48. SEPARATE LIVES

351 23 2
                                    

"Kumain ka na muna ng agahan para makainom ka ng gamot," untag ni Penelope kay Atong habang abala ito sa pagtipa sa keyboard. Ang aga nitong nagising. Iyon agad ang hinarap nito. Sa pagkakaalam niya ay pinadadala thru emails ang mga reports at documents na kailangan nitong pagaralan mula sa Japan. Mukhang tambak iyon dahil kanina pa ito nagta-trabaho.

Mag-iisang linggo na sila sa Pilipinas. Gusto sana niyang dalawin ang mga kamaganak pero nagaalangan siyang magpaalam. Nagkakasya tuloy siya sa pagtawag-tawag kay Peter. Gusto na rin daw nitong magtrabaho kaya naghahanap-hanap na ito sa Baguio.

Wala din naman siyang magawa dahil alam niyang hindi rin niya mapipigilan ang kapatid sa mga plano nito. Kahit papaano ay kuntento na siya sa kaalamang maayos na ang mga magulang niya.

"Thank you," malamig nitong sagot. Ni hindi ito nagabalang tingnan siya. Napabuntong hininga siya at lumabas.

Doon niya nasalubong si Riu. May dala itong attaché case. Gusto niya itong tanungin kung bakit mukhang sa kabila ng pagiging poker face ay haggard na haggard ito. Parang galing ito sa misyong sobrang hirap.

Gayunman, lumampas na ito para magtungo sa opisina ni Atong kaya hindi na niya ito nagawang tanungin. Napabuntong hininga siya at minabuting magtungo sa silid na nakalaan sa kanya. Tinawagan niya ang kapatid saka kinumusta. Sakto namang nasa bahay din ito kaya nakausap din niya ang mga magulang. Hindi na niya napansin kung ilang minuto na sila nito naguusap hanggang sa ipasang muli ng ina niya ang cellphone kay Peter.

"Ikaw 'te? Kumusta ka na? Hindi ka pa rin ba natutunton ni Kuya Atong?" tanong ni Peter.

Napabuntong hininga siya. Dahil alam niya ang trauma na hatid ni Atong sa pamilya ay minabuti niyang magsinungaling. "H-Hindi. Nagtatago pa rin ako para hindi niya ako makita dahil—"

"Dahil ano? Dahil alam ninyong lahat na magagalit ako oras na malaman kong kagagawan itong lahat ng tatay ko!"

Napaigtad siya sa singhal ni Atong sa likuran niya. Nabitawan tuloy niya ang cellphone sa pagkagulat. Kinabahan siya sa nakikitang galit at sama ng loob nito. Bago pa siya makapagpaliwanag, pabalabag nitong binitawan sa kama ang mga folders, medical records ng ama at kapatid niya pati ang litrato nila noon sa ospital. Kuha iyon sa CCTV ng ospital at parking lot saka pina-print ni Riu. Kinakabahang inisa-isa niya iyon at nanginig siya.

Bumalik ulit sa isip niya ang mga nangyari. Naalala niya ang duguang si Atong, ang ama at pagkakahimatay ng nanay niya. Pati na rin ang paghataw kay Peter, naalala niya. Nanginig siya at naiyak dahil sa bangungot na iyon. "A-Atong..."

"How could you hide this from me!" singhal ni Atong. Bakas na bakas ang matinding poot at hinanakit. Namumula ang mukha at mata nito.

Napahagulgol siya sa nakikitang galit nito. Hindi niya kayang makita na abot hanggang langit ang galit nito, ang bigat-bigat na noon sa puso niya.

"W-Wala akong choice!" luhaang bulalas niya at inamin ang lahat saka napahagulgol sa mga palad. "Papatayin niya tayong lahat! Sobrang natakot ako... h-halos mabaliw ako noon kaya pinili kong iwan ka..." luhaang amin niya.

Napamura ito at napaigtad siya ng sipain nito ang silya sa gilid ng kama niya. "At iniwan mo ako kung kailan kailangan kita... how could you?" naghihinanakit na anas nito. Nasa mga mata ang matinding sama ng loob at naluha na.

Luhaang napailing siya. "I-I'm sorry... takot na takot na ako noon... Patawarin mo ako kung naging mahina ang loob ko... kung hindi ko kinayang kumapit pa noon sa'yo... Atong, pamilya ko na ang nadamay... Ikaw na rin ang sinasaktan ng tatay mo... wala akong ibang ginusto noon kundi iligtas kayong lahat... Patawarin mo ako kung sobra kitang nasaktan... Atong, masakit din sa akin iyon... Torture sa akin iyon at hanggang ngayon, dala-dala ko iyon sa puso at isip ko..." nagsisising paliwanag niya.

"Shit..." nanghihinang anas nito saka napaupo sa ibaba ng kama. Napaiyak siya sa nakikitang frustrations at depresyon nito. "Shit... I trusted him... nakinig ako sa kanya pero kagagawan pala niya ang lahat... pati si Gani... lahat ng taong walang kinalaman... dinamay niya... all these for Yagami group! Para lang mapapayag ako... ginawa niya lahat para lang sa grupo..." disappointed na saad nito.

"Atong..." luhaang anas niya. Awang-awa siya rito. Nakakadismaya sa parte nito na napaikot ito ng sariling ama sa lahat.

"I-I'm so sorry. I-I just don't know what to say anymore. Ang dami ng nasira. H-Hindi ko na alam kung papaano pa kita haharapin..." naghihirap na anas nito. Natutop nito ang buong mukha at saglit itong hindi nagsalita. Taas baba lang ang balikat nito. Tahimik itong umiiyak at dumudurog iyon ng husto sa puso niya.

"A-Atong..." umiiyak na tawag niya rito. Lumuhod siya sa tabi nito at hinawakan ito sa balikat. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan nito. Maski siya ay iyon din ang nararamdaman. Parang hindi na sila nito magkakaayos pa dahil sa tindi ng damage na nakuha nila sa mapanira nitong ama...

Napailing-iling ito. Desperado itong napahagod sa buhok at napatingin sa malayo. Sumakit ang dibdib niya ng makitang pulang-pula na ang mga mata nito at ilong. Tanda na naiyak din ito sa sitwasyon.

Nang muli siya nitong tingnan ay napayuko siya. Hindi niya kinayang salubungin ang sama ng loob at uncertainty sa mga mata nito.

"A-Alam kong hindi sapat ang sorry dahil hindi man lang kita nagawang protektahan sa tatay ko at pinahirapan pa kita kaya... tinatapos ko na ang lahat."

Lalo siyang naiyak. Aaminin niya, masaya siya dahil nagkaroon na rin ng katapusan ang paghihirapa niya pero sa kabilang banda, ang sakit-sakit noon sa puso niya. Sa pagkakataon ngayon ay kailangan na nilang maghiwalay ng landas...

Huminga ng malalim si Atong saka tumayo na. "I-Ipahahatid na lang kita kay Riu." malamig nitong saad.

Napatayo tuloy siya at nataranta. Kahit alam niyang tapos na sila nito, nabibigla pa rin siya. "A-Atong..."

Malungkot siya nitong tinanguan. "Don't worry. I will never bother you again," pinal na saad nito.

Napaiyak na lang siya ng tuluyang iwan ni Atong sa silid. Nanghihinang napaupo na lang siya sa ibaba ng kama at nasapo ang mukha. Iyak siya ng iyak at hindi makapaniwala sa naging paguusap nila.

Dapat, masaya na siya. Mukhang tapos na ang pagpapahirap nito sa damdamin niya pero bakit ganoon? Wala siyang makapang kaligayahan? Pakiramdam pa nga niya ay mas lalo siyang nalungkot.

Lalo siyang naiyak sa naramdaman.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon