14. MISTAKE

482 33 0
                                    

“OH…” ungol ni Penelope at napahawak sa ulo. Napangiwi siya dahil parang biniyak ang ulo niya sa sakit. Naliyo siya ng pinilit niyang kumilos kaya minabuti niyang huwag munang gumalaw at pinahupa ang sakit ng ulo.

            Napaigtad siya ng maramdamang mayroong yumakap sa kanya. Napamulagat siya. Nakatalikod siya sa taong iyon kaya hindi niya agad makita kung sino. Pero amoy pa lang, may idea na siya. Pati ang init ay pamilyar din sa kanya. Nanikip ang dibdib niya ng bigla siyang dagsain ng mga alaala…

Biglang kumabog ang dibdib niya. Tipsy na siya ng nakaraang gabi. Kahit may tama siya ng alcohol, aware pa rin siya sa nangyari. Alam na alam niyang bumigay siya at hinayaang angkinin ni Atong…

            Oh, shit… nanghihinang ungol niya at napalunok. Tuluyang nawala na ang sakit ng ulo niya. Wala siyang ibang naiisip ngayon kundi papaanong haharapin ito. Aminadong hindi na siya nagisip ng nagdaang gabi. Aminadong ayaw niyang magisip noong halikan niya ito. Sa madaling salita, ginusto niya iyon.

Ang puso niyang pasaway, hindi na rin nakinig sa dikta ng isip niya. Nakatulong ang halik ni Atong para makalimutan niya ang lahat ng tama at mali. Kasalanan niya ba? Oo. Kasalanan niya. Naging mahina siya at hinayaang mangibabaw ang damdaming buong akala niya ay limot na niya…

At dahil sa nangyari sa kanila ni Atong ay doon niya tuluyang inamin sa sarili mahal pa rin niya ito. Kaya agad siyang naapektuhan at bumigay. Sa loob ng maraming taon, nandoon lang sa puso niya ang pagmamahal na akala niya ay wala na. Nagtago lang pala kaya ng magkaroon ng pagkakataon, lumitaw ulit kahit anong pigil niya.

Pero hindi na kagaya ng lahat. Hindi iyon ang goal niya. Hindi kasama si Atong sa mga plano niya. Hindi niya ito dapat isama dahil masasaktan lang siya. Hindi naman dahil sa nangyari, kailangan na nilang kalimutan ang lahat at happy ending na. Hindi ganoon ang lahat dahil alam niyang walang happy ending basta si Atong ang involved.

“Penelope…” tawag sa kanya ni Atong pero hindi niya ito pinakinggan. Lumayo siya rito. Bumangon siya. Kipkip ang kumot, nagtungo siya sa banyo. Naghilamos siya at doon nagbihis. Nang matapos ay hindi muna siya lumabas. Isinara niya ang toilet seat at naupo. Nangalumbaba siya at nagisip. This time, she needed to think clearly.

Muli niyang ipinaalala sa sarili ang mga sinabi nito noon, hindi sila magtatagpo dahil na rin sa negosyong mayroon ang pamilya nito. Alangan magbago iyon ngayon? Ipinaalala din niya ang tagal na panahong inubos dito. Hanggang ngayon ba naman ay uubusin pa rin niya ang oras dito samantalang alam niyang wala siyang mapapala dito?

Nasaktan siya sa isiping iyon at nangilid ang luha. Parang gripong nabuksan ang lahat ng damdamin niya para kay Atong kasama na roon ang lahat ng dilemma at takot. Kinalma niya ang sarili at inisip na maging wise sa pagkakataong iyon. Ilang beses siyang nag-breathe in and out. Nang maging okay ang pakiramdam, doon siya lumabas. Nagdasal din siya bago harapin si Atong. Sana, maging okay ang lahat sa kabila ng mga nangyari sa kanila…

“Atong, let’s talk.” pormal na saad niya at nagiwas siya ng tingin ng makita ang kahubdan nito. Naginit na naman ang pakiramdam niya at bago pa siya makalimot, kinuha niya ang tuwalyang nakasabit sa may pinto saka iyon iniabot dito. “Get dress, please,”

Napabuntong hininga ito at tumalima. Nagbihis ito sa CR. Paglabas nito, tumalon muli ang puso niya. Nahigit niya ang hininga ng maupo ito sa tapat niya.

“W-What happen last night was m-mistake. Kalimutan na lang natin ang lahat.” pigil hiningang saad niya. Tinatatagan niya ang dibdib at pinakita ang determinasyon.

Lumarawan ang disappointment sa mukha nito. Parang piniga ang dibdib niya ng makitang dismayadong napailing ito. Nasa mga mata ang sakit at pait. Nagsisi man sa pananakit niya dito, inisip na lamang niyang iyon ang sa tingin niyang magandang paraan para tapusin na ang lahat. Alangan namang ayain niya ito ng kasal dahil ito ang unang lalaki sa buhay niya? That’s absurd!

“Wow… You saw me as a mistake.” mapait nitong anas saka napatingin sa malayo.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon