32. PRICELESS

375 27 0
                                    

“Naku anak! Masaya kami para sa inyo ng tatay mo,” naluluhang saad ng ina ni Penelope matapos niyang ipakilala si Atong bilang nobyo. Hindi na rin sila nagaksaya ng sandali. Sinabi din nila ang plano nilang pagpapakasal. Matapos itong mag-propose sa Hades’ Lair isang linggo ng nakaraan, inayos lang nila ang ilang trabaho at umuwi na sa San Jose.

            Napangiti siya ng makita ang ligaya sa mukha ng mga magulang niya. Nasisiguro niyang oras na malaman din ni Peter iyon ay matutuwa ito. Uuwi din ito dahil sinabihan niya. Humingi lang ng tawad na umaga na lang uuwi sa halip na gabi dahil mago-overtime pa daw ito. Pumayag na siya dahil magtatagal naman sila doon. Dalawang araw nilang planong manatili para maipakilala pa niya ito sa malayo nilang kamaganak.

            “Saan ninyo plano? Dito o sa Japan?” tanong ng tatay niya. Hindi lingid ang background ni Atong at natutuwa siyang tanggap nila ito.

            Natigilan si Atong hanggang sa hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. “Dito po sa Pilipinas. Dadalhin ko nga po pala si Penelope sa Japan sa susunod na linggo. Ipapakilala ko ho siya sa tatay ko. After that, we’ll go back here again. Isasama ko ho si dad para mamanhikan,”

            Kinabahan siya. Napagusapan na rin nila iyon pero hindi niya mapigilang kabahan. Tatay na nito ang haharapin niya at hindi ito ordinaryong tao. Sino ang hindi kakabahan? Pero para kay Atong, haharapin niya ang takot na iyon.

            “Atong…” anas niya.

            Masuyo siya nitong tinitagan. “Everything will be all right. Trust me, okay?”

            Napatango siya rito. Nagtitiwala siya rito. Hindi ang katayuan nito ang makakapagpasindak sa damdamin niya. Dahil doon ay nakuntento siya.

            Nagusap pa sila hanggang sa pinagpahinga sila ng mga magulang. Pagpasok nila sa silid ay pinahiga na niya si Atong. Siya naman ay inayos ang damitan at naglaan ng space para sa mga gamit nito.

            “Tama na ‘yan. Magpahinga na muna tayo,”

            “Hon, maglalaan lang ako ng space. Permanent space dahil magiging permanent ka na sa buhay ko,” aniya saka ito kinindatan. Nagiinit din ang pisngi niya dahil first time! Nagsabi siya ng endearment! Ang tagal niyang pinagisipan iyon. Sa sobrang kilig niya, wala siyang maisip! Nakakaloka!

            But she prefers to call him that way. Her heart strongly agrees. Atong was her honey. He was the sweetest thing ever happened to her. She smiled at the thought.

            Napangiti si Atong. He looked pleased, happy and proud. “Come here,” anito saka tinapik ang espasyo sa harap nito. Tumalima siya. Naupo siya sa harap nito. Nakapagitan siya sa mga hita nito at niyakap siya nito mula sa likuran. Impit siyang napahagikgik ng halikan nito ng ubod diin ang sentido at buhok niya.

            “I love you,” anas nito.

            Napangiti siya. Kilig na kilig! “I know. Obvious naman. Duh.”

            Napahalakhak ito. Siya rin ay natawa at kinikilig sa overloaded lambingan nila. Niyakap niya ito. Gumanti ito. They ended up cuddling on her bed! Natawa siya ng muntikan na silang malaglag.

            “Tama na. Baka katukin tayo ni nanay. Baka ano pa ang isipin nila kung ano ang ginagawa natin,” impit na suway niya kay Atong.

            Natawa siya ng hindi siya nito pakawalan. Sa isang iglap, niyakap siya nito ng parang unan! Halos nakadagan ito sa kanya! Natatawang pinalo niya ang braso nito. “Atong! Pakawalan mo na ako.”

            “No. I don’t want to. Hilingin mo na ang lahat, huwag lang ‘yan,”

            Tawang-tawa siya sa hugot nito. Maging ito ay natawa na saka siya gigil na hinalikan sa labi. “Atong naman. Promise, pagkatapos kong ayusin ang mga gamit mo, babalik ako. Ituloy natin ito mamaya. Magisip ka na ng maraming hugot. Magiisip din ako. Maghugutan tayo hanggang gabi,” biro niya saka sila natawang pareho.

            Gayunman, pinakawalan na siya nito. At habang inaayos niya ang gamit nito, naguusap sila hanggang sa napakunot ang noo niya ng hindi ito marinig na sumagot. Pagtingin niya ay napangiti siya. Nakatulog na ito!

            Tinapos na niya ang pagaayos at tumabi dito. Pinagmasdan niya ang guwapong mukhang iyon. Hindi siya makapaniwala sa kilig na nararamdaman. Kilig na hindi basta pambata lang. Dama niya ang kilig na alam niyang dito lang niya mararamdaman. Malalim. Sinsero. Seryoso. Napahinga siya ng malalim saka marahang hinaplos ang pisngi nito at ginawaran ng halik.

            Tumabi na siya rito. This time, she gave him back hugged. Napangiti siya at pumikit. That moment was priceless. She fell asleep with that thought.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon