11. CAN'T HELP IT

534 37 0
                                    

“Hindi ako nagugutom. Beer na lang,” nakangiting sagot ni Penelope kay Beth matapos siya nitong tanungin kung ano ang gusto niyang kainin. Totoo naman iyon dahil mabigat pa ang tyan niya. Inaaya siya ni Atong sa opisina pero tumanggi siya. Natuwa kasi siya sa acoustic band na tumutugtog ng oras na iyon at ginustong mapanood iyon. Hinayaan naman siya ni Atong kaya ito na lang ang pumasok sa opisina.

            “Sigurado kayo, ma’am? Ang bilin kasi ni Sir Atong—”

            “I am fine. Beer na lang para antukin agad ako mamaya paguwi ko sa hotel,” nakangiting sagot niya. Napatango naman ito at tumalima. Pagbalik nito ay may dala na itong isang malamig na beer at baso. Sinamahan na rin nito ng fries para daw may makakain siya. Natawa na lang siya at nagpasalamat.

            Tahimik niyang ininom iyon. Ilang sandali pa ay naubos na rin niya. Muli, nagpakuha pa siya ng isa. Nakalahati na niya iyon ng maramdamang bumigat na rin ang ulo niya. Mukhang tinamaan na siya.

            “I’m sorry. Bukod sa cheke, nakita ko rin na tambak na ang table ko ng mga documents. Tiningnan ko pa kung alin ang urgent doon at in-approve. Having fun? Pangalawa mo na yata ‘yan,” ani Atong saka naupo sa tabi niya.

            Namumungay ang mga matang napatingin siya rito. “Okay lang. Nage-enjoy naman ako dito dahil sa acoustic band. Last na din ‘to pero samahan mo muna ako,” aya niya rito.

            Tumango ito. Natuwa siya ng umorder ito ng isang bote ng beer at pinagbigyan siya. “As you wish. Pagkatapos nito, ihahatid na kita. You need to rest. Uuwi ka pa bukas, hindi ba?” paalala nito.

            Tumango siya at tumungga. Ganoon din ang ginawa nito. Habang umiinom ay naguusap din sila hanggang sa mauwi sa throwback na naman ang topic!

            “Ang sipag mo ngang magpadala ng bulaklak noon,” biro nito.

            Natawa tuloy siya. Kung ibang pagkakataon lang iyon, nailang na siya. Pero dahil, tipsy na siya ay nakuha niyang tawanan ang ginawa. “Ang hilig mo talagang mag-throwback, ano?” nalalangong tanong niya rito. Naubos na niya ang pangalawang bote kaya tumaas na rin ang tama niya. Ito naman ay mukhang ganoon din. Napasarap ang inom nila at kuwentuhan. Pangalawang bote na rin ni Atong iyon.

            “I was just happy. You know what? I treasure those memories. Hindi lang halata,”

            “Really? Hindi nga halata dahil hindi ko napansin. Ikaw, ha? Mukhang pinagnanasahan mo rin ako noon!” natatawang ganti niya. Lasing na nga siya dahil nakukuha na niyang sakyan at makipag-flirt!

            Bahagya itong natawa. “Honestly, yes.”

            Napangisi siya. “Sinasabi ko na nga ba. Ang sungit-sungit mo noon, iyon pala…” nakangising kantyaw niya saka napabungisngis! Hindi niya mapigilang makaramdam ng kilig. Nangalumbaba siya habang nakangisi dito. “Tell me. What else?”

            “I watched everything you do,” anas nito at nagkaroon ng init ang mga mata.

            Unti-unting nawala ang ngisi niya at nanikip ang dibdib niya. Biglang naginit ang puso niya pati pakiramdam. Ah, dahil iyon sa mga mata nito. Nakakapaso ang init noon.

Pinilit niyang ignorahin ang tensyon. Kumumpas ang kamay niya. “You know what? Nabibingi na ako. Lasing na yata talaga ako…” natatawang sagot niya saka kinalma ang sarili. Mukhang nakadagdag sa init na nararamdaman niya ang tama ng alcohol sa sistema niya. Ah, magandang umuwi na nga siya.

            Hindi na ito nagsalita at tinawag si Beth. Pinakuhanan siya nito ng lukewarm water. “Okay. Uuwi na tayo pero uminom ka muna para hindi ka sikmurain pagkagising mo bukas,”

            “Yes, boss.” biro niya rito saka sumaludo. Napahagikgik siya sa sariling joke samantalang titig na titig ito sa kanya. “Ano ka ba? Hindi ka man lang tumawa. Tinititigan mo na lang ako,”

            “I want to stare at you. You’re so… lovely,” anas nito saka siya tinitigan.

            Kumabog na naman ang dibdib niya. Bigla siyang nalito sa tiim ng titig nito. Parang nawala ang kalasingan niya. Umikot ang sikmura niya at nailang siya.

            Hanggang sa napailing siya sa sarili. Mukhang pareho na sila nitong lasing. Hindi naman magsasalita ng ganoon si Atong kung normal ito. Dahil doon ay itinawa na lang niya ang lahat. “Lasing ka na. Mag-tubig ka na rin,” biro niya.

            Magsasalita pa sana ito pero sakto namang dumating si Beth dala ang lukewarm water. Agad na niya iyong ininom. Pinanood naman siya nito habang umiinom. Muli, nailang tuloy siya at muntikan ng mabulunan. Dahil doon ay mayroong ilang tubig na natapon sa gilid ng labi niya.

            “Easy,” anas nito at naunahan siyang punasan iyon gamit ang hinlalaki nito. Aksidenteng nahaplos din nito ang labi niya. Pakiramdam niya ay nakuryente siya. Nanayo ang balahibo niya at kumabog ng ubod tindi ang dibdib niya.

            “S-Sorry. Nalito lang ako. Ikaw naman kasi… tama na ang titig, okay?” madulas na amin niya. Dahil sa alcohol, nawalan na siya ng inhibisyon. Idagdag pang medyo mapungay na ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Parang inaakit siya at naakit naman siya!

            “I’m sorry. I couldn’t help it…” anas nito at lalong nagkaroon ng init ang mga mata.

            “Inaakit mo ba ako?” pigil hiningang tanong niya. Ang bilis-bilis na ng tibok ng puso niya. The way he looked at her really turned her on. Hindi na niya naririnig ang matinding babala ng isip niya dahil nangingibabaw ang damdaming akala niya ay limot na niya…

            Tumaas ang isang sulok ng labi nito. “Do I need to do that?”

            Bahagya siyang natawa pero deep inside, lalong naginit ang pakiramdam. Tama ito. Hindi nito kailangang gawin iyon.Titig pa lang, gusto na niyang bumigay.

            “We should really go,” anas nito.

            “Right,” anas na ayon niya. Pagtayo niya ay naging mabuway na ang tuhod niya. Agad naman siya nitong nasalo at napayakap siya rito. At isa iyong malaking pagkakamali. Lahat ng alalahanin niya, tuluyang naglaho dahil sa pagkakalapit at titigan nila.

“A-Atong…” anas niya. Parang binalot na siya ng kakaibang uri ng mahika.

“Let’s go,” anas nito. Desire was written in his eyes and it made her heart beats wild. Tila nahihipnostimong tumango siya rito at nilisan na nila ang lugar. Sa daan ay pareho silang tahimik. Maya’t mayang pinipisil ni Atong ang kamay niya, pinaparamdam na magiging maayos ang lahat at wala siyang dapat ipagalala.

At hindi niya hinayaang ang sariling magisip ng oras na iyon. Balot na balot siya ng matinding antisipasyon. Palibhasa, ang tagal niyang pinangarap iyon at ngayong magaganap na, walang paglagyan ang pananabik niya.

Pagdating sa hotel ay agad silang dumiretso sa silid niya. Pagkasarang-pagkasara ng pinto, hindi na siya nagaksaya ng oras. Hinila niya ang kuwelyo nito at hinalikan ng buong pananabik.

Halos maluha siya ng halikan din siya nito ng ubod init. Para na siyang nasa langit dahil sa ligayang hatid noon. It was a dream come true. She could really die that moment…

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon