22. CONNECTED

445 28 2
                                    

“Happy birthday!” gigil na bati ni Penelope kay Irvin saka ito ginawaran ng gigil na halik sa magkabilang pisngi bago ibigay ang regalong three feet na robot. Kasama pa niyang bumili ng regalo ang mga magulang niya. Isinasama niya ang mga ito pero hindi sila nakasama dahil sinundo sila ng isang malayong kaanak nila sa San Jose para um-attend din ng isang birthday ng malayong pinsan niya. Nagpadala na lang sila ng regalo na damit para sa bata.

Tuluyan na siyang nag-resign. Naiuwi na rin niya ang lahat ng gamit at nakapagpaalam na sa tiyahing nagpasok sa kanya sa ospital. Nalungkot ito noong una pero ng malaman nito ang plano niya ay natuwa naman. Nagalok din ito ng tulong na kung kukulangin ang pondo niya ay magsabi lang daw siya. Baka daw kasi kulang ang limang taong ipon niya sa itatayong negosyo. Sa huli ay tumango na lang siya. Sa ngayon ay dalawang araw na siyang nasa San Jose.

            Inagahan niyang magpunta sa bahay ni Ira para masolo pa niya si Irvin na ang cute-cute at ang likot-likot! Sakto lang dahil abala ang mga kaanak ni Ira sa paghahanda. Inako na niya ang pagpapaligo at paglalaro kay Irvin.

            “Let’s play your robot?” nakangiting tanong niya kay Irvin. Lalo siyang naaliw ng tumango ito at ito na mismo ang nagbukas ng kahon na naglalaman ng laruan.

            “Wow. Ang laki naman ng birthday gift ni Ninang Penelope. I want to play, too. May I?” singit ni Atong.

            Bumilis ang tibok ng puso ni Penelope ng maupo sa tapat nila si Atong. God… he smelled so damn good! Mukhang bagong ligo ito. Bagong gupit. Bagong ahit. Parang ang sarap nitong halikan at yakapin!

            Agad niyang sinaway ang sarili dahil sa pagiisip ng ganoon. Ano bang nangyayari sa kanya? Naamoy lang niya ito, naging mahalay na siya? No!

            “Totto…” anas ni Irvin. Napabungisngis tuloy siya sa pagiging bulol nito. Instead na ‘tito’, ‘totto’ ang tawag nito kay Atong.

            “Yes, baby? Why?” ani Atong kay Irvin saka kinalong. “Malungkot ang magisa ano? Walang ibang bata dito. Pasensya ka na, ha. Hindi nakabuo sina ninang at ninong. May kalaro ka na sana …”

            “Atong!” nabibiglang suway niya rito. Napalunok siya ng makitang kumislap sa inis ang mga mata ni Atong. Obviously, he hated her guts now. Bigla niyang naalala ang huli nilang paguusap. Mukhang hindi pa rin ito nakaka-move on gaya niya. Mabuti na lang walang ideya si Irvin sa pinagsasabi nito kundi…naku! Pahiyang-pahiya siya.

            Ah, malamang ay iyon ang gusto nitong mangyari: ang inisin siya. Maliwanag na bumabawi ito!

            “Ang bastos mo rin talaga, ano?” nanggagalaiting asik niya. Gusto na rin niyang batukan ang sarili dahil nagiinit maging ang pakiramdam niya. Palibhasa, agad niyang naalala ang paraan ng pagangkin nito para makabuo sila ng baby! God… the man was really insufferable! He pollutes her mind!

             Napangisi ito. “I was just kidding. Pikon ka naman.”

            Lumaki na yata ang butas ng ilong niya sa inis hanggang sa naisip niyang huwag na lang itong patulan. Inirapan niya ito at kinuha si Irvin.

“Where are you going? Kadarating ko lang. Nagpunta agad ako rito no’ng nalaman kong nandito ka na, 'tapos iiwan mo naman ako?”

            Napasinghap siya sa mga pinagsasabi nito hanggang sa napabuga ng hangin. “Talaga!” panonopla niya.

            Tinapik nito ang tabing espasyo. “Come here. Kuwentuhan muna tayo. Pagusapan natin ang mga ginawa natin sa hotel. Baka nalulungkot ka na naman? Sabihin mo lang, pasasayahin kita,” sarkastikong saad nito.

            Naginit ang tainga niya at bago pa siya tuluyang maubusan ng pasensya, lumabas na sila ni Irvin. Taas baba ang dibdib niya sa sobrang gigil! Sinilaban lang nito ng husto ang galit niya kaya bahala ito sa buhay nitong magisip-isip ng kung anu-ano!

Bitbit si Irvin ay nagpunta sila sa ibaba at naabutan sa hapag sina Ira. May katabi itong babae na pamilyar sa kanya.

            “Chelsea?” nagtatakang tanong niya. Nakakagulat ang pagsulpot nito doon. Kahit pa iba na ang itsura nito, nasisiguro niyang ka-batch nila ito sa San Jose High School. Hindi lang niya ito minsan nakitang nagiiwan ng sulat para kay Ira kaya natatandaan niya ito. She still possessed that built, size of face and mannerism regardless of her changes. Dati kasing buhaghag ang buhok nito, naka-braces ang mga ngipin at makapal ang salamin.

            “Chelsea? Her name is Leilanie, Penelope.” takang pagtatama ni Ira.

            “Oh…” gulat na sagot niya saka muli itong tinitigan. Baka nga namang nagkamali lang talaga siya? Mukhang dahil sa inis kay Atong, anu-ano na ang naiisip niya.

Minabuti niyang humingi ng pasensya. “I’m really sorry. Ka-built mo kasi ang dati naming school mate noon sa San Jose. Pati posture at mukha, hawig kay Chelsea kaya natawag kita ng ganoon. I’m sorry, okay?”

            Tipid itong ngumiti. Siya naman ay muling sinita ang sarili. Hindi puwedeng magpaapekto siya kay Atong. Nagkakandaletse tuloy ang isip niya dahil dito. Tama na ang halos sampung taong affected siya rito. Panahon na para ipakita niyang deadma na ito sa kanya. Kahit mahirap, kakayanin niya.

            Panahon na para isalba ang sariling nagiging tanga kay Atong. Period!

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon