8. BLUSHED

587 34 0
                                    

“I’m sorry. Late na akong nagising,” nahihiyang salubong ni Penelope kay Atong. Halos hindi na siya magkandaugaga ng itawag ng receptionist ang presensya nito sa lobby ng hotel. Alas sais ang usapan pero alas sais siya nagising! Inumaga na rin kasi sila sa burol kaya puyat na puyat siya.

            “It’s okay. Did you sleep well?” nakangiting tanong nito.

            “Oo. Napasarap pa nga.” sagot niya saka naglakad na sila nito palabas. Pansin niya ang mga simpleng gestures nito bilang gentleman kagaya na lang ng paghawak nito sa siko niya habang pababa sila sa mababang hagdan ng hotel. Pinagbuksan din siya nito ng pinto ng kotse at inalalayang makasakay.

            Gusto niyang mapailing sa sarili dahil lahat ng kilos ni Atong ay napapansin niya. Napahinga na lamang siya ng malalim at minabuting padalhan ng mensahe ang mga magulang. Kinumusta niya ang mga ito maging ang kapatid. Hindi pa rin kasi sila nagkikita ni Peter kahit nasa Makati lang ito. Pero nangako ito na pupunta sa libing ni Bonsai.

            Nag-reply naman agad ang pamilya niya at napahinga siya ng malalim ng sabihing maayos naman ang kalagayan nila at mayroong project si Peter kaya hindi siya nadadalaw sa hotel. Sa huli, nag-reply siya na natutuwa siya sa kapatid at naiintindihan ito. Maging ang ina ay ni-reply-an niya na magiingat sa Bacolod.

            “Everything okay?” untag ni Atong habang ipina-park ang sasakyan nito sa harapan ng Hades’ Lair.

            Tumango siya. “Kinumusta ko lang ang kapatid ko at sina nanay. Okay naman daw sila,” aniya saka sinabi ang napagusapan nilang maganak. Mukhang natuwa naman si Atong. Patango-tango ito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil mukhang masaya ito para sa kanya.

            “That’s nice.” anito saka siya pinagmasdan. “Honestly, I am happy for you. You made this far, Penelope. Alam kong darating ang araw, mahihigitan mo pa ang lahat ng ito.” puri nito.

            Hindi niya inaasahan iyon kaya natunaw bigla ang puso niya. Nagbigay din iyon ng kakaibang saya sa kanya. “Thank you. I’ll take that as a compliment,” simpleng sagot niya pero sa loob-loob niya ay hindi na naman mapakali ang puso niya.

Ngumiti ito saka tumango. Saglit pa siya nitong tinitigan na parang mayroon pang gustong sabihin hanggang sa bahagyang natawa na lang at napailing. “Okay then. Let’s go? Kumain na muna tayo.” anito saka siya inalalayang lumabas.

Pagpasok sa bar ay agad silang dumiretso sa opisina. Pagupo niya ay agad itong tumawag sa intercom para sa order nitong pagkain. Siya naman ay napansin ang picture frame sa isang mesa. Tingin niya ay mesa iyon ni Ira dahil doon nakapatong ang picture frame nito kasama si Bonsai. Ngayon lang niya iyon napansin dahil sa tuwing kumakain sila doon ay lagi siyang nakatalikod sa side na iyon.

            Kinuha niya iyon. Kapwa ngiting-ngiti ang dalawa. Nakayakap si Bonsai sa leeg ni Ira at magkadikit ang pisngi ng dalawa. Suot nila ang couples shirt na sabay nilang binili. Nalungkot siya dahil naalala niya ulit ang kaibigan pati na rin ang tungkol sa couples shirt. Namasa ang mga mata niya habang naalala ang lahat. Bumili din siya ng para sa kanila ni Atong pero hindi na niya iyon naibigay dahil na-basted na siya noon. Sa sobrang sama ng loob niya at sinunog niya iyon.

            “Hey.” masuyong untag ni Atong.

            Napakurap-kurap siya at agad na pinunasan ang mga mata. Isang pagak na tawa ang ginawa niya para itago ang lungkot na biglang naramdaman.

            “Naalala ko lang si Bonsai. Alam mo naman na mahal na mahal niya si Ira. Kasama niya akong bumili ng couple shirt na suot nila dito,” sisinghot-singhot na paliwanag niya.

            “Nakwento nga ni Bonsai. Bumili ka rin daw ng para sa atin,”

            Biglang naginit ang pisngi niya. Gusto niya tuloy sakalin ang kaibigan dahil sa pangbubuko nito hanggang sa sisinghot-singhot na natawa na lang siya at napailing. Kahit yugyugin niya ang kaibigan, wala ng mangyayari.

            “Wala iyon,” naiilang na iwas niya. Gosh. Bakit ba siya naiilang? Hindi siya dapat mailang! Kinakalma niya ang pusong biglang nagwala dahil sa alaalang iyon.

            “Bakit hindi mo ibinigay?” anas nito.

            Naginit na pati kilay niya! Ano ba naman itong si Atong? Umiiwas na nga siya, nagtatanong pa? Paano tuloy niya sasabihin ang totoo?

            “Hindi ko na matandaan kung bakit. Ang tagal na noon. Eight years ago pa,” pagdadahilan niya at sana ay huwag na itong makulit. Ayaw na rin naman niyang pagusapan iyon. Siguradong kikiligin na naman siya at mauuwi lang sa sama ng loob dahil walang nangyari sa lahat ng effort niya.

            “Ganoon ba…” anito at napabuntong hininga. Mukhang nanghihinayang! At gustuhin man niyang punahin ang reaksyon nito ay bigla siyang natakot.

            At ang reaksyon nitong iyon ay yumayanig sa disposisyon niya. Ilang beses niyang kinumbinsi ang sariling walang meaning iyon. Hindi siya dapat magpaapekto. Dahil kung magpapaapekto siya, sisira iyon sa magandang katayuan niya ngayon.

            Nakalimutan na nga niya ito. Bakit ngayon ay nayayanig siya sa mga simpleng nakikita? Ah, hindi puwede iyon. Kailangang tigasan ang dibdib! Dahil siya lang ang masasaktan oras na bumigay siya…

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon