pigil hiningang anas niya. Nahigit niya ang hininga ng marahan itong yumukod at ginawaran siya ng matamis na halik. Agad siyang nalango. Nakalimot na naman siya. Wala siyang ibang gusto kundi ang tumugon. Dinama niya ang ritmo ng labi nila. Mula sa paghinga at kilos ng mga labi. And his kisses were making her so damn hot and wild. She moaned in delight. Kaya ng bigla nitong itigil ang mainit na halik na iyon ay hindi pa siya agad nakahuma. Nakapikit pa rin siya at nagiinit ang mga labi.
“I love you, Pen…” masuyong anas ni Atong saka siya muling hinalikan. Agad siyang nagpaaubaya. Tuluyang naputol ang kaunting pagtitimpi niya. That kiss made her happy too. And if ever they will stop that, she’ll lose her mind too…
Mainit ang naging pagtugon niya sa halik ni Atong. Napapaungol ito sa luwalhati at kakaibang sensasyon hatid noon.
And that kiss lead to another. She found herself making love with Atong. He was behind her and she was leaning against the wall. She called Atong when he buried himself deep inside her and gave a final thrust.
Atong sealed that thrilling moment with one deep kiss. And right there and then, she realized how much she loved Atong. She will stay with him, forever…
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...