25. I WANT TO SEE YOU

499 28 0
                                    

“Naku, pasensya ka na talaga. Hindi na ako makakasama. Kailangan kong umuwi sa San Sebastian. Nagkaroon kami ng problema sa kainan at kailangan kong samahan ang ate ko. Hindi bale, nag-voluteer si Atong. Narinig niya kasi kaming naguusap ni Gerald at sumingit siya. Nagtanong siya tungkol sa lakad natin at pinaliwanagan ko. Nangako naman siyang tutulungan ka,” diretsong paliwanag ni Anariz kay Penelope. Gusto niyang mapaungol at magreklamo pero hindi na niya ginawa dahil nakakahiya din dito. Hindi rin naman nito ginusto iyon pero naman! Sa lahat ng tao, bakit kay Atong pa?

            “Ah, ako na lang. No worries, really,” pigil hiningang saad niya.

            “Mas okay nga na si Atong ang kasama mo. Hapon ang may-ari ng building at kakilala din niya. Makaka-discount ka at mapapadali ang transaction mo. Papunta na siya diyan. Susunduin ka rin daw niya,” kumbinsi ni Anariz.

            “O-Okay.” napipilitang saad niya. Saglit pa silang nagusap hanggang sa nagpaalaman na. Pagbaba ay natutop niya ang ulo. Ano ba namang klaseng biro ng tadhana iyon? Si Atong na naman!

            Napahinga siya ng malalim. Inisip na lang niya ang bright side at ang pakinabang niya kay Atong. Uuwi na lang siya agad at iiwas para hindi na sila nito magkasakitan pa sa salita.

            Napatango siya sa naisip. Naligo na siya at naghanda. Ilang oras din niyang hinintay si Atong hanggang sa makarinig ng busina. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng katok sa pinto ng silid niya. Pagbukas niya ay nabungaran niya ang inang ngiting-ngiti. “Anak, nand’yan si Atong.”

            Bumilis ang tibok ng puso niya hanggang sa napailing siya sarili. Hayun na naman siya. Nae-excite! Kinalma niya ang puso at nang makahuma, dali-dali na siyang lumabas. Nadatnan niya ito sa terrace nila. Kausap nito ang tatay niya. Napatingin ito sa kanya at kumabog ang dibdib niya.

            “O, nand’yan na pala si Pen. Kumain muna kayo bago kayo umalis,” anang ama niya.

Napakurapkurap siya at lihim na sinita ang sarili. Bakit ba siya natulala na naman? Ah, ang guwapo-guwapo naman kasi ni Atong. Fresh na fresh! Kahit tanghali na, parang bagong ligo at ang bangu-bango. Parang hindi pinapawisan. Nakakagigil.

Napailing siya sa sarili at napatikhim. “Hindi na ho, ‘tay. Aalis na kami,” paalam niya saka sinenyasan si Atong.

Tumayo naman ito. “Sige ho. Mauuna na po kami. Have a nice day, tito, tita,” magalang na paalam nito. At ang parents niya! Mukhang tuwang-tuwa sa pa-po-po nito at pa-ho-ho!

Nang tumalima na si Atong ay inalalayan pa siya nitong palabas ng gate nila. Napatingin tuloy siya rito at tumibok ang puso niya ng matitigan ang guwapo nitong mukha. Tila hindi naman nito pansin iyon at parang natural lang dito ang alalayan siya.

Nararamdaman niya, nanlalambot na naman ang puso niya sa mga gestures nito. At bago pa mahuli ang lahat, umiwas na siya. Pasimple niyang hinila ang siko at pumasok sa sasakyan nito.

“Bakit mo pa ako sinundo? Puwede naman akong mag-commute,” agad niyang sita kay Atong pagkaupo nito sa driver’s seat.

“I want to see you,”

Ginawaran niya ito ng isang may tunog na ismid para ipakitang hindi siya naapektuhan pero ang totoo, apektadong-apektado siya! Nakakabigla na magsabi ito ng ganoon at seryosong-seryoso pa. Nasisira tuloy ang mood niyang makipagtigasan dito.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon