17. DROP IT

453 27 0
                                    

            Hanggang sa napaiyak na lamang siya. Hindi siya natakot o nakaramdam ng pagkailag dahil sa mga nalaman pero mas lalo naman siyang nasaktan. Lalong tumindi ang lamat ng tsansang makatuluyan si Atong. Maging okay man sila nito ngayon, siguradong oras na dumating ang peligro sa buhay nito at ititigil din nito ang pakikipagrelasyon sa kanya.

            “Pangako, magiging maayos ang lahat. I will take good care of you. I will do everything to make you safe,” nagsusumamong pangako ni Atong. Nasa mga mata ang sinseridad at katapatan. Dahil doon ay muntikan na siyang matangay…

            Pero sa kabila noon ay pinili niyang huwag magpaapekto. Sabi nga niya sa sarili ay kailangan niyang maging wise. Kahit mahal pa niya ito at hindi nagbago ang pagtingin niya dahil sa natuklasan, kailangan pa rin niya itong iwan para huwag masaktan…

            Luhaang napailing siya rito. “I’m sorry… I-I can’t. Ayokong dumating ang araw na iwanan mo rin ako ng dahil dito. K-Kalimutan na lang natin ang isa’t isa, Atong. This time, ako naman ang pagbigyan mo. Let me go,” malamig niyang anas. Durog na durog ang puso.

            Natulala ito hanggang sa lumarawan ang matiding sama ng loob sa mukha nito. Napatingin ito sa malayo at napakurap-kurap hanggang sa nanlumong napatitig sa kanya.

            “Papaano ang mga nangyari sa atin sa hotel?” pigil hiningang saad nito. “Hinayaan kita noon para makapagisip ka kahit nasaktan ako sa mga sinabi mo. Pero ngayon hindi ako papayag na ganoon na lang,” hindi pa rin sumusukong sabi nito.

            Natawa siya ng bahaw. May isang panig ng puso niya na natutuwa dahil gusto siya nitong panagutan pero may isang panig din ng puso niya ang umaayaw. Bakit? Dahil hindi naman iyon tama. Kahit mahal niya si Atong, hindi naman ganoon kasimple ang lahat. Hindi naman sa wala siyang pakialam sa sarili pero alam niyang hindi iyon sagot sa lahat.

            “Wala akong plano sa nangyari. I-It’s not even important to me,” tahasang pagsisinungaling niya saka ito tuluyang iniwan. Tuloy-tuloy siyang lumabas at mahina siyang napamura ng abutan siya nito sa parking lot. Pinilit siya nitong iharap at napabuga siya ng hangin ng makitaan ito ng inis. Mukhang hindi nito nagustuhan ang mga sinabi niya.

            “Penelope—”

            “Ano ba!” singhal niya dahil hirap na hirap na rin siyang kontrolin ang nararamdaman. Pumiksi siya at minabuting galitin ito para tantanan siya. Alam niyang hindi siya nito titigilan. Mangyayari lang iyon kapag ginalit niya ito ng husto. “I-It was casual and it’s normal. Besides, I was drunk that time. N-Nalulungkot din ako kaya pumayag ako.”

            “W-What?” hindi makapaniwalang anas nito.

            Pinanindigan na niya dahil alam naman niyang wala din namang patutunguhan ang lahat. “It’s nothing. Just drop it, okay?”

            Nagdilim ang mukha nito. Saglit siyang natakot sa ekspresyon nito hanggang sa naisip niya, wala siyang dapat na ikatakot. Kaysa naman umasa siya at masaktan lang, mas magandang doon pa lang ay itigil na nilang lahat.

            “Ibang klase ka rin palang malungkot.” anas nito. Madilim na madilim ang mukha. Mukhang labis niya itong ginalit sa mga dahilan niya. Napabuga ito ng hangin. “You know what? You’re right. Let’s drop it. Nalulungkot ka lang pala. Sana, sinabi mo para naman hindi lang iyon ang ginawa ko,” pang-iinsulto nito.

Nanginig ang baba niya. Pigil na pigil niya ang sariling huwag mapabunghalit ng iyak dahil sa labis na pagkakainsulto. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang umalis. Hindi na niya kayang tagalan iyon.

            “R-Right. Good bye, Atong,” malamig na paalam niya. Durog na durog ang puso niya pero pinilit niyang magpakatatag saka ito tuluyang iniwan.

Agad na siyang pumara ng taxi at doon napabunghalit ng iyak. Hindi na niya alam kung papaano nakarating sa hotel pero natagpuan na lamang niya ang sariling nagiiyak sa silid. Hindi na niya alam kung gaano siya katagal umiiyak hanggang sa natulala na lamang siya ng wala ng mailuha. Wasak na wasak ang kalooban. Hungkag din ang pakiramdam.

Muli, naluha siya at sumumpang iyon na ang huli. Sana lang ay hindi na muli pang mag-krus ang landas nila ni Atong …

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon