“Hindi mo na dapat ako sinundo. Puwede naman akong mag-taxi papuntang chapel,” pigil hiningang sabi ni Penelope kay Atong. Natuturete pa rin siya hanggang ngayon. Katatapos lang niyang maligo ng tawagan siya ng sa front desk clerk at sabihan tungkol sa presensya nito sa lobby ng hotel. Nawindang tuloy siya dahil hindi niya sukat akalaing susunduin siya nito. Tinakasan kasi niya ito para hindi na siya mahatid. Ngayon naman ay pinuntahan pa talaga siya.
Bumilis lalo ang tibok ng puso niya ng isang simpleng ngiti ang isinagot ni Atong. Palibhasa, isa iyon sa mga nagustuhan niya dito: ang killer smile nito. Tumitigil ang oras niya sa tuwing nakikita iyon. Agad niyang ipinilig ang ulo ng maalalang natulala na naman siya.
“Let’s go,” ani Atong saka ibinukas ang pinto ng kotse nito.
Sa halip na sumakay, humalukipkip siya at tinitigan ito. Pakiramdam niya, sa ganoong paraan ay marerendahan niya ang puso. “Atong, nangako ako noon na hindi na kita guguluhin kaya hindi mo na ito kailangang gawin. Ayokong maging pabigat. Hindi naman ako bisita para itrato mo ng ganito.” pigil hiningang saad niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya ng tumiim ang titig nito sa kanya. Kinakabahan man, pinakita pa rin niya ang determinasyon. Sa tingin niya ay tama lang naman iyon. Mas magandang sabihan na niya si Atong para umiwas na rin ito.
“Ginagawa ko ito dahil hindi ka na ibang tao sa akin.” seryosong sagot nito saka napahinga ng malalim. “Alam kong may usapan na tayo noon pero gusto kong gawin ito para hindi ka mahirapan. Hindi ka pabigat, okay? I just want to help you in any way I can.” sinserong sagot nito.
Natunaw tuloy ang puso niya. Ang puso niyang kinokontrol, nalito na naman kung papaano sasagutin iyon. Mukhang hindi effective ang pagtatapat niya. “A-Atong—”
“I really don’t mind. Okay?” determinadong sagot nito.
Napabuntong hininga siya dahil nakikita niyang mukhang hindi ito patatalo. Sa huli, minabuti niyang tumango na lang at inisip na iwasan na lang ito sa ibang pagkakataon. Mukhang na-relieved ito at sumakay na lang siya sa kotse.
“Nagugutom ka ba?” untag ni Atong makalipas ang ilang segundong pagmamaneho.
“Mamaya na lang. Wala akong gana,” sagot niya—bagay na totoo dahil nagkape siya kanina sa hotel bago maligo. Busog pa ang pakiramdam niya.
Saglit itong napatingin sa kanya at muling itinuon sa daan ang mga mata. “Walang gana? That’s not good. It’s almost lunchtime. Dapat ay nag-almusal ka.”
“Nagkape naman ako kanina,” simpleng sagot niya. Pigil na pigil niya ang pusong huwag maapektuhan sa pagaalala nito. Doon niya natuklasang napakahirap ng kalagayan niya: ang umastang walang pakialam kahit na ang totoo’y mayroon naman talaga siyang nararamdaman.
Napaungol ito. “But that’s not enough. You should eat. Sa Hades’ Lair muna tayo, okay?” suhestyon ni Atong.
“Hindi pa naman ako nagugutom. Mamaya, ako na lang ang maghahanap ng makakainan.” tanggi niya. Damn, she felt hopeless even more. Naloloka na siya kung papaano lulusot dito.
“I insist. Hindi magandang nalilipasan ng gutom. Alam mo dapat 'yan dahil nurse ka,” anito saka siya kinindatan. Napasinghap tuloy siya sa ginawa nito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at agad niyang sinuway ang sarili. Eh, ano kung naging pogi ito sa ginawa? Deadma lang siya dapat!
Hindi na siya umimik ng magbuwelta ito at dumiretso sa Hades’ Lair. Alam niyang hindi na naman ito patatalo kaya nanahimik na lang siya. Ilang sandali pa ay nasa Hades’ Lair na sila. Agad na itong nag-order ng makakain at tahimik nilang hinintay iyon.
“Hanggang kailan ka dito?” tanong ni Atong.
“Eighteen days ang leave ko. May two weeks pa ako.” sagot niya. Dalawang linggo ang burol ni Bonsai dahil hinihintay na maging okay si Ira. Gusto kasi nitong nandoon sa libing ng asawa. Naging posible naman iyon dahil kinausap naman ng mga kaanak ni Bonsai ang tagapangasiwa ng burol at naiayos naman ang bangkay ng kaibigan niya kaya maaaring umabot ito ng ganoon katagal. Sa ngayon ay isang linggo na itong nakaburol.
“What are your plans?”
Nagtaka siya sa pagtatanong nito pero sinagot pa rin niya ito ng maayos. “Uuwi muna ako sa San Jose para makapagpakasyon. After that, babalik na ako sa Canada,”
“I see,” simpleng sagot ni Atong. Napansin niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito na parang dinaya lang siya ng paningin. Gusto niya itong tanungin pero naisip niyang baka namali lang siya. Bakit naman ito malulungkot? Pakakawalan siya nito tapos malulungkot ito ngayon?
Ah, malabo iyon. Pinaalalahanan niya ulit ang sarili na walang meaning ang mga nakikita dito.
Doon na dumating ang pagkain nila. Bago pa nito ‘pakialaman’ ang pagkain niya, inunahan na niya ito. Kumuha na siya ng kanin at ulam. Dahil hindi pa naman talaga siya gutom, kaunti lang ang inilagay niya sa pinggan. Pero napamaang siya ng dagdagan nito ang kanin sa pinggan niya! Hindi pa rin siya nakaligtas!
“Bawal mag-diet ngayon. You should eat a lot, okay?” simpleng sagot nito sa tingin niya. Ni hindi siya tiningnan! Mukhang nahiya pa. Gusto na tuloy niyang matawa. Napatikhim siya at pinigilang kiligin sa effort nito.
“Sige na. Kain ng kain,” anito saka siya sinalinan ng juice bago ito kumain. Napabuntong hininga na lamang siya at tumalima. Hindi tuloy niya napigilang mapatingin dito habang kumakain sila. Naalala tuloy niya ang panahon noon siya ang nanunyo dito. Pangarap niyang makasabay itong kumain at makasama kesehodang isiksik na niya ang sarili.
Gusto tuloy niya itong suwayin ngayon dahil baka mamaya, umasa na naman siya. Palibhasa, ngayon lang niya nakukuha ang mga bagay na noon niya gustong makuha. At siguradong oras na bumalik siya sa dati, kawawa lang siya.
Sa huli, napailing siya sa sarili. Pinaalala niya sa sariling hindi siya dapat nagiisip ng ganoon. Sabi nga ni Atong, hindi na siya iba dito. Gusto lang nitong tumulong kaya hindi niya dapat inaalala ang mga nakaraan nila.
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...