18. THE PLAN

474 34 0
                                    

“WHAT DO you need?” nagtitimping tanong ni Atong sa mga tauhan ng amang nagsidatingan doon. Hindi naman nagpatalo si Riu. Agad itong tumabi sa kanya at alam niyang kaunting pagkakamali lang ng tatlong hapon na inutusan ng tatay niya ay hindi magdadalawang isip si Riu na ipagtanggol siya.

Gayunman, wala siyang pakialam sa presensya ng mga ito. Busy siya sa patungga ng alak. Desperado siyang nakaupo sa ibaba ng kama niya. Hawak niya ang isang bote ng beer. Frustrated siya. Ilang araw na siyang ganoon at wala siyang ibang gusto kundi makita si Penelope.

            Napabuga siya ng hangin at desperadong napahagod sa buhok. Tinungga niya ang isang bote ng beer at napaungol ng makaramdam ng pagkaliyo. Panglimang bote na niya iyon at tamado na siya. Pero bakit ganoon? Kahit lunurin niya ang sarili sa alak ay hindi pa rin nawawala ang sakit at pait ng paghihiwalay nila?

            Or maybe because he expected so much. Ang gahiblang pagasa niya noon ay naglaho dahil sa mga sinabi ni Penelope. Napahiya siya sa pagpapamukha nito na balewala lang ang lahat. Nagtapat na siya, ginawa ang lahat para suyuin ito pero nanatiling kulang. Tao lang naman din siya, marunong masaktan kaya hayun siya ngayon, sugatan na.

            “Sumimasen desuka. You need to go to Japan. Your father wants to talk to you. In person,” hinging dispensa ni Itachi, ang half-Japanese, half-Filipino na alagad ng ama na nasa edad kuwarenta’y singko. Naka-itim na suit ang tatlo. Iyon ang ‘uniporme’ ng goons ng ama niya. Mukhang kagalang-galang pero ang totoo’y mga halimaw. Handang pumatay kung kailangan.

            Napabuga siya ng hangin. “I don’t want to,” anas niya at muling inisip si Penelope. Mukhang nakabalik na ito sa Canada. Kumusta na kaya ito? Ano na kaya ang ginagawa nito?

            Mapait siyang napangiti. Kahit sobra siyang nasaktan, iniisip pa rin niya ito. Mas matimbang ito. Iyon na siguro ang naging karma niya sa pagtalikod noon dito: ang mabaliw at masaktan ng todo ngayon.

            “In that case, we have to force you. Ibinilin ho niya na kailangan ko kayong ibalik sa Japan, sa ayaw ninyo at gusto,” malamig na sagot nito.

            “I have to see Penelope. I want to see her…” balewalang anas niya. Iyon ang gusto niya: ang makasama ito. Paliliwanagan niya ito ulit. Mahigit dalawang linggo na itong nakakabalik sa Canada. Siguro naman ay malamig na ang ulo nito. Puwede na siguro niya itong suyuin. Kahit ano! Basta ang mahalaga, makasama na niya ito…

Dame desu.” sagot ni Itachi na ang ibig sabihin ay hindi ito pumapayag. “Mawalang galang na pero ipapaalala ko lang ho sa inyo na si Ino ang kalaban dito. Alam naman ninyo kung ano ang kaya niyang gawin. Hindi makakabuting puntahan ninyo ang babaeng tinutukoy ninyo.” malamig nitong paalala.

            Nanikip ang dibdib niya. Alam niyang tama ito at nakakagalit iyon. Hawak siya sa leeg ng lintik na kapalaran niya! Dahil din doon ay hindi siya basta makakilos para sa kanila ni Penelope. Gusto na niyang magalit sa sarili. He was so damn useless! He can’t do anything about it!

            “So I have no choice, huh,” mapait niyang anas.

            “Sumimasen desuka,” hinging paumanhin nito saka yumukod bago siya tuluyang iniwanan.

            “Anong plano mo?” malamig na untag ni Riu sa kanya.

            Napatitig siya rito. Nakitaan niya ito ng determinasyon. Iyon ang gusto niya kay Riu, kahit anong plano at desisyon niya, nakasuporta ito. “I want to see Penelope,” determinadong sagot niya.

            Napatango ito at tinitigan siya ng mataman. “I understand. But I suggest you should see your father first. I will make the necessary arrangements. Magpapa-book ako ng flight mula Japan papuntang Canada,” anito.

            Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya sa suportadong pinakita ni Riu. Saglit siyang napaisip sa plano hanggang sa napahinga ng malalim. “Okay then. Pupunta muna ako sa Japan para makausap si dad. Aftet that, we’ll go to Canada,” pinal na saad niya.

HADES LAIR TRILOGY BOOK 3: THE FALL OF NAGATO (SOON TO PUBLISHED UNDER PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon