“OH, SHIT…” nanghihinang ungol ni Atong at napangiwi siya ng maramdaman ang matinding pananakit ng katawan. Maging ang ulo at mukha ay masakit din. Namasa ang mga mata niya ng pinilit niyang magsalita pero hindi niya magawa.
Natigilan siya ng umakmang hawakan ang mukha niya pero hindi niya magawa. Doon niya napagtanto na naka-semento ang kanang braso niya at kaliwang binti. Ang ibang parte ng katawan niya ay naka-benda naman. May mga gasa din siya. Mabigat din ang buong ulo niya at hirap din siyang makakita. Alam niyang iyon ang kinalabasan ng matinding bugbog sa kanya.
“Are you okay, Nagato?” seryosong anas ng ama niya.
Tumango siya bagaman hirap. Para sa kanya, kahit hindi pa siya ganap na magaling, okay na rin dahil nagising siya. Ang mahalaga ay nabuhay pa rin siya.
“W-What happened?” hirap na tanong niya.
Napahinga ito ng malalim at ipinaliwanag na nao-operahan ang braso niya at binti dahil kailangang alisin ang mga namuong dugo doon at mai-correct ang dislocated joints niya sa siko hanggang sa tiningnan siya ng mataman, “Do you remember Gani Yamamoto? Nakatunog sila sa gagawin ko at ikaw ang pinaginitan. Pati si Riu, nabugbog din. Inalam ng grupo ang lahat ng tungkol sa’yo kaya nila kayo nahanap. Nasa kabilang silid lang si Riu at nagpapagaling. Nalaman ko ang lahat ng ito dahil umamin ang isang nambugbog sa’yo na nahuli ng mga pulis kagabi.” imporma nito.
Biglang bumangon ang takot sa dibdib niya dahil sa nalaman. “W-Where’s Penelope? W-We’re together a-and—”
“She’s safe. Nasa labas siya. Sandali at tatawagin ko,” malamig na sagot ng ama niya saka tumalima. Lumabas ang ama niya at ilang segundong nawala. Hirap man siya sa nararamdaman, naluha pa rin siya sa labis na pasasalamat. Mas lalo siyang nakahinga ng maluwag ng pumasok si Penelope at walang anumang pinsala. Naluha na siya sa sobrang saya.
“I… am glad you’re safe…” hirap na anas niya. Wala nang mas sasaya pa sa nakita niya. Doon niya napatunayan na sobra-sobra ang pagmamahal niya rito. Kahit pa matindi ang damage niya, nabalewala iyon dahil sa presensya ni Penelope at sa nakita niyang kalagayan nito.
“N-Nagato, I-I’m sorry…” anas ni Penelope saka napayuko.
Natunaw ang puso niya sa nakitang paghihirap nito. Awang-awa siya dito. Alam niyang matinding trauma iyon dito kaya nakahanda siyang ilayo. Aalis sila ng Pilipinas. Magpapakalayo-layo sila para hindi na sila matunton ng mga kalaban ng ama niya.
“Pen… don’t be. Kapag naging maayos ang lahat, aalis tayo. Magpapakalayo-layo tayo,” pangako niya.
Nagkadailing ito at impit na napaiyak. God… it was breaking his heart. Gusto niya sana itong patahanin at kalmahin pero hindi niya magawa. Hindi siya makakilos dahil sa kalagayan. “Pen, stop crying…” anas niya.
“I’m so sorry… h-hindi ko na kayang ituloy ito, Atong. N-Natatakot ako…” luhaang amin nito. Napalunok siya ng makita ang matinding takot at sakit sa mukha nito. Sa tindi noon ay nararamdaman din niya. Dahil doon ay nakaramdam din siya ng matinding takot. Dama niyang unti-unti na itong bumubitaw sa kanya…
“Oh no… please… don’t say that…” nanghihinang anas niya.
Luhaang umiling ito. “T-Tanggapin na lang natin na hanggang dito na lang tayo…”
“N-No…” nanlulumong anas niya. Durog na durog na rin ang puso niya.
“Atong, hindi ko kaya ang ganitong buhay! Sooner or later, mangyayari ulit ito! Kahit magtago pa tayo sa dulo ng mundo o sa impyerno, mahahanap nila tayo! Mauulit lang ito!” luhaang giit nito. Nakikita niya ang takot at determinasyon sa mga mata nito—mga bagay na tuluyang dumurog sa puso niya.
Naiyak na siya. Sobra siyang nasaktan sa mga binibitawan nitong salita. Ang sama-sama ng dating noon sa kanya. Kung kailan niya ito kailangang-kailangan, doon naman siya nito iiwan!
“N-Nangako ka, Pen… Ang sabi mo, hindi mo ako iiwan…. Please, don’t do this. Nagmamakaawa ako sa’yo…” naghihirap na pakiusap niya. Sunud-sunod ang patak ng luha niya. Pigang-piga na ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob.
Bumagsak ang pakiramdam niya ng luhaang umiling ito. “I’m sorry. I-I have to go now.” pinal na desisyon nito saka tumayo na. Hindi pa ito nakuntento, inilapag nito sa sidetable ang engagement ring na ibinigay niya. Nataranta siya sa nakikitang kaseryosohan nito. Iiwanan talaga siya nito! Seryoso ito! Kahit nakikita nito ang kalagayan niya, handa pa rin siyang iwan!
“No! Damn it, Pen! Don’t do this—!” sigaw niya nang tuluyan na itong umalis. Pagkasara ng pinto, pakiramdam niya ay tuluyan na ring nagdilim ang mundo niya. Para siyang masisiraan sa sobrang sama ng loob. Napasigaw siya sa sobrang sakit ng dibdib at napahiyaw siya ng mabanat ang mukha niya. Maga ang mukha niya sa pasa kaya ganoon kasakit ang mukha niya.
Nanginig siya sa sobrang sakit at pait. He wanted to die that moment. Doon niya natuklasan kung gaano pa kalalim ang pagmamahal niya kay Penelope. Parang ayaw na niyang mabuhay dahil sa ginawa nito. Sobra siyang nasaktan at nasugatan…
“What happened?” alalang tanong ng tatay niya ng pumasok ito. Pero hindi niya ito sinagot. Patuloy lang siya sa pagwawala hanggang sa dumating ang doktor. Agad siyang sinuri at tinurukan ng painreliever at ilang mga gamot. Nang humupa ang sakit ay nakaramdam naman siya ng pagkaliyo hanggang sa unti-unting nakatulog.
Naging ganoon ang buhay niya sa loob ng ilang linggo. Nagwawala sa tuwing naalala si Penelope na hindi na dumalaw sa kanya. Habang tumagal, tumitindi ang sakit at pait hanggang sa nauwi iyon sa galit. Magisa niyang hinarap ang kalagayang hindi makalakad dahil sa kaliwang binti at sa tuwing hirap siya sa paglalakad, lalo siyang nagagalit dito.
Lumipas ang mahigit tatlong buwan bago siya nakalabas ng ospital. Ilang buwan din siyang nagpa-theraphy hanggang sa gumaling. Ang unang ginawa niya ay hinanap si Penelope pero bigo siya. Wala na ang pamilya nito sa San Jose. Sarado na rin ang Pen’s Marketing. Maging ang tiyahin nito ay wala rin ideya kung nasaan ang babae at halatang umiiwas din sa kanya. Si Charity ay ganoon din.
From there, he lost his contact to Penelope. Tinulungan siya ni Riu na hanapin ito at dahil sa koneksyon nito, nalaman nilang hindi lumabas ng bansa ang pamilya nito. Ibig lang sabihin ay nasa Pilipinas lang sila.
At lalo siyang nagalit sa pagtatago nito. Wala din itong awa. Alam nitong kailangan niya ito pero ano ang ginawa nito? Umalis ito. Tinaguan siya. And that realization hurts him. It caused him so much pain. Ang sakit-sakit. Ang pait-pait. Pagkatapos na lang ng lahat ng mga naging sakripisyo niya at mga pangako nila sa isa’t isa, sa huli pala ay maduduwag ito. Pinaasa siya ng pinaasa para lang takbuhan.
At hindi siya papayag na magdusang magisa. Dapat ay dalawa sila. Hindi pa rin niya pinatigil si Riu na hanapin si Penelope. Kahit gaano katagal, wala siyang pakialam. Ang mahalaga, mahanap niya ito. Ipaparanas niya rito ang lahat ng hirap at sakit na nararamdaman niya ngayon...
BINABASA MO ANG
HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)
Romance[STATUS: COMPLETED]✓✓✓ THIS IS THE STORY OF NAGATO 'ATONG', THE 3RD BOOK OF HADES' LAIR TRILOGY. IMPRESSIVE RANK: #1 IN MOB BOOK IN ORDER: BOOK 1: GERALD'S SURRENDER LINK: https://www.wattpad.com/story/207874809-hades%27-lair-book-1-gerald%27s-surr...